"Ash, tara, bilis!"
Hindi pa man din ako nakakamove on sa nalaman ko ay bigla na lang ako hinila papasok ni Marga sa classroom.
May lahing pagkabastos din talaga 'tong bestfriend ko. Hindi man lang ako hinayaang makapagpaalam nang maayos sa kausap ko.
Wala na akong nagawa kaya napatingin na lang ako kay Phoenix. Tinanguan naman niya ako saka kumaway. Bilang ganti, tumango na lang din ako.
"Ano na naman ba problema mo? Makahila ka akala mo naman wala akong kausap."
"Meron ka bang kausap kanina? Ay, basta! Kung sino man kausap mo, hindi 'yan importante. May news ako! Mas importante 'to!" tuwang tuwa siyang niyuyugyog ako habang ang poor brain ko, nahilo na sa ginawa niya.
Kaya lang dahil chismis 'to, ibang usapan na. Hinawi ko ang kamay niya na nakalagay sa balikat ko at ako naman ang yumugyog sa kanya. "Ano na? Sabihan mo na, dali!!"
"Sandali pwede? Makayugyog. Ganito kasi..." tiningnan niya ako at ngumiti na parang kinikilig.
I waited and waited. Kaya lang hindi pa rin siya nagsasalita at panay sabi lang ng 'kasi, ano, ano kasi'.
"Hi, babe!" Hindi natuloy ang sasabihin ni Marga dahil dumating ang napakagaling niyang boyfriend. "What's up, Ash?"
Para namang nakalimutan ng magaling kong best friend ang lahat at nagfocus na lang kay Rocco. Magkasama naman sila kanina ha.
"Hay nako, Rocco! Mamaya ka na! May chika pa siya. H'wag kang istorbo!"
Sa halip na umalis ay mas lumapit pa siya saka umakbay kay Marga at bumulong. "Mamaya na chika, babe. Hayaan mo na 'yang si Ash at sinasabihan akong istorbo."
Ah gano'n? Sinamaan ko siya ng tingin at pinalo. "Shoo! Go away!"
Natatawa siyang tumayo at saka nagpaalam para pumunta sa upuan niya which is sa harap lang naman namin ni Marga.
Hindi sila magkatabi kasi sabi ko huwag silang magtabi. Ako ang bestfriend kaya dapat ako ang katabi ni Marga. Utang na loob na nga nila sa akin na pinaghiwalay ko sila. Paano na lang kasi kung magkatabi sila sa upuan tapos palagi pa silang magkasama? Baka magkasawaan lang sila kaya.
Ibinalik ko ang atensyon kay Marga nang magsalita ulit siya. "Ito na nga, nagtransfer na sila sa school na 'to," bulong niya habang kilig na kilig pa.
"Sino?"
"'Yung isa, 'yung pinakagwapong student ng kabilang school dati. Ang sikat niya sa school nila. Tapos 'yung isa naman, 'yung famous sa social media. Magaling kasi maggitara saka gwapo. Feeling ko nga magaling din kumanta pero never pa siya nagpost ng kumakanta kaya hindi ko rin sure."
"Nakakaloka! Huli na talaga ako sa chismis. Sino 'yan? Baka kilala ko?"
Nginitian niya ako at saka lumapit at bumulong sa tenga ko. "Phoenix Alvarez at Jaydee Samonte."
What?! Sikat talaga ang dalawa 'yon at pati itong bestfriend ko kilala sila?! I can't believe I'm so clueless sa mga ganap ngayon!
"Grabe, Ash. Kung alam mo lang kanina pa ako libot ng libot para makita 'yung dalawa kaya lang mailap ang pagkakataon. Ayaw kami pagtagpuin."
"Siya 'yon."
"Ha?"
"Si Phoenix 'yung sinasabi ko sa na kasama ko kanina bago mo ko hilahin papasok dito."
Nanglaki ang mata niya at mas lumapit sa akin. "Weh?! Tototo?! Bakit hindi ko nakita?"
"Aba! Anong malay ko sa 'yo?"
BINABASA MO ANG
Wanted: SomeoneTo Love
Teen FictionKung ang lahat ng tao sa paligid mo masaya, parang automatic na nagiging masaya ka na. Kung lahat naman sila malungkot, mararamdaman mo yung lungkot na nararamdaman nila. E paano kung lahat sila in love? Maiinlove ka rin ba? SYEMPRE HINDI. Kasi amin...