Chapter 9: Be careful what you wish for

244K 6.6K 1.1K
                                    

"Ganda ng ngiti ha. May ano?" Ayan agad ang bungad sa akin ni Marga nang makarating ako sa tapat ng classroom kung saan siya nakatambay.

Pakiramdam ko model ako ng toothpaste commercial sa sobrang laki ng ngiti ko. Mukhang magiging maganda ang araw na 'to. Paniguradong walang mambwibwisit sa akin ngayon. May mangbwisit man.. may panlaban naman ako sa kanya.

"Hoy!"

 Maybe not. May isa pa nga pala.

Napairap ako kay Phoenix at hinila si Marga para pumasok na ng classroom.

"LQ kayo?"

Anong LQ pinagsasabi nitong babaeng ‘to? LQ her face. Q lang. Wala ‘yung L.

Sasagutin ko pa lang sana si Marga nang may humila bigla ng kamay ko. Sino pa nga ba ang gagawa nun kundi ‘yung bwisit na Phoenix na 'to.

Napatingin na lang ako kay Marga na nakatingin sa amin ni Phoenix habang nanlalaki ang ngiti at kumakaway pa.

"Galit ka pa rin ba talaga dahil kahapon?" Wow. Gumana na ang utak niya at nagets niya yun? Good for him. "’Di ba parang masyadong matagal na 'yang galit mo?"

Bwisit 'to. Pinapakialaman pa ang duration ng galit ko. May katwiran naman siya kung tutuusin kaya lang wala akong pakialam. OA na kung Oa pero OA talaga ako.

"Joke nga lang kasi 'yun. Hindi ka naman nga pangit."

"Whatever," inirapan ko siya at pumasok na sa room.

Nang makabalik ako sa room ay umupo na ako sa tabi ni Marga at nakipagchismisan sa kanya. Busy kami sa pagkwekwentuhan nang may biglang kumalabit sa akin. Lumawak na naman ang ngiti ni Marga kaya noon pa lang, alam ko na kung sino ang kumalabit  sa akin.

Haya nako naman talaga. Hanggang sa room ba naman susundan ako ng Phoenix na ‘to? Gandang ganda ba siya sa akin para sundan niya pa ako hanggang dito?

"Bati na tayo."

"Ash, bati na raw kayo."

"May sinabi ka Marga? Wala kasi akong naririnig."

Napailing na lang ang bestfriend ko sa naging sagot ko.

Kinalabit na naman ako ni Phoenix pero hindi ko pa rin siya nililingon. Bahala siyang magsawa kakakalabit hindi ko talaga siya papansinin.

"Libre kitang cotton candy."

Kuminang ang mata ko nang marinig ang cotton candy. Kaya lang hindi pwede. Wala. Wala akong pakialam. Kahit na mahilig ako sa cotton candy at bilhan niya ako ng bente pirasong ganun, hindi ako makikipag-ayos. Ibang usapan pa rin ang paglait niya sa kagandahan ko.

"Sasamahan ko pa ng pizza."

Cotton candy at pizza? Nakakagutom in fairness. But, no! Kahit nakakatempt, hindi pa rin ako papayag. Wala akong pakialam sa cotton candy at pizza niya. Hindi nun mababayaran ang pang-iinsulto niya sa akin.

Wanted: SomeoneTo LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon