Chapter 3: Jaydee and Phoenix

291K 6.9K 800
                                    

Huling araw na ng bakasyon namin ngayon. Bukas, magsisimula na naman ang pagiging estudyante ko. Babalik na naman ako sa stressful pero nakakaenjoy na highschool life ko.

Para masulit ang huling araw na ‘to ng bakasyon, nagdesisyon akong puntahan sila Ate Zoe sa kanila. She won’t mind naman.

Nakatira si Ate Zoe kasama ang barkada niya na sila Ate Sab. Apat lang silang babae doon. Parang ang cool sigurong tumira kasama ng mga kaibigan mo. Ano kaya kung mag-stay kami ni Marga sa iisang bahay after highschool? Makakasurvive kaya kami?

“Nandito na po tayo.”

Natigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang magsalita ang driver namin. Kung anu-ano kasing iniisip ko kaya hindi ko na napansin na nandito na pala kami sa bahay nila Ate Zoe.

“Itetext ko na lang po kayo kapag magpapasundo na ako,” paalam ko sa driver namin at saka hinintay sila Ate Zoe na pagbuksan ako ng pinto.

Hindi rin naman ako naghintay ng matagal kasi dumating agad si Ate Zoe at sinalubong ako ng yakap. Nang makapasok na ako sa loob, nalaman kong silang dalawa lang pala ni Ate Sab ang nandito ngayon. Nagdate siguro kasama ang boyfriends nila ‘yung dalawa.

Nagkwekwentuhan kaming tatlo ng kung anu-anong bagay nang mapatingin ako sa side table nila. May mga picture frame na nakalagay doon at may napansin akong isang litrato. Childhood picture. ‘Yung papasa na pang Way back Wednesday, Throwback Thursday at Flashback Friday. Isang babae at isang lalaki. Ang cute cute lang nila. Nakaakbay sila sa isa’t isa.

“Kami ni Drake ‘yan.” Napatingin ako kay Ate Sab nang magsalita siya. Nakatingin siya sa picture na tinititigan ko kanina. “Ang tagal na niyan. Halata naman ‘di ba? We’re so cute.”

Tinitigan ko ‘yung picture. Cute? Siya, oo. Pero ‘yung isa.. hindi. Kanina oo sana e. Kaya lang ‘yung unggoy pala ‘yun kaya hindi na lang.

Best friend talaga sila ha. Ang tagal na ng picture na ‘to pero ngayon magkasama pa rin sila.

"Type mo ba si Drake?" Mabilis akong napalingon kay Ate Zoe. She's definitley joking. Daig pa niya kumain ng sibuyas sa baho ng sinabi niya.

"Kadiri."

"Oy, makakadiri ka naman. Gwapo kaya niyan, at saka ang sarap kasama. May tendency maging seryoso at boring minsan pero mabait naman."

"Kung ang definition mo ng mabait ay yung palaging nang-aasar, nangbwibwisit, namamahiya at nang-aalaska, then siguro mabait nga siya."

 Pinalo ako ng mahina ni Ate Sab sa braso, "Bestfriend ko pa rin yan, 'no. Pagpasensyahan mo na lang kasi, Ash. May tama lang talaga sa ulo ‘yang mokong na ‘yan e. Pero subukan mong makipag-close, tingnan mo, babait din ‘yun sa'yo."

Maging masama na siya habang buhay. Wala akong pakialam. Huwag na huwag lang nila ako sabihang maging close sa kanya. Parang inilapit ko na ang sarili ko sa kapahamawakan kung gagawin ko ‘yun.

Hay, nako. Sumasakit lang ang ulo ko at naririndi lang ang tenga ko sa topic namin kaya para gumanda ang usapan, kinamusta ko na lang sila nila Kuya at Kuya Josh. At ano pa nga ba ang initial reaction nila? Kilig syempre with matching palo pa.

Ayan! Ganyan ang gusto kong maramdaman.

‘Yung kinikilig ka kapag pinag-uusapan ‘yung isang tao na halos mabugbog mo na ‘yung katabi mo sa sobrang kilig. Ayan kasi ‘yung hindi ko magawang maramdaman. I want to feel that, too. Yung real happiness na nagagawa sa 'yo ng isang tao. Na tipong marinig mo lang ang pangalan niya mapapangiti ka na tapos magwawala na ‘yung paru-paro sa tiyan mo.

Wanted: SomeoneTo LoveWhere stories live. Discover now