Chapter 8: What hurts the most

260K 6.7K 912
                                    

Buong weekend ata akong narindi sa pagtunog ng phone ko dahil sa mga tawag at text ni Phoenix. Hindi ko alam kung first time lang ba niyang magkaroon ng kaibigan o kaya first time lang niyang magkaroon ng phone kaya gamit na gamit sa kanya ngayon ‘yun.

Pagpasok ko naman sa school, mukha na agad ni Phoenix ang bumungad sa akin. Napakakulit ng lahi ng taong 'to. Hindi ko na nga pinapansin ang mga tawag niya at nakukulitan ako tapos dito pala ako sa school bubulabugin.

"Good morning, Ashley."

 "Ano?"

 “Ito naman. Binabati lang nagsusungit agad. Umayos ka nga."

 "Wow ha. Hindi pa tayo close for your information."

Sinimangutan niya ako pero maya maya ay ngumiti rin at umakbay, "Friends na kasi tayo." Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na. Hindi naman siya nagpaiwan at sinundan ako. Hindi na rin niya tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.

"I have a proposal to make."

Huminto ako at humarap sa kanya habang umaarteng gulat na gulat, "What? Magpropropose ka sa akin? Oh my God! Ang bata pa natin."

Napasimangot siya saka ako tinaasan ng kilay, "Joke na ‘yan?" At dahil barado ako, siniko ko na lang siya.

"Ano ba kasi ‘yan?"

"I'll help you find someone." Napakunot ang noo ko sa proposal na sinasabi niya, "Ganito, I'll help you find someone. Kahit magpost pa ako ng mga papel na may nakalagay na 'Wanted: Someone to Love' gagawin ko."

"At anong kapalit?"

Syempre paniguradong hihingi ng kapalit 'to. Hindi yan papayag na ako lang ang nagbebenefit. Kaming dalawa dapat.

"Tutulungan mo rin akong maghanap ng akin."

"What?!"

Ngumiti siya at nagtaas baba ng kilay.

So ano ‘to? Same situation lang kami? Gusto rin niya makakita ng mamahalin?

"Ang daming nagkakandarapa sa 'yo, Phoenix. Bakit hindi mo kunin ‘yung isa dun tapos gawin mong girlfriend mo?"

Pinisil niya yung ilong ko with a little force kaya medyo masakit. Magmumukha akong reindeer nito.

"Hindi ganun kadali ‘yun, Ash. Hindi ako papasok sa relasyon na hindi ko naman kayang panindigan. Wala rin akong balak maggirlfriend para lang maitest kung sino ang magugustuhan ko. Ang mga babae, hindi yan parang damit sa mall na pipiliin mo at isusukat. At kung hindi mo magustuhan, ibabalik o iiwan mo na lang sabay hanap ng iba."

Napatitig ako sa kanya dahil sa statement niya. Ganun pala ang tingin niya sa mga babae samantalang ako parang ewan na binababoy ‘yung image ko sa kakapalit ng boyfriend. Sabihin man nating tatlo lang sila, grabe pa rin ako kasi dalawang buwan lang ‘yun. Weeks lang ang tinatagal ng relationships ko at after ilang weeks, meron na namang bago.

Samantalang siya.. bakit ganun siya? Napakagalang naman pala niya sa babae. Kung sino man magiging unang girlfriend nito sobrang swerte panigurado. Wala ka ng hahanapin kay Phoenix. Mabait naman siya sa pagkakakita ko. May respeto sa babae, mayaman, gwapo, hindi ko nga lang alam kung matalino.

Wanted: SomeoneTo LoveWhere stories live. Discover now