Chapter 2: Grounded

312K 7.4K 673
                                    

Napangiti ang lalaki sa sinabi ko  at saka nagpamulsa, "Bakit mo natanong?"

"Wala lang. Baka gusto mo eh. Pero kung ayaw mo, fine. Keri lang. No hard feelings."

"Desperate."

Naningkit ang mata ko nang may marinig akong boses sa likuran ko. Boses nung demonyong unggoy na mukhang nag-enjoy sa pagsira ng araw ko.

Tumalikod ako sa lalaking kausap ko para harapin ‘yung unggoy na si Drake at talakan. Kaya lang bwisit talaga eh. Pagtalikod ko, saktong dinaan lang niya ako at nilagpasan. Nauubos na talaga ang pasensya ko sa lalaking ‘to.

“Hoy! Umamin ka nga. May crush ka ba sa akin at sinusundan mo ko?” That seems to caught his attention kaya napahinto siya sa paglalakad at humarap sa akin.

Nako. Nako. Sabi ko na nga ba eh. May crush talaga sa akin ang unggoy na ‘to. Gusto lang talaga kunin ang atensyon ko kaya lang malamang nahihiya siya kaya idinadaan na lang niya sa pang-aasar. Sus! Okay lang naman kung umamin siya sa akin na gusto niya ako. Hindi naman ako magiging sobrang harsh sa pangrereject sa kanya.

"Ano? Bistado ka, 'no? Crush mo ko."

"Nananaginip ka ba? Ni hindi ka nga umabot sa kalahati ng standards ko. Nasobrahan ka sa ilusyon."

Nginitian ko siya at nagcross arms, "First stage, denial. Sige lang. I-deny mo pa. Lalabas din naman ang totoo."

"You're hopeless. You're so desperate you keep imagining for weird things to happen.” Hopeless? Desperate? Ang kapal ng mukha niya para sabihan ako ng ganoon. Hindi talaga naturuan ‘to ng GMRC noong bata siya kaya lumaking ganyan ang ugali.

"E, bakit mo ko sinusundan? Sus! Palusot ka pa."

 "If I'm following you, I won't be standing right here in front of you. Pakigamit ang utak. Nasasayang yan dyan."

Pakiramdam ko gumulong gulong ako sa escalator ng isang mall sa sobrang kahihiyan. Napakasama talaga ng ugali nito. Pinahiya na nga ako, sinabihan pa akong tanga, ilusyunada at desperada sa harap nitong future boyfriend ko. Nasaan na ang dignidad ko? Bwisit talaga!

At dahil sa ginawa niya, hindi ko na kayang magtimpi. Susugurin ko na sana siya pero may biglang humawak sa balikat ko. Si Kuya Josh. ‘Yung boyfriend ni Ate Sab.

“Anong balak mong gawin?”

“I’m trying to kill that monkey,” sabay turo ko kay Drake.

“Bukas na lang. Tara na sa loob at hinahanap ka na ng kuya mo.”

“Ha? Ayoko. Mamaya na lang. Kausap ko pa ‘tong boyfriend ko.”

Tinaasan niya ako ng kilay saka ngumisi. Anong pagmumukha ‘yan? “Kailan pa naging kayo ni Drake?”

“What?! Never in a million years magiging kami ng unggoy na ‘yan! Nakakadiri naman ‘yang nasa isip mo, Kuya Josh. Hindi ka ba kinikilabutan o nasusuka diyan sa sinasabi mo?”

"Sinong boyfriend  ba ang sinasabi mo?"

 Tinuro ko ‘yung lalaking kausap ko bago pa man din dumating ‘yung unggoy. Kawawa naman ‘tong magiging boyfriend ko. Na-OP na ata.

Wanted: SomeoneTo LoveWhere stories live. Discover now