CHAPTER 16

37 4 0
                                    

ASTRA




"Dra.Ramirez may nagpapabigay na naman po,."
Pero ngayon iba na naman ang kulay ,red tulips naman.

"Di mo talaga kilala kung sino ang nagbigay nito Nurse Chia?"
pagtatanong ko dito..umiiling naman ito..

"Pasensya na Dra,di ko talaga siya kilala tapos parati siyang naka hoodie at naka face mask,di ko talaga makikilala kung ganun."
tumango naman ako..
"Sige Dra,magrarounds pa ako."
Ngumiti naman ako dito at tumango..

Aabangan ko kaya ito sa labas bukas,Curious talaga ako kung sino ang nagbibigay nito sakin,
Pumunta naman ako sa Table ko at nakita kung wala pa si Syvie,hala bakit late yung babaeng yun.
Nilagay ko muna sa mesa yung tulips at saka ako umupo,,yung kahapon na tulips naman ay dinala ko talaga sa bahay,at nagtanong pa nga ang anak ko kung sino daw nagbigay,Natatawa nga ako sa reaksyon ng isang yun,sobrang possessive ,Ayaw paligawan ang Mama niya.Hay naku,Reinaston Immanuel.

"Morning,"
Napabaling naman ako doon sa nagsalita,nakaabang ito sa pintuan at diretsong nakatingin sakin.
Kinalma ko muna ang sarili ko.

"Anong sadya natin?"
Shocks halata bang kinakabahan ako?
Imbes na sagutin ako ay sa tulips ito napabaling ng tingin.
"Eherm! Anong sadya nga po."
di ko maiwasang di mainis,babaliwalain ba naman ako.
Umayos naman ito ng tayo at tiningan ulit ako..Ano magtitinginan nalang ba tayo dito?? gusto ko yung sabihin pero di nalang dahil baka masabihan pa akong walang modo.

"Ahm ,si Dra.Syvie ,di pa nakarating??"
obvious ba!!

"Di pa ,balik ka nalang mamaya."

"May ibibigay lang ako sa kanya."
sabay lakad papunta sakin at inabot ang puting sobre,ano to suhol?
Tinanggap ko naman ito,baka akalain wala akong respeto.
"Yun lang talaga sadya ko reto,Alis nako."
Nagtatanong ba ako!
Tumango naman ako at sinundan ito ng tingin hanggang sa lumabas ito ng silid..
Teka di ako nakahinga sa tagpong iyon ah.
Inilagay ko naman sa mesa ang inabot niya sakin.,
Maya maya ay dumating na ang salarin,si Syvie talaga may kasalanan ng lahat eh,kung di lang siya na late hindi sana ako ang kinausap ni Kyn! Oo si Kynaston yun!! Kaasar na tadhana!

"Morning Ast."
Masama ko naman itong tinignan..
"Aba bakit masama ang tingin na yan,Galit ka na niyan?"
pagbibiro pa niya.

"Ito may nagpapabigay!"
Sabay abot nong sobre.
"Galing kay Kynaston."

"Chill lang tayo Mars,"
kinuha naman niya ito sakin at binuksan kaagad ang sobre,ako naman na marites ay nagaabang kung ano ang laman nito..
"God! Free ticket ?! Yeheyyy"
Nagtataka naman akong napatingin sa loob ng sobre.
Ticket nga! Concert ng Shatterproof.
"Dalawa ang binigay Ast,para sayo talaga ang isa."
Umiling naman ako.

"Ayaw kong sumama Syv,kung para sakin nga ang isang ticket,ibibigay ko nalang yan kay Ashton matutuwa pa yung anak ko"

"Ahw kaya naging kaibigan kita Ast eh,iniintindi mo kami kahit nakakalimutan mo na ang sarili mo,Lagi mong tandaan andito kaming lahat para sayo,lalo na ang masungit na si Ashton."
Napangiti naman ako.

"Salamat din at nakilala kita,Hala at bantayan mo ng maigi ang anak ko ah baka umuwi yung may galos,papasalvage kita ."
Tumatawang ani ko.
napa pout naman ito..

"Grabe ka naman,aba babantayan ko talaga yun,ayaw kong masalvage."


-----

"Mama!"
Lagi talaga yang ganyan sa tuwing umuuwi ako kahit sobrang lalim na ng gabi ay hinihintay parin niya ako,at di nawawalan ng kwento tungkol sa school niya.
Lumapit naman ito sakin at niyakap ako,
hinalikan ko naman ito sa noo,
"Mama,I have a ticket po,bili ni Tita Avi,andoon pala siya sa kwarto ko natutulog na po."

"Teka si Mama rin may ticket para sayo."
Masaya naman itong napatingin sakin.

"Yeheyy sayo nalang yan Mama,I am excited na sa Concert."
Nagtatalon talon pa nga ito sa couch,
nilapitan ko naman ito at binalaan na bumaba baka mahulog pa ito.
"I am excited na to meet ulit my Idol."

Bumuntong hininga naman ako,
Matatanggap ka kaya ng Idol mo anak? Bilang anak niya? kung dadating man yung araw na di ka niya tatanggapin di ako magdadalawang isip na ilayo ka ulit sa kanya.Ayaw ko kasing makitang umiiyak ka ng dahil sa sarili mong ama.
Sana ganyan ka nalang kasaya anak,magiging masaya na din ako.





-----

"Reinaston wag kang lalayo kay Mama ah,"
pagbibilin ko naman dito,pumasok na kami sa pagdadausan ng concert,Kasama ko naman si Avi na busy kaka cellphone at si Syvie naman ay andoon na sa loob,di halatang di excited,
Di naman kami magtatagal dito kaya di ako nababahala sa trabaho ko.

"Hoy Avi,tingin sa daraanan may nababangga ka nang tao."
Bigla naman itong nagpeace sign sakin.
"Puro ka cellphone.."

"Ahw sorry na po hehe"
binaba naman niya ang cellphone niya at hinawakan sa kabilang kamay si Ashton,pinapagitnaan talaga namin si Ashton baka mawala pa.
Di naman talaga ako sasama kung di lang nagkulit si Ashton,Ano pa nga ba ang magagawa ko,iniyakan ako kanina.

"Mama wait"
napatigil naman kaming dalawa ni Avi at takang tinignan si Ashton na ngayon ay nakatingin sa lalakeng nakahoodie at naglalakad papuntang backstage.
"Mama Can I come to him? Saglit lang naman Mama ha,"
Sabay alis ng kamay niya samin at tumakbo papunta doon sa lalake.
Nagaalala naman akong napagawi dito..

"Reinaston Immanuel!"
Sigaw ko naman dito pero hinahabol niya parin yung lalake,
doon na ako naalarma at sinundan na ang anak ko.
"Avi pasok kana ah,susundan ko muna si Ashton."
Tumango naman ito at ako'y umalis na,
Sinundan ko naman ang anak ko at napadpad ako sa hallway na walang tao, Maya maya ay Nakita ko naman ang anak ko na lumabas  galing sa room ,pero di ko alam kung anong room ito. mabuti at safe ito..Pero laking gulat ko dahil may hatak hatak siyang lalake at masaya silang nagtatawanan,Ito yung lalakeng nakahoodie kanina.

"IMMANUEL!"
Napagawi naman ng tingin ang dalawa sakin.
Nagulat ako dahil yung hatak hatak niya palang lalake ay si Kynaston!

"MAMA! Look BestFriend na kami ni Idol."
Kita ko talagang masaya siya kapag kasama niya ang Idol niya.God pwede bang ganyan nalang parati si Ashton,pwede bang masaya nalang siya parati,Masama bang hilingin yun?

"Mama?"
napalingon naman ako doon sa nagsalita,nakay Ashton kasi ang lahat na attention ko kanina,nakalimutan kong may kasama pala siya.

"Mama?"
ulit naman niyang sambit,Tinignan ko itong maigi.
bakit ganyan ang reaksyon mo Kyn?
Kasalanan ko na naman ba!









MARSHMALLOWBERRIES

Mr.Guitarist || Shatterproof Series 1  [ Completed ]Where stories live. Discover now