CHAPTER 26

25 4 0
                                    

ASTRA

Nagising ako sa aking pagkakatulog dahil nauuhaw ako,tinignan ko naman ang oras.
Shocks! 1 am.
Napabaling din ang tingin ko kay Ashton na mahimbing na natutulog,dahan dahan naman akong bumaba at nagpunta sa kusina,di ko na din in-open ang ilaw dahil nakikita ko pa naman ang daanan.



Naibsan naman ang pagkauhaw ko dahil sa ininum ko na tubig.,Nag stay muna ako sa kusina ng ilang minuto at nagdesisyunan din na bumalik na sa kwarto.
Pero nung pagbalik ko na sana ay may nakita naman akong bulto na tumatakbo at binuksan ang main door ,kahit madilim sa salas ay naaninag ko parin ito,sinundan ko naman ito ng tingin at nakita kung lumabas ito..

Dali dali din akong napalakad at nadatnan itong nakaupo sa damuhan habang sapo sapo ang ulo at ginugulo ang buhok na parang galing ito sa mabigat na problema.
Pupuntahan ko na sana siya ng biglang may pumigil sakin ,at nakitang si Trey ito..



"Sundan mo ako."
mahinang sambit niya sa akin,at sinundan siya papuntang terrace sa itaas at galing dito sa itaas kung saan kami ngayon ni Trey ay  makikita ko parin doon ang lalakeng nakaupo sa damuhan..

"Kynaston."
mahinang wika ko habang nakatingin sa lalakeng andoon sa baba at nakaupo sa damuhan habang may binubulong..
Oo si Kyn ang nakita kung lumabas.



"Handa ka na bang malaman lahat Astra,,Gusto ko sanang siya ang magsabi sayo nito pero sa nakikita ko ay hirap pa siyang sabihin sayo lahat."
Bigla naman akong napatigil,at ninanamnam ang malamig na hangin at ang liwanag na buwan.
Huminga ako ng malalim..


"Did Kynaston really suffer that much??"
Tumango naman ito..



"That time Astra,andoon din ako,nadinig ko din lahat ..Kasama ko si Zue habang nagaaway kayo ni Kyn sa hospital room kung saan ka na confine noon.Nadinig din namin lahat ni Zue iyun.."


"Ang akala ko ay nakaalis na kayo non??"



"Aalis na sana kami pero ,nadatnan namin sa labas si Kyn na parang lutang at may problemang naglalakad papasok sa room mo,imbes na umalis kami ni Zue ay nanatili kami,sakto at nakabukas ng kunti ang pintuan at nadinig namin lahat."
Di naman ako nakapagsalita at hinayaan itong magsiwalat ng lahat.
"Sasagutin  ko na ang tanong mo..
Yes,,Kynaston really suffer that much na kahit ako ay di ko kinaya ang napagdaanan nito."

Napatingin naman ako kay Trey.
"Anong pinagdaanan niya?"
Huminga muna ito ng malalim at tinignan ang kabuuan ng paligid.



"Bumalik si Nica,,yung babaeng minahal niya noon,At nalaman naming wala na pala ang mga magulang nito at namatay sa isang aksidente,yun yung rason kung bakit siya iniwan noon ni Nica,Gustong bumalik ni Nica sa buhay ni Kyn,may pabor din siyang sa bahay na nila ito titira,At dahil naaawa si Kyn dito at wala na itong ibang pamilya ay sumangayon naman si Kyn."
Bumuntong hininga muna ito at bumalik muli sa pagsasalita.



"Nang Nalaman naman ni Nica na may ibang girl friend na si Kyn ay bigla itong nagwala at gustong magpakamatay,wala naman ibang ginawa si Kyn kundi sundin ang utos ni Nica na hiwalayan ka..Upang di ka din masaktan ni Nica,,"
Bigla naman akong napatigil,,


"So si Nica pala ang may gustong maghiwalay kami?"
nanghihina ko ng sambit..tumango naman ito.



"Noong naghiwalay na kayo ay di nagsasalita yang si Kyn at nasa kwarto niya lang palagi..Nang nalaman na naman yun ni Nica ay nagbanta na naman itong ipapahamak ka kapag di umayos sa buhay si Kyn..Sinunod naman yun ni Kyn dahil ayaw ka niyang mapahamak.."



Ng dahil sa galit ko kay Nica ay ibabato ko na sana sa labas ang nahawakan kung vase pero napigilan ako ni Trey..
pinakalma naman niya ako..
Huminga naman akong malalim,,
Putangina mo Nica!



Mr.Guitarist || Shatterproof Series 1  [ Completed ]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt