CHAPTER 18

31 4 0
                                    

ASTRA



Nagtataka naman akong napatingin dito.
"Anong di mo anak? So sino ang Ama?"
Hinila na naman niya ako at dinala sa isang silid,
"Ano ba Kynaston! uuwi na ako!"
Ni lock niya ang pintuan at tiningnan ako ng seryoso.

"Maguusap pa tayo."
matigas niyang ani pero di ako natinag ,

"Ano bang paguusapan natin ha!"

"Easy baby, "
Lumapit naman ito sakin at niyakap ako,nagpupumiglas naman ako pero di parin niya ako hinayaan.
Doon ko naman namalayang may basa yung sa may balikat kong damit,
Teka umiiyak ba to?
"Sorry for everything baby."
Parang natunaw yung puso ko sa nadinig ko,
Dinig ko na din ang mga hikbi nito,
Naalala ko naman ang mga sinabi sakin ni Asher,wala naman sigurong mali kung papakinggan ko ito ngayon.
Hinayaan ko naman itong umiyak habang yakap yakap parin ako.
Naalala ko dati ang Kynaston,ganyan na ganyan kapag may problema,
Ilang minuto na din itong umiiyak.
mga hikbi lang niya ang nadidinig sa buong silid.
Nahahawa na nga ako,
Putangina!


"Sorry Astraea,I really really miss you baby,Sana...sana di nalang kita iniwan..Masaya sana tayo ngayon."

Bumalik naman yung mga alaalang gusto ko nang kalimutan.
Di ko namalayang kaming dalawa na pala ang umiiyak,

"Nagsisisi na ako Astraea,..Sorry..
Sorry at mas pinili ko siya noon,Sorry at ako ang dahilan kung bakit ka umiiyak,Sorry at iniwan kita baby..Sorry at nasaktan na naman kita..Sorry dahil naging gago ako,Sorry for everthing that I've done to you baby.I caused you pain na dapat di ko pinaramdam."

Umiiyak naman akong nagsalita.
"Your sorry is too late Kynaston.
You've caused  so much pain to me,tapos ang mas masakit pa ay di mo alam ang pinagdadaanan ko sa araw na yun,ni hindi ka nga nagtanong kung bakit ako nasa hospital nang araw na yun,mas inuna mo siya habang ako ay kinalimutan mo."
Humiwalay ako sa pagkakayap niya at umupo sa kama,di ko na kinaya nanghihina na talaga ang mga tuhod ko.
"Kinalimutan mo ako nung oras na yung Kyn eh, diba sabi ko nun, na kung mahal mo talaga ako ay wala ka nang pagpipilian,pero wala Kynaston,Nagdesisyon kang iwan ako..Teka lang minahal mo ba talaga ako?"
sabay tingin dito na nakaupo na sa sahig habang umiiyak parin.
"Minahal mo ba talaga ako Kynaston Rafael?"
Di naman ito nagsalita at ang hikbi lang nito ang nadidinig ko.


"Minahal kita Astraea,,minahal kita.
Pero kailangan niya ako sa panahon na yun."
Doon naman ako tumawa ng mapakla.

"Eh ako ba Kynaston?!!  Naiisip mo din bang baka kailangan kita sa panahon na yun!! Dahil oo Kyn! Putangina,kailangan na kailangan kita sa panahon na yun pero mas pinili mo siya,,"
"Pero tapos na eh ,nakakalimutan ko na,pero heto kana naman at bigla na namang dumating na parang bang hindi ako iniwan."

bigla naman itong nagsalita.
"Natatandaan mo yung sinabi ko noon baby, Na babalikan kita."


Umiiling naman ako,Di makapaniwala sa nadinig.
"Baka di mo din natandaan ang sinabi ko noon na kapag umalis ka ay tapos na tayo,"
"Tapos na tayo Kynaston,So bakit bumalik ka pa? Nagsasawa ka na ba kay Nica kaya ,bumabalik kana sakin, Bullshit Kynaston!! "
"Di ko na kayang tignan ka pa,nakakapanghina ka."
Tumayo naman ako at bubuksan na sana ang pintuan ng humarang sa harapan ko si Kyn.

"No,baby wag kang aalis please."
Tinignan ko naman ito,

"Ngayon mararamdaman mo din ang naramdaman ko noon ,Ano Kynaston? masakit bang maiwan ha,,!! Ang mas masakit pa don....
... ay umalis ka habang buntis ako."
Doon na ako mas umiyak at napasalampak sa sahig,


"No!!! Baby ,wag mo sabihing....Napakagago ko!!!  PUTANGINA!!"
pinagsusuntok naman nito ang pader habang umiiyak..

Iyak lang ako ng Iyak,
Dahan dahan namang lumapit sakin si Kyn,
"Sorry Astraea baby."
mahinang bulong nito sakin.
hinalikan naman niya ang noo ko..
"Babawi ako ha,,babawi ako Astraea,Di ko na kayo iiwan."


MARSHMALLOWBERRIES

Mr.Guitarist || Shatterproof Series 1  [ Completed ]Where stories live. Discover now