CHAPTER 22

26 4 0
                                    

ASTRA

Di naman ako makagalaw sa sinabi nito.
Ibig sabihin ay tatanggapin niya si Ashton. Akala ko....
God! mali ba ang akala ko noon.?

"Pero kung ayaw mo naman ay maiintindihan ko,Sorry "

"Siguro wag muna nating biglain si Ashton,pero alam ko namang maiintindihan ka din ng anak mo,mahal ka nga non eh."
Dinig ko naman ang pagbuntong hininga nito.

"Sana nga Astraea,Sana maiintindihan ako ni Ashton."


"Mama,Idol, We are hungry na ,,kanina pa kayo dyan sa labas."
Doon ko naman napagtanto ang sinabi ng anak ko.
At Oo nga kanina pa pala kami dito nakatayo.
Dali dali naman akong naglakad at pumasok na sa Mansion.
God! napahaba ba yung paguusap namin ni Kynaston!?
Kaasar!
Pagkarating ko naman sa Salas ay doon ko nadatnan silang nagkukulitan na naman,Aba pasimuno na naman ng isang Asher.

"Anong gusto niyong kainin?"
pagsisingit kong tanong kina Trey,
Napabaling naman ang tingin ko sa mga bata.
"Kayo Kids anong gusto niyo?"

"Siya,.siya lang ang gusto kong kainin."
Nagulat naman ako sa sinabi ni Paxton at binatukan naman ito ni Cullen,

"Apakagago! Nagtatanung ng maayos si Astra,sumasagot ka ng mahalay."

"Anong mahalay hoyy! di naman yun mahalay .. yun nga ang gusto kung kainin,,Siya! ibig sabihin..Sinigang,apakabobo mo!"

Pinagbabatukan naman silang dalawa ni Trey..
"May mga bata sa harapan niyo,umayos nga kayo baka isipin mga takas mental kayo."
Ayan nasirmunan tuloy ng isang Treyton.
Umayos naman ng upo ang dalawa

"Mama sabi daw nila ay Sinigang nalang daw po lulutuin niyo."
Tumango naman ako.

"Ah sige sige,magluluto lang muna ako ha."
Sabay sabay naman silang tumango at ako'y nagpunta na papuntang kusina.

"Tulungan na kita"
napalingon naman ako sa nagsalita,

"Ay wag na Kyn,kaya ko naman"
Pero ng dahil matigas ang isang Kynaston ay di pinakinggan ang sinabi ko at kinuha pa ang kutsilyo upang siya ang magchop ng pork,
"Makulit ka din eh noh,manang mana talaga sayo anak mo."

Napatigil naman ito sa paghihiwa,
"Astraea pwede bang magtanong ako tungkol kay Ashton."
Bakit ko pa ipagdadamot,baka sabihin pang masama talaga ugali ko.

"Yes you can."
Maikling sambit ko.

"Ahm ano pala mga favorites niya,favorite food? favorites color? favorite...ano pa ba"
Naaaliw akong nakamasid sa kanya dahil nakikita kung gusto nga niyang malaman ang mga paborito ng anak niya,pero nalulungkot din dahil pinagkait ko yun sa kanya lahat.. na sana ay sabay naming malalaman ang mga gusto at hindi gusto ng anak namin.
"Hey are you listening Astraea?"
napatigil naman ako sa pagiisip at nakita itong nakatitig na pala ito sakin.

"Ahm favorite food niya ay Lasagna,favorite color naman nya ay blue ,"
may naalala naman akong tagpo na hate niya pala ang kulay pink.
"Di niya gusto ang color pink dahil pambabae daw ito."
Nabigla naman ako sa isa dahil tumawa nalang ito bigla.
hala naaabno na!

"Naalala ko noon na hate ko din ang kulay pink,eh kasi si Ate Rafh puro nalang pink ang gamit pati na sa room niya.Nakakasawa at nasusuka ako dahil lagi ko nalang itong nakikita."

"Aba kaya pala! nagmana pala sayo.
kaasar! Magsama kayo.Ako yung kinukulit ng isa dahil ayaw niya talaga sa lunchbox na pink,pinagawayan pa nga namin yun."


"Eh kahit sino namang batang lalake ay di gusto ng lunchbox na kulay pink,mas gusto nila green or blue."
Aba pinangaralan pa ako!
"Astraea mahilig din ba siyang makinig ng music?"

Tumango naman ako.
"Sa sobrang hilig niya sa music ay pati pagliligo niya ay gusto niyang may napapakinggan siyang music,at di yan makakatulog kapag di kinakantahan,na kahit pati ako ay napasabak na sa kantahan."
Napatigil naman ako
"Wag mo ding sabihing nagmana na naman ang anak mo sayo."

Nakangisi naman itong tumango.
"Absolutely yes! Baby."
Umirap naman ako sa hangin.
Di na ako magugulat pa ,eh pati nga paglabas sakin kamukhang kamukha ng ama,Wala na talagang nagmana sakin noh.
Ang pagkain lang siguro ng Lasagna,
Kaasar!!

"Wag ka na nga lang magtanong,Mana naman sayo lahat."
napatawa naman ito



"Hey nagtatanong lang naman,at tsaka nagpapasalamat din ako dahil pinalaki mo siyang isang mabuting bata.
May mga pictures ka ba niya noong baby pa siya?"


"Oo ipapakita ko sayo mamaya,dalian mo na dyan at baka nagugutom na yung mga yun."





"Mama!! Idol! I have a song po,turo ni Tito Asher."
Masaya naman siyang lumapit samin ni Kyn.

"Ano yun baby."
Pagtatanong ni Kyn,
Nagready naman ang anak ko at may paclapping hands pa.
Hmm ano na naman kayang itinuro nung pasaway din na Asher.



"Ako'yyy isangg pinoyyy ,MAYYY PUSONG CHEESECAKE."
napatigil naman ito,at nagkatingin pa kami ni Kyn,kita kung matatawa na talaga ito sa anak niya pero pinipigilan lang nito.
"TITO ASHER! I FORGOT THE SECOND LINE!!"
sigaw naman niya at dalidali ding pumunta samin si Asher at naka ngiti pang bumaling samin.
Sinamaan ko naman ito ng tingin.

Nawala ang ngiti nito dahil sa inasta ko.
"Hala Astra di ko naman alam nakakantahin niya pala sa inyo,nagbibiruan lang kami."

"Nagbibiro lang ako ano ka ba."
Bigla naman itong na relief sa sinabi ko.

"Sa susunod boii,ituro mo ng maigi para di nalilimutan ng bata."

"Yes Tito Asher,"
pagsangayon naman ng makulit.
with matching tango tango pa.
Lumapit naman sakin si Asher at binulungan ako.

"Mag ama nga talaga ang dalawa."
Bago pa man ito nakaalis ay hinila naman ni Ashton ang damit nito.

"Tito! Why are whispering at my Mama,you have no rights to do that,unless you are my father,
Wait are you my father??"
bigla namang nabilaukan si Asher.

"No ,Ashton ,di ako ang Papa mo,Alis nako hehe"
dali dali namang umalis si Asher,
Napabaling naman ang tingin ko kay Kynaston na ngayon ay nakangisi na.
Masaya yarn?!

"Mama,wag mo nang hahayaan ang ibang lalaki ha,"

"Anong di hahayaan anak?"

"Yeah I see that...Tito whispering you but my mind telling that Tito almost kiss you in the cheeks."
matatawa na ba ako?
Here comes my possessive son

"Baby sino naman ang gusto mong gumawa non sa Mama mo."
Nakangiti niya pang tanong sa anak niya.
Naiinis na talaga ako sa isang to.

"Si Papa,si Papa Rafael."



MARSHMALLOWBERRIES

Mr.Guitarist || Shatterproof Series 1  [ Completed ]Where stories live. Discover now