CHAPTER 21

34 4 0
                                    

ASTRA



"Manang Klara wala po ba dito si Amy at Zure?"

"Nako Iha wala pa din nga dito ang mga apo ko,kihapon na at di pa nakakauwi,hinahanap ko nga din ang mga batang iyun."

Tumango naman ako,
"Ah sige po ,Manang Klara salamat po."
Nagaalala na talaga ako kay Ashton dahil hapon na at di parin nakakauwi pati na rin yung mga kaibigan niya,ngayon lang talaga yan nangyari,, doon naman kasi sila sa Mansion laging naglalaro,Naku asan kana ba anak.

"Anong balita? Wala pa ?"
umiiling naman ako sa tanong ni Trey,Galing kasi yan sa bahay nila Paulo kasama si Cullen at nagtatanong din sa mga magulang nito,Si Paxton naman ay kasama ni Kyn at naghahanap din,kasama ko naman si Asher.

Pabalik balik ako ng lakad at pilit inaalala kung saan posibleng pumunta ang anak ko,di ako mapirmi at nababalisa.

"Hey relax lang tayo Ast,mahahanap din natin si Ashton ah,"
Tumango naman ako at nag inhale exhale.
Nakita ko namang paparating sina Kyn at Paxton.

"Astraea may Ilog bang malapit dito?"
nagtataka naman ako sa tanong ni Kyn.

"Wala namang Ilog,pero merong water falls sa malapit"

"Ituro mo ang daanan papunta doon,Boii samahan niyo kami."
Tumango naman ang apat at sinamahan ko na din sila dahil ako yung nakakaalam papunta doon,
Posible ngang andoon ang anak ko?
Sana.
Di naman gaanong madamo ang dinaanan namin kaya mabilis lang kaming nakarating.
Nadinig ko naman ang pagaspas ng tubig ,at maya maya ay may nadinig ding kaming nagtatawanang mga bata.
God! Ang mga bata na nga ba ito?.

Tumakbo naman si Kyn at sumunod naman yung apat,nagmamadali din akong sumunod sa kanila.
Hanggang sa nakita ko na ang kabuuan ng Falls,
At andoon din ang mga bata kasama na si Ashton..

Mangiyak ngiyak naman akong napatungo sakanila.
Yakap yakap din ni Kynaston ang anak niya ,may sinasabi ito kay Ashton pero di ko madinig kong  ano.
Napabaling naman ng tingin sakin si Ashton at humiwalay ng yakap sa Ama.
tumakbo ito papunta sakin at niyakap ako..

"Sorry Mama,I will not do it again."
Pinantayan ko naman ito at hinalikan sa noo.

"Mama is so worried anak,don't do it again ha Immanuel,"
tumatango naman ito,
napabaling naman ang tingin ko sa mga bata,si Ashton lang pala ang di naligo sa falls.
"Hinahanap na din kayo ng mga magulang niyo,Next time ah magpaalam kayo,"
Tumatango naman silang lahat.

"Sorry po Tita,"
Sabay nilang sabi at nagsilapitan naman sakin upang yakapin ako,umiiyak pa nga si Bea at Amy.

"Oh wag na kayong umiyak,sa bahay na kayo magdinner ,Ano G?"
Sumigla naman sila sa sinabi ko at nagtatalon talon.
"Be careful kids,"
wika ko naman sa kanila.
Nakita ko namang binuhat ni Kyn si Ashton,at ang anak ko ay masayang masaya.
Si Trey din ay binuhat si Bea dahil ang cute cute daw nito,

"Baka dalhin mo yan sa Manila ha ,Trey."
pagbibiro naman dito ni Asher,
Napatawa naman ako,bihira lang kasi naming makitang maging soft si Trey lagi nalang kasing hard HAHA.
Imbes na sagutin ito ni Trey ay kay Bea naman ito napatingin.

"Ano Bea gusto mong sumama kay Tito Trey mo?"
napahagikhik naman si Bea sa tanong ni Trey.

"Kung meron po kayong maraming chocolate Tito,"
Nangiti pa nitong sambit ,

"Yes ,syempre naman"
Nadinig naman yun ng mga bata at ngayon ay nagiingay na.

"Tito Trey sama din kami"
Ayun na nga at gusto nang sumama ng mga bata.
Nagtawanan lang kami,
Naging maingay din ang paglalakad namin pauwi dahil na din sa mga bata.
Nagpapahuli naman ako ng lakad at minamasdan ang mga ito habang nagkukulitan.
Pinikit ko naman ang mga mata ko at pinapakinggan ang tawa ng anak ko,napangiti ako, at wala na akong mahihilang pa kundi madinig ang tawa ng anak ko.

"Astraea baka madapa ka."
Napadilat naman ako at masama itong tinignan.

"Samahan mo na sila Kyn,nagmomoment ako dito,panira ka."
Tumawa lang ito at sinabayan akong maglakad,tanaw ko parin sila at nagbabato bato pick pa habang naglalakad,pasimuno ni Asher,
"Teka bakit mo pala natanong kung may ilog ba dito."

"Sa probinsya din kasi ako nakatira dati,mga kaedad siguro ako ni Ashton,at sa tuwing pinapagalitan ako o nagtatampo kay Mommy at Daddy ay nagpupunta ako sa Ilog malapit samin,Nagiging kalmado at nagiging Masaya ako kapag nakakapagtampisaw ako sa Ilog na yun,Kaya siguro naisip ko yun dahil ganyan din ako dati.Nagbabakasakaling pareho kami ni Ashton."
May ngiti naman itong napagawi ng tingin sakin.
"Pwede bang magpakilala na ako bilang Ama ni Ashton?."

MARSHMALLOWBERRIES

Mr.Guitarist || Shatterproof Series 1  [ Completed ]Where stories live. Discover now