CHAPTER 19

41 4 0
                                    

ASTRA


ONE MONTH had passed ,pero sa one month na yun ay di nagpakita si Kynaston,ang huling kita namin ay yung nangyari sa bahay nila.
Bumalik kami sa Batanes dahil fiesta sa kanila ngayon at napagdesisyunan namin ni Mama at Daddy na dalawin ang Tita Ayah.
Wala na ding school sila Ashton kaya pwede kaming tumira doon ng ilang mga buwan.Nag submit din ako ng two months of leave dahil gusto ko munang makasama ang anak ko,


Habang nagdidilig ako ng mga halaman ay may nakita naman akong grupo ng mga batang patungo sakin.

"Tita si Ashton po?"
saad naman ng mga batang naging kaibigan na ni Ashton dito,nagmano naman sila isa isa sakin.
Si Amy, Luke,Zure,Paulo,Shinna at Bea sila ang mga bagong kaibigan ng makulit,mabuti at may mga mababait itong mga kaibigan.

Ngumiti naman ako sa kanila.
"Kids andoon sa loob ,naghuhugas muna ng plato,sa loob niyo nalang siya antayin ah."

"Okey po Tita,"
May ngiti ko naman silang hinatid ng tingin papasok ng bahay,Masaya lang ako dahil may mga kaibigan na si Ashton dito mga ilang weeks na din kami andito at naging masaya at tahimik naman ang buhay namin.
Si Avi naman ay namimiss ko na din dahil umalis na ito ng bansa,
Iniiwan na talaga nila ako.
Si Mama at Daddy naman ay umalis na dahil isang linggo lang sila dito dahil may mga trabaho pa sila,Si Tita Ayah naman ay out of the country din dahil humahanap ng foreigner Haha,
Kaya kaming dalawa ang natira dito sa napakalaking bahay na ito,mabuti nga at minsan dito ko na lang pinaglalaro ang mga bata para maging maingay naman itong mansion..Oo mansion sa laki!

Matapos kong magdilig ay pumunta naman ako sa likod bahay upang magwalis dahil andami na namang mga dahon ng talisay.
Ganyan lang ang routine namin ng anak ko dito,maglilinis o di kaya ay magluluto at andyan din ang mga kaibigan niya upang magingay.
Sa wakas ay natapos ko na din ang pagwawalis kaya ay pumanhik na ako sa mansion,
Nadatnan ko naman ang mga bata sa salas na nagdradrawing at nagkukulay.

"Hey kids,anong gusto niyong meryienda.,
Bigla naman silang ngumiti sakin at naguusap pa talaga kung ano ang gusto nila.

"Parang gusto ko ng turon,kayo gusto niyo ba,"
pangungusap naman ni Luke sa kanila,
Naaaliw naman ako sa mga inaakto nitong mga batang ere,ki cucute .

Umangal naman si Bea,
"Turon yung kahapon Luke eh di kaba nagsasawa, Hmm Pancake nalang kaya."

Itinaas naman ni Paulo ang kamay niya,
"Eto nalang magboboto tayo ang pagpipilian ay Turon at Pancake kung sinong mas madaming buto ay yun ang meryienda natin,Ano G?"
Tumango naman ang mga bata.

"Okey who are willing to vote in Turon?"
pangunguna naman ni Ashton,
Nagtaas naman ng kamay si Luke at Zure..lugi ang dalawa ..mas gusto siguro nila ang turon kaysa sa pancake.
"Pancake?
Aba panalo na,
Okey our meryienda for today is Pancake,"
Lumingon naman sakin ang anak ko,
"Mama Pancake daw."

Tumango naman ako at nakita kong malungkot ang dalawang pogi,..
"Okey Okey,magluluto din ako ng Turon,So pancake at Turon with strawberry smoothie."
bigla namang umaliwalas ang mukha ni Luke at Zure..

"Thank you Tita Astra."
Niyakap naman ako ng dalawa at sumabay na din ang lahat..

"Thanks ng marami Tita Astra."
Sabay na sabay na wika naman nila.

"Thank you din Mama,"
sabay halik ni Ashton sa pisngi ko..

"Okey kids sa kusina lang ako,tuloy niyo na ang mga ginagawa niyo."
Tumango naman sila at nagsign ng OK.
Mga bata ere,hang cute!

Matapos kung magluto ay masayang masaya namang kumakain ang mga bata,lalong lalo na ang makulit kong anak,
Kinagabihan naman ay dito ko na din pinakain ang mga bata at pagkatapos ay sinundo naman eto ng mga magulang nila,Naging close ko na din ang mga magulang nila dahil parati kasi ditong naglalaro ang mga bata.
Magkatabi namang kaming natulog ni Ashton at madali naman itong nakatulog dahil sa kakalaro kanina.
Niyakap ko naman ito at ipinikit na din ang mga mata.


-----

"Mama,"
Nagising naman ako sa ingay ni Ashton.
"Mama may naghahanap sayo,"
Napamulat naman ako ng mata.

"Sino daw Ashton?"

Ngumoso naman siya sa labas.
"Andoon na sila sa salas Mama."
Di na ako nag atubiling tumingin sa salamin dahil curious ako kung sino sila.
Bumaba naman ako at nagulat sa natagpuan..
Hell! bakit andito sila!

"Anong sadya niyo?"
paunang sambit ko.
Tinignan naman ako ng lima at bigla ding umiwas ng tingin..
Aba mga abno!
Hinila naman ni Ashton ang damit ko..
Shocks naka oversize t-shirt at naka maong short lang pala ako,at take note wala pang bra..nahiya naman ako at dali daling bumalik sa kwarto at nagbra pinalitan ko na din yung short ko ng pants..
Kaasar!
Bumalik naman kaagad ako at hinarap muli sila.
"Ano ngang ginagawa niyo dito?"

"Hi Astra,Ano..tanungin mo si Kyn siya ang nagdala samin dito."
sagot naman ni Paxton.
Bumaling naman ang tingin ko kay Kyn at sinamaan ko ito ng tingin.

"Hi Ashton labas muna tayo ,maglalaro tayo doon."
Pagtawag naman ni Asher kay Ashton at sumunod naman ang anak ko kasama na din si Trey,Cullen at Paxton..
Aba iniwan pa talaga kami ni Kyn dito!
Masama ko pa din itong tiningnan.

"Bakit mo pala nalaman na andito ako Kyn?"

"Ahm kay Tita,"
mahina nitong sambit.
Kahit kailan talaga si Mama oh,lagi nalang akong binubugaw.

"Anong gagawin niyo dito? Tapos dinala mo pa yung apat,Ano may concert kayo dito?"

Umiiling naman ito.
"Ikaw talaga sadya ko dito, Isinama ko lang yang apat."






MARSHMALLOWBERRIES

Mr.Guitarist || Shatterproof Series 1  [ Completed ]Where stories live. Discover now