CHAPTER 23

31 4 0
                                    

ASTRA

Nagulat naman ako sa sinabi ng anak ko.
"Ashton,pakiulit nga ng sinabi mo anak."

"Yes Mama,Kay Papa Rafael lang dapat."
Sabay tingin kay Kyn.
Bigla naman akong napahawak sa lababo dahil nanghihina ang mga tuhod ko..

"Immanuel"
mahinang sambit ko dito.

"Mama,I know na because I saw it in your laptop before when we are in Manila pa,..I saw you Mama and Papa Rafael in a picture,,Then I saw Papa in Tv that day..I did not expect that My Papa is so Famous ,kaya naging Idol ko na siya."
Mahabang litanya nito,napahawak naman ako sa ulo ko.
God! ang pabaya ko ba.
Nilapitan naman ako ng mag ama at niyakap.
"Sorry Mama,I hide it to you,Alam na rin ni Papa."

"Alam mo din Kynaston!"
Hindi ko talaga kayang di magulat,inilihim nila sakin kung pwede naman nilang sabihin nalang.

"Sorry na po,si Ashton din kasi nagsabi na hindi muna ipaalam sayo,kaninang umaga pagkarating namin dito ay sinabi niya sakin at ikaw ay natutulog pa,"
Kaya pala ganun nalang kung magtampo si Ashton kanina,sinabihan na pala niya ang papa niya.

"Sorry na Mama,"
Yakap yakap parin ako ng dalawa.

"Babawi ako sa inyo ha,Babawi din ako sayo."
Umiiling naman ako sa sinabi ni Kyn.

"Kay Ashton ka bumawi,wag sakin."


-----

Kinabukasan ay maaga namang nagising ang anak ko dahil sasamahan daw niya ang mga Tito niya na mag harvest ng mangga sa likod bahay,Madami din kasing mga tanim na prutas dito na siyang pinagkakaabalahan ding pinatasin ni Tita Ayah at Avi noon.
Ako lang talaga ang naiwan dito at ang pinagkakaabalahan ko namang gawin ay gumawa ng manggo pie.
Maya maya ay may nadinig naman akong mga tanawanan at sure akong sila na nga ito.

"Mama,"
Yumakap naman ito sakin at may bitbit pa talagang isang hinog na mangga.
Sumunod naman dito ang mga Tito niya na may dalang tigiisang basket na may lamang mga mangga.

"Di mo naman sinabi na andami niyo palang prutasan dito Astra,Di na ako uuwi mga boii dito nalang ako."
Natatawa naman ako sa sinabi ni Asher,


"Ah sige ,pero maghahanap na din kami ng ibang drummer,Ano boii okeh ba yun."
Umiiling naman si Asher sa sinabi ni Cullen.

"Wala na kayong ibang makikitang kapalit ko,nagiisa lang ako boii."
Bilib sa sariling tugon naman ni Asher dito.

"May makikita kaming kapalit mo kung magkakaanak kana,,Anak mo nalang kuhanin naming drummer,"
nagtawanan namin kami sa sinabi ni Paxton.
Naaasar naman si Asher dito..
Tignan mo toh,napikon pa.

"Ayaw ko nga,baka magkamukha pa kami,ayaw kong may kamukha,"

"Kahit anak mo pa ito?"
pagtatanong naman ni Trey sabay batok dito.

"Aray Oo!! Kaasar ka Trey mangsasapak pa,,"
"Kahit anak ko pa yan."

"Tignan lang natin ,baka tinaguan ka din ng anak Asher."
tinignan ko naman ng masama si Kyn,,
Aba tinulad pa talaga sa kanya.

Umiiling naman si Asher.
"Safe kayo to parati,"
Pinagbabatukan naman siya ng apat.
Napalingon naman ako kay Ashton na masayang nagmamasid sa mga Tito nito.

"Ashton anak wag mong gayahin ang mga Titos mo ah,wag mo ding gawin sa mga friends mo,masama yun.."
Tumatango naman ito..

"Okey Mama,."
Awh good boy!
Bigla namang nag ring ang phone ko na nakalagay sa mesa.
Kinuha ko naman ito at nakitang si Avi yun.
Aba di ba ito busy at nakikipag face time pa.

"Oh anong sadya."
paunang wika ko sa kanya at pinahawakan ko naman kay Asher ang phone ko,
Nagtataka nga ito kung bakit ko daw pinahawakan sa kanya.
Nakikichissmis naman ang lima.

"Oh Goshness,Is this real ikaw si Asher ! Pinsan bakit andyan ang Shatterproof, uuwi na talaga ako dyan."
napahagikhik naman ang anak ko.

"Hi Tita Avi,so pretty,,Yes po andito sila,,uwi ka na po."

"Hala uuwi na talaga ako pinsan,bahala na tong trabaho ko dito."

"Avi,magtigil ka.Unahin mo muna ang trabaho mo dyan,tsaka ka na uuwi kapag mayaman ka na."
bigla naman itong ngumuso.

"Kaasar ka naman Ast! Oh sige na may trabaho pa pala ako,nangungumusta lang,,Bye bye Ashton,,At SHATTERPROOF."
sabay end naman niya sa face time..
Aba siya pa may ganang mag end.
Ito talagang babaeng to!


"Your pinsan is so Adorable."
Napanganga naman kaming napabaling ng tingin kay Asher..

"Anong adorable doon Asher, Maingay nga yung babaeng yun."
pagsingit ko naman.

"Yan mga tipo niyang babae yung maiingay,,At alam kung talo parati tong Asher natin dyan sa pinsan mo."
Tumatango naman ako sa sinabi ni Paxton.
True!

"Eh sa totoo naman talaga,,at tsaka bakit niyo ako shiniship kay Avi."
Tinutukso naman ito ng apat at sumali pa talaga si Ashton.

"Tito Asher just admit it na may gusto ka sa Tita Avi ko.Ayiee"
Aba nag ayiee pa,marunong na ang baby boy ko.

"No!!! Ang dangal ko nadungisan na..Kasalanan niyo to!"
Tinatawanan lang namin ito.

"Kahit kailan ka talaga Asher,napakapilyo mo.
at may Jowa na yun ano ka ba."
bigla naman itong napatigil at seryoso akong tinignan.
"Oh anong tingin yan Asher?"

"Ay sayang boii,wala kanang pagasa."
pangaasar naman ni Cullen.

"Ano naman ngayon,..ang asawa nga maaagaw pa, ang girlfriend pa kaya."
pabalang na sagot nito at bigla nalang kaming iniwan sa kusina.

"Anong nangyari don??"
tanong ko sa kanila.
Umiiling naman sila at sabay sabing.

"Nalintikan na!"


MARSHMALLOWBERRIES

Mr.Guitarist || Shatterproof Series 1  [ Completed ]Where stories live. Discover now