CHAPTER 20

39 4 0
                                    

ASTRA

"ANO!!!??"
Gulat kong tanong dito.
"Umalis na kayo! Alis na Kynaston,"
tiningnan lang niya ako kaya hinawakan ko ang braso nito sabay hatak palabas,mabuti at di ito umangal.
Sa labas naman ay nakita ko na nilalaro nila si Ashton,
"Umalis na kayo."
Sabay naman silang napalingon at tumakbo papunta ang anak ko sakin.



"Mama let them stay,kahit one week lang okey"
niyakap naman ako nito,

Ginulo ko ang buhok nito at napatingin naman ito sakin.
"Ashton,may mga work sila .Hindi dapat sila andito,makinig kay Mama ha."
Umalis naman siya sa pagkakayap sakin at pinuntahan si Kyn na nasa likuran ko lang,


"Diba po wala kayong work? Please Idol ..Stay please."
Tiningnan naman ako ni Kyn na parang nakikipagusap na kung pwede ba siyang dito nalang muna,pero umiwas lang ako ng tingin.


"Si Mama mo ang magdedesisyon Ashton,wala akong magagawa dyan."

Nilapitan ako ulit ni Ashton at sa ngayon ay umiiyak na ito.
"Mama,What can I do para lang mag stay si Idol?, I can wash dishes, all day and all night,I can be a good boy,Mama please."
Huminga ako ng malalim at pinantayan ito,pinahid ang mga luha.


"Immanuel please,Buo na ang desisyon ni Mama.Enough na ha don't cry na."
Umiiling naman ito.

"NO!! MAMA!! I HATE YOU"
sabay takbo nito palabas.
Doon naman ako natigilan at di makagalaw.Totoo bang sinabi yun ng Anak ko,
God! Help me!
Tumayo naman ako at lumabas ng gate ,
Pero di ko na nahanap si Ashton.
Baby bumalik ka kay Mama ah,Sorry.



"Astraea alis na kami,sorry sa abala"
Napalingon naman ako kay Trey,
Si Cullen naman ay nakayuko habang sinosubo ang hinlalaki,ganyan talaga yan kapag problemado.
Si Asher na handa nang lumabas,
Matatawa na sana ako dahil parang matatae na ewan.
Si Paxton naman ay andoon pa rin sa bench at naglalaro sa cellphone niya.Napagawi naman ang tingin ko kay Kyn na,...na nakaupo sa damuhan habang saposapo ang ulo at ginugulo ang buhok nito.
Ang layo ng binyahe nila,para lang pakapunta dito.

"Okey pumapayag na ako,Isang linggo lang ah,,"


"Yes! pwede bang maki CR Ast,,natatae na talaga ako kanina pa."
Ewan ko ba kung matatawa ba ako o maaawa kay Asher,sapo sapo na kasi nito ang puwet na parang lalabas na talaga ang tae nito.
"Ano?? Astra pasok na ako ah,"
At dali dali naman itong pumasok sa mansion.


"Hindi din naman kami magtatagal dito,nagpasama lang talaga yang si Kyn."
Wika ni Trey at nilingon din ang gawi nito na ngayon ay ganun parin ang pwesto.

"Pasok muna kayo sa loob Trey,Paxton at Cullen."
Tumango naman ang tatlo.
at pumasok na.
Kinakabahan naman akong naglakad sa gawi ni Kyn,na ngayon ay nakaupo parin sa damuhan at tulalang nilalaro ang damo.
Tinabihan ko ito ng upo,at nagulat pa ito,
"Dito na muna kayo,para kay Ashton."
Tinitigan lang ako nito ng maigi,Umiwas naman ako ng tingin dahil di ako sanay.

"Si Ashton Okey lang ba siya,Hanapin kaya natin."
At doon ako napalingon ulit sa kanya kita ko yung pangungulila sa mga mata nito.
"Kasalanan ko naman talaga ang lahat."
pagsisisi nito sa sarili.

"Wag kang magalala uuwi yun,di ka naman matiis ng isang yun,nasa isip palagi non na andito na sa bahay ang Idol niya kaya uuwi talaga yun,"

Nadinig ko naman ang buntong hininga nito.
"Ano ang full name niya? Sorry kahit full name niya di ko alam,kasalanan ko naman talaga lahat---"

"Reinaston Immanuel"
pagpuputol ko sa sasabihin pa nito.
Gulat naman itong napatingin sakin.

"Reinaston Immanuel,"
Mahinang bulong nito at doon ko nakita ang mga luha nitong naguumalpas.
"You brought it through my name,,God! baby I am so happy."
Niyakap naman ako nito bigla,pero nang marealize kung ano ang ginagawa niya ay dalidali naman siyang umayos .
"Sorry nadala lang."
Tahimik naman kaming nakaupo lang at pinapakiramdaman ang isa't isa.


For all of this years I thought ,na wala na akong feelings sa kanya,pero noong nakita ko ulit siya ay bumabalik lahat,,..bumalik pati ang feelings ko..
Mahal pa pala kita Kynaston Rafael.





MARSHMALLOWBERRIES

Mr.Guitarist || Shatterproof Series 1  [ Completed ]Where stories live. Discover now