CHAPTER 24

27 4 0
                                    

ASTRA

Sa unang tingin agad na 
nahumaling,

Sa nagniningning mong mga mata

Ika'y sang bituin na nagmula sa langit

Di ko mawari ang taglay mong tinatangi

Sadya namang nakakabighani

Di mapaliwanag ang nararamdaman.

Namumukadkad ang aking ligaya

Sa tuwing ika'y papalapit na

Hawakan mo ang aking kamay

O paraluman,ika'y akin nang

Dadalhin sa di mo inaasahang

Paraiso

Palagi kitang aawitan ng kundiman

Di magsasawa,di ka pababayaan

Isasayaw kita ,hanggang sa

Walang hanggan.

Hayy akala nga ng mga tao ay may free concert dito ,may napapadaan nga at hihinto muna upang tignan itong mga naggwagwapohang limang lalake na nagjajamming sa harden ng mansion.
Naghanda naman ako ng mga meryienda nila.
Mahiya man ako oyy! may free concert dini eh.

"Oh meryienda muna,"
Nagluto naman ako ng turon para sa kanila.
Andito din yung mga makukulit na bata,Aba laging present ang mga yan dito.

"Thanks ng marami Astra."
Napatango naman ako sakanila.

"Mama I want to learn how to play a guitar,Can Papa teach me how?"
Di parin ako sanay kapag tinatawag ni Ashton si Kyn ng Papa,mas nasanay siguro ako sa Idol.

"Aba oo naman,tanungin mo ang Papa mo."
ngumiti naman ito sa akin at pinuntahan ang Papa niyang busy kakakapa ng chords.
Umupo naman ako di kalayuan sa mag ama ko.
Shocks! Mag ama talaga!

"Papa Can you teach me how to play that."
dinig ko namang tanong ni Ashton kay Kyn,..
Nakita ko ding ngumiti ang Papa nito at ginulo ang buhok ng anak.

"Syempre naman,Alam kong madali ka lang turuan,Listen carefully kay Papa ha,para tayong dalawa na ang manghaharana sa Mama mo."
Parang di ko naman nadinig,may pa bulong bulong pa ito sa anak niya.
Napatingin naman sa gawi ko si Kyn at kinindatan ako..
Aba nangkikindat!! Di naman bagay! para ngang may sakit!
Inirapan ko lang ito at sumubo na ng turon.
Nagumpisa namang maggitara si Trey,Dalawa pala ang dinala nilang guitara ngayon ko lang napagtanto.
Nasa may gilid naman si Kyn at Ashton at nakikita kung determinado talagang matutu ang anak ko,
Susunod siguro sa yapak ng Ama,
At kung mangyayari yun,Sino ba naman ako para humadlang kong makikita ko namang masaya siya sa ginagawa niya ay Go lang ako,,Susuportahan siya sa lahat.

"Tito Trey yung Walang iba pang mas sasarap po,trending yan Tito,please kantahin mo po."
Pagsusumamo naman ni Amy kay Trey ,
Taka naman itong tiningnan ni Trey.

"Ah baka Awitin mo at Isasayaw ko."

"Ay oo Tito, Yan nga"
masigla naman nitong sabi..

"Okey Okey"


Walang ibang magsasarap

Sa pagtitinginan natin

Sana ay wala ng wakas

Itong awit ng pag ibig

Awit natin ay wag na wag mong
kalimutan

Pangako ko naman ay lagi

Kang pakikinggan ,

Magpakailanman

Hahh,awitin mo at isasayaw ko

Hahh ,awitin mo at isasayaw ko.



"Ano kids,oks ba?"
pagtatanung naman ni Trey sa mga bata.
Tumango naman sila at nag thumbs up.
Natatawa nga ako eh dahil sinasabayan ng mga bata ang pagkanta ni Trey,Habang si Asher naman ay pinupukpok ang kutsara sa mesa,
Kinuha din ni Cullen ang walis at ginawa itong bass,Habang si Paxton ay sa mesa nagpiapiano.
Iba din ang mga saltik,pero matatawa ka nalang.
Habang yung mag ama naman ay may sariling mundo sa gilid,
Sa nakikita ko ngayon ay unti unti nang may natutunan si Ashton,
Mama is so proud of you my Immanuel.








MARSHMALLOWBERRIES

Mr.Guitarist || Shatterproof Series 1  [ Completed ]Where stories live. Discover now