Twentieth Changed

4.2K 229 65
                                    

Twentieth Changed


"One, two, three, four...." boses ni Jungkook ang maririnig mo habang kinakabisado nila yung steps ng sinasayaw nila. Sumali daw sila sa isang dance battle na gaganapin sa Mall sa susunod na buwan. Malaki daw kasi yung price kaya sumali sila, nakakapagtaka naman kasi mayayaman sila di ba, tapos sasali sila sa ganun?. Kasali sila sa group tapos sumali si Jimuel sa Solo. Kanina pa rin ako palingon-lingon kasi ilang araw ng di napasok yun, nag-aalala na ako. Baka kung napano na kasi yung huli kong nakita ay nag-aaway sila nung lalaki. 


"Hindi nyo ba talaga nakita si Jimuel?" tanong ko sa katabi kong si Vincent. Break nila kaya nandito sya sa tabi ko para magpahinga.


"Hindi eh, noong isang araw pa" sagot nya. Napasimangot naman ako. Inilabas ko yung cellphone ko at tinignan kung may message o call pero wala eh. Naka-ilang text na rin ako sa kanya pero hindi nya sinasagot.


"Kay Jimuel ba yan?" napatingin ako kay Vincent nung magtanong sya. Nakatingin sya dun sa cellphone na ibinigay ni Jimuel.


"Oo, binigay nya sa akin" sagot ko. Kumunot naman ang noo nya.


"Sabi nya nawala yan, yun pala binigay lang sayo. Para-paraan talaga nun eh" ani nya. Napabuntong-hininga na lang ako. Nasan kaya yung lalaking yun? 


Umalis si Vincent sa tabi ko at bumalik sa pagsasayaw. Hindi ako fan ng mga dancer pero nasasabi kong magaling silang lahat kahit na madalas kay Stephen lang ako nakatingin. Magaling pala syang sumayaw.


"Jimin naman eh! Kanan una!" sigaw ni Jungkook kay Jimin na pangatlong beses ng nagkamali. Tumango lang si Jimin at nagsimulang praktisin yung mali nyang steps. 


"May problema ka ba?" lahat sila ay tumigil at pinalibutan si Jimin. Umupo si Jimin at ibinaon yung mukha nya sa kamay nya. 


"Si Jimuel kasi eh" sagot nya. Napatayo naman ako sa kina-uupuan ko nung marinig kong binanggit nya yung pangalan ni Jimuel. Lumapit ako sa kanila at nakiusisa. 


"Bakit nasan ba si Jimuel?" tanong ni Raven tapos umiling si Jimin. 


"Wag mong sabihing pumayag sya?" singit ni Jin tapos hindi nagresponse si Jimin. Napamura naman sila. 


"Nasan sya? Nasan si Jimuel?"ako naman ang nagtanong pero hindi pa rin sya nagresponse. Ano bang nangyayari sa kanya, noong nakaraan lang gusto na nyang mamatay tapos ano na naman to?


"Pumayag sya?" ulit ni Jin, dahan-dahan namang tumango si Jimin.


"Oo, sa isang buwan na yung alis nya." agad akong napalapit kay Jimin nung marinig ko yung salitang alis. 


"San sya pupunta? San pupunta si Jimuel?" tanong ko sa kanya. Tumungin sya sa akin at bumuntong hininga.


Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now