Thirty-Eight Changed

3K 170 80
                                    

Thirty-Eight Changed

Stephen's POV

"Oo naman, anak ko si Seojin eh. Anak natin yun kaya aalagaan ko sya" napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko yung sinabi ni Dana. Masyado na pala akong walang alam tungkol sa nangyayari sa buhay nya. Masyado na pala akong malayo sa kanya. Kahit naman sisihin ko yung sarili ko wala ng magbabago, sila ni Jimuel ang nagkatuluyan at may anak na sila.

Kanina habang kinakantahan ko si Seojin ay iniisip ko na anak ko sya. Bading na kung bading pero yun ang iniisip ko. Anak ko si Seojin, anak namin ni Dana.

"Hanggang kelan mo itatago sa kanya ang lahat?" hindi ko na.kailangan pang lumingon para malaman kung sino yung nagsalita, boses pa lang nya ay kilala ko na kung sino sya.

 sagot ko. Wala na rin namang saysay ang lahat. Kahit na ipagsigawan ko pa sa buong mundo na sya pa rin ang mahal ko wala ng mababago, isa pa ayokong makasira ng isang masaya at tahimik na pamilya.

"You what Stephen, I'm still wondering bakit hindi ka magpakatotoo sa kanya ngayon. Sabihin mo lahat, ipaliwanag mo, ipaintindi ano pa ba? Hanggang kelan ka magiging ganyan? Hanggang--"

"She's with Jimuel" I cut her off. Nakita ko kung paano tumaas ang mga mata nya dahil sa sinabi ko.

"Hello hindi ka ipinanganak kahapon Stephen, hindi porket nakikita mo silang magkasama ngayon ay sila na, hindi porket nakita mo silang may kasamang bata ay anak na nila yun. Bakit si Taejoon hindi mo itinago sa kanya?" tanong nya.

"He's my son" sagot ko. Bakit ko itatago sa kanya ang anak ko, para ko na ring itinago ang sarili ko kapag ginawa ko yun.

"Yeah he's your son pero alam kong alam mo ang totoo" mahirap talagang makipag-usap sa taong madaming alam tungkol sayo. Lahat ng sasabihin mo may ipangbabara sya.

Bumuntong-hininga na lang ako. Akala ko pagbalik ko magiging madali ang lahat hindi pala.

"Stephen don't you see it? Kasi ako pagpasok pa lang nya kanina kitang-kita ko na" sabi nya dahilan para tumingin ako sa mga mata nya. Bakit nga ba hindi ko itiniloy ang kasal namin ng babaeng nasa harapan ko ngayon?

"That what? That Jimuel and her were happy together? That if I'm going to push my feelings for her, something will change?" tanong ko sa kanya. Umiling sya at hinawi yung bangs nya, tanda na naiinis na sya.

"Stephen pabo" tignan mo to ako pa sinabihan ng pabo.

"Just remember Stephen, nothing will happen if something doesn't move" pagkatapos nyang sabihin yun ay lumakad na sya papasok sa loob ng kwarto ko. Napabuga naman ako ng hangin at napayuko. Ano bang gusto nyang gawin ko? Erika ano bang gusto mong gawin ko?

Nakita ko si Dana na umupo doon sa may upuan sa veranda. Naalala ko tuloy yung mga panahon na naguusap kaming dalawa dyan hanggang sa sasandal na lang sya sa balikat ko dahil makatulog na sya.May nagsasabi sa akin na lapitan ko sya kaya ginawa ko. Umupo ako sa tabi nya at naramdaman ko ang pagkagulat nya dahil sa ginawa ko.

Tumingin sya sa akin. Walang emosyon ang mukha nya pero yung mata nya, parang malungkot. Parang hindi sya masaya.

"Stephen" tawag nya sa akin. Damn I miss those voice. Yung dati palaging ako lang ang nakakarinig. Na kahit napaka-ingay nya ay ok lang.

Umiwas sya ng tingin sa akin pero ako nakatingin pa rin sa kanya. Wala namang masyadong nagbago sa kanya bukod sa tumaba sya ng konti pero kahit ganun maganda pa rin sya.

Ang dami kong gusto sabihin sa kanya pero walang nalabas sa bibig ko. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Gusto kong sabihin ang lahat pero ayaw gumalaw ng mga labi ko.

Maya-maya ay humikab sya hanggang sa maramdaman ko na lang yung ulo nya sa balikat ko. The moment that her head touch my shoulder, my heart beats fast just like before. It feels so nostalgic, it feels so good.

"I mis you Dana, I really do"

Narinig ko ang mahinang hilik ni Dana kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Napadako yung tingin ko sa kamay nya at I intertwine our fingers together. Namiss kong hawakan ng mga kamay nya. Maya- maya ay naramdaman kong hinihila na rin ako ng antok kaya pumikit ako.

"I want you to marry Erika and that's Final" mawatoridad na sabi sa akin ni Harabeoji habang nasa loob kami ng opisina nya at kasama namin si Mr. Seo at si Erika.

Akala ko kaya nya ako pinapunta sa Korea noon ay dahil sa gusto nya akong mag-aral doon, akala ko rin tapos na tong engagement something na to pero hindi pa pala.

Tumingin ako sa mga mata ni Harabeoji at nakatingin din siya sa akin. "I have idolized you all my life because I thought you're not just like other business man out there who would sell their family for the sake of their wealth but I think I have idolized a wrong person" sa unang beses ay sumagot ako sa kanya. Nakita kong napakuyom si Harabeoji ng palad dahil sa inis nya sa akin.

"So bad Stephen, no one can stop me, even you" hindi na sya ang Lolo ko. Masyado na syang nasilaw sa pera at kinakain na sya non.

Lumabas ako ng opisina nya at bumalik sa bahay para mag-impake. Uuwi sana ako ng Pilipinas para hindi matuloy ang kasal pero napigilan nya ako. Para akong naging preso ng mga panahon na yon, kinuha nila sa akin yung laptop at cellphone kaya hindi ako makatawag kay Dana. Ilang beses kong sinubukang tumakas pero wala pa rin at sa bawat pagtatangka kong tumakas ay mas pinapabilis nila ang preperasyon ng kasal.

"Don't you like me Stephen?" nagulat ako sa biglaang tanong ni Erika. Alam kong simula pa pagkabata ay may gusto na sya sa akin pero ngayon lang sya nagtanong sa akin ng ganito.

"I like you" sagot ko, gusto ko naman talaga si Erika, mabait sya at masayahin pero hanggang kaibigan lang.

"Yeah, you like me as a friend right?" kahit na ayoko syang saktan ay tumango ako. Mas maganda ng ganito kesa naman umasa sya.

"Sorry" I'm sorry Erika. I know that you deserve someone better than me. Someone who was not committed to anyone.

"Nah, its okay" sabi nya sabay punas ng luha. Gusto kong punasan ang mga luha nya pero mas pinili kong wag na lang kasi baka sa mga simpleng bagay na gagawin ko para s kanya ay umasa na naman sya.

"I'm really sorry Erika" ulit ko. Muli nyang pinunasan yung pisngi nya na basang-basa na dahil sa luha.

"I will cancel the wedding Stephen but can you do me a favor?" tumingin sya sa mga mata ko at saka nagsalita.

"Please give me a child"

-------------------------

Sabaw alert!!!


Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now