Twenty-Third Changed

4.1K 205 112
                                    

Twenty-Third Changed


Napahawak ako sa dibdib ko ng makalapit na ako sa puno kung nasaan yung Tree house ni Jimuel. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko dahil tumakbo ako. Inangat ko yung tingin ko at parang wala namang tao sa taas. Nagdadalawang-isip ako kung aakyat ba ako o hindi, parang may kakaiba kasi. 


"Dana" agad akong napalingon nung may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Jimuel na naglalakad papalapit sa akin. Ibinuka ko yung bibig ko para magsalita pero niyakap nya agad ako.


"Jimuel" tawag ko sa kanya. Naramdaman kong hinalikan nya yung ulo ko.


"Come" sabi nya sa akin at pinauna akong umakyat sa tree house nya. 


Pag-akyat namin ay agad kaming umupo at tinignan ko sya. Medyo pumayat sya at habang tinititigan ko sya ay nakikita kong malungkot na malungkot sya.


"Bakit Jimuel?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa akin pero hindi sumagot. Hinawakan ko yung kamay nya at pinisil iyon.


Ngumiti sya pero ramdam kong peke iyon kaya lalo akong nagtaka. 


"Do you like me?" biglang tanong nya. Nagulat ako. Anong ibig nyang sabihin? 


"Oo naman" sagot ko. Gusto ko naman sya eh. 


"Really? Then can you run away with me?" ano daw? Tama ba ako ng rinig?


"Ano? Run away with you?" tanong ko. Bakit naman nya ako yayayaing umalis kami?


"Yes Dana, run away with me" ulit nya. Inalis ko yung kamay ko na nakahawak sa kanya at umayos ng upo at umiwas ng tingin.


"Ano bang nagyayari? Noon hindi na nagpapapasok tapos malalaman ko aalis ka dahil sa akin para hindi ako mapahamak tapos ngayon aayain mo akong umalis kasama mo? Ano bang meron?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa akin pero agad ding umiwas ng tingin.


"Dad told me that if I would not agree with him they will hurt you" nagsimula syang magsalita.


"Bakit daw? Bakit ako?" singit ko. Sumandal sya sa sandalan nung inuupuan namin.


"They found out that I like you, he wants me to marry his business partner daughter in Paris and I didn't agreed. I was blackmailed Dana. If I don't agree with him they might hurt you and I don't want that to happen." sagot nya.

Ang komplikado naman ng buhay nya.


"I asked you to runaway with me because you're the one I like to be with" dagdag nya pa. Sorry Jimuel pero kasi..


Napabuntong-hininga ako. Naaawa ako kalagayan nya, gusto ko syang tulungan pero sa tingin ko yung pagsama sa kanya ay hindi tama.


"Hihintayin kita Dana. Hihintayin kita sa Jan.10". Pagkatapos nyang sabihin yun ay umalis na sya sa tree house nya at naiwan akong mag-isa.

Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now