Fifth Changed

5.2K 238 26
                                    

Fifth Changed

Bago ako tuluyang lumabas ng clinic at muli ko syang tinignan. Ganun pa rin yung pwesto nya. Nakayuko at nakapatong yung dalawa nyang kamay sa hita nya. Gusto ko sanang balikan sya kaso baka magalit lang sya.

Dahan-dahan kong isinara yung pinto at nagsimulang maglakad papunta sa second subject ko.

Habang naglalakad ako ay muli ko na namang nakita yung lalaki dun sa may puno sa field. Napatigil ako sa paglalakad para tignan sya. Nakapikit sya at tinatangay ng hangin yung buhok nya. Hindi ko alam kung anong meron pero parang gusto kong makilala ang lalaking ito.

"Huy! Bakit di ka pumasok kanina?" biglang may kumapit sa braso ko at nagtanong kaya napalingon ako sa kanya. Nakita ko si Cherry na nakangiti at may hawak na libro.

"Ha?" yun lang ang nasabi ko. Nakita kung kumunot ang noo nya.

"Nag-almusal ka ba? Mukha kang lutang" sabi nya sa akin. Tumango naman ako tapos muli akong napalingon dun sa lalaki kanina. Tumingin din sya doon.

"Sinong tinitignan mo? Ay si Stephen" sabi nya kaya napalingon ako sa kanya. Stephen?

"Halika na! Baka nandun na si Mam" sabi nya tapos hinila ako papasok ng room. Sakto pagdating namin sa room ay papasok na rin si Mam kaya madali kaming umupo sa upuan namin. Agad nagdisscuss si Mam ng lessons namin, pero hindi pa sya nangangalahati nung may umagaw ng atensyon sya sa may pintuan. Napatingin ako doon at nakita ko sila Jungkook na pumapasok kasama yung mga kabarkada nya, ibinalik ko yung tingin ko kay Mam at nakita kong napailing sya.

"Its so nice to see you again Mr. Min" sabi ni Mam dun sa huling pumasok. Hindi ko nakita yung mukha nya pero napansin kong may dala syang sketchpad.

Umupo sya dun sa tabi ni Jungkook. Tapos may sinulat.

"Nice to see you too, Mam" itinas nya yung sketch pad nya at iyan ang nakasulat. Nagpigil ng tawa ang classmate namin at muling napailing si Mam.

Ipinagpatuloy ni Mam yung pagtuturo tapos may pinagawa syang activity. Nasa kalagitnaan kami ng paggawa ng iannounce na may emergency meeting sila kaya ipinadadala na lang nya sa amin yung activity namin sa faculty pagkatapos.

Nakita kong naglakad papunta sa unahan si Jungkook at inilapag yung papel nya dun. Sumunod naman yung iba nyang katropa. Pinakahuling nagpasa yung lalaking may hawak na sketchpad.

Tinapik nya yung mesa sa unahan kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.

"Just pass our paper with yours" yun yung nakasulat sa sketchbook. Dun ko lang din napansin na sya yung lalaki sa field kanina.

"Stephen tara na!" tawag ni Jimin dun sa lalaking nasa harapan ngayon. Ibinaba nya yung hawak nya at sumunod kila Jimin.

Stephen is so handsome talaga!

Ang pogi ni Stepehen!

Nagkaroon ng komisyon sa loob ng room pagkalabas nya.

"Ayan na naman sila" naiinis na komento ni Cherry kaya napatingin ako sa kanya.

"Sino ba kasi sila?" sinabi ko na noon na ayaw kong malaman kung ano sila pero hindi ko alam nacucuriuos na talaga ako sa kanila ngayon. Inayos nya yung upo nya bago sumagot.

"Alam mo dito sa Bangtan School may pitong Princes. Una si Raven, the Rap Prince sya ang leader nila sunod si Jin, ang Heartrob Prince. From the name itself Heartrob sya sunod si Jimin, the Abs Prince garbe ang abs Bhe pak na pak" kinikilig na kwento nya, napagtanto ko na si Jimin talaga gusto nya at hindi si Jungkook.

"San na ba tayo? ayun si Jimin yung may Abs tapos si Jimuel, ang Dance Prince ang galing sumayaw nun actually magaling din sumayaw si Jimin eh tapos ang 4D Prince si Vincent parang ewan yun, may sariling mundo lagi tapos si Jungkook ang Kookie Prince. Lagi syang namimigay ng Cookies na binake ni Jin haha ang sarap kaya ng cookies nya tapos ang pinakahuli si Stephen ang Silent Prince, hindi kasi sya nagsasalita hindi ko din alam kung bakit eh" dagdag nya. Hindi nagsasalita? Bakit kaya?

"Pano sya nasagot sa mga recitation" out of the blue na tanong ko kay Cherry. Tumigil sya sa pagsusulat at tinignan ako.

"Yun ba? Laging may dalang Sketch pad yun, dun nya sinusulat lahat ng gusto nyang sabihin" sagot nya tapos bumalik sa pagsusulat.

Siya yung palagi kong nakikita sa may field. Nakapikit sya parati at parang dinadama yung simoy ng hangin. Napakaamo ng mukha nya.

"Halika na magpasa na tayo. Terror pa naman yung si Mam Jeanette pagdating sa mga ganto" yaya sa akin ni Cherry tapos inayos na nya yung gamit nya.

Stephen, ang ganda ng pangalan nya pero bakit di sya nagsasalita?

--------------------------------
Updated!

Sabi ko slow updates to eh, bakit ginaganahan ako iupdate? LoL, slow update kaya -_-

 

Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now