Twenty-Fourth Changed

4K 222 95
                                    

Twenty-Fourth Changed


Dahan-dahang pumasok si Stephen habang sila ay isa-isang pinalilibutan sya. Nakatingin lang sya sa akin tapos tumingin kay..


"Why so fast, Stephen?. Kakatext ko lang sayo nandito ka na agad?" pang-asar nya. Halata namang iniinis nya si Stephen.


"What do you want?" balik na tanong naman ni Stephen. Lumapit sa kanya yung lalaki at dahan-dahang inikutan sya.


"Just like the old times, I want to kill you" sagot nito. Gusto kong magsalita pero walang nalabas sa bibig ko at nararamdaman ko pa yung sakit ng pagkaka-kagat nya sa akin.


"Boss anong gagawin namin dito?" nanlaki yung mga mata ko nung isa-isa nilang pinasok sila Jin at bugbog sarado na ang nga ito.


"Jin! Jimuel!" gusto kong tumayo para puntahan sila pero napakahigpit ng pagkakatali sa akin sa upuan na ito. Inihagis nila si Jin, Jimin, Raven, Jungkook, Jimuel at Vincent sa gitna. Halos hindi na sila makatayo.


"Then go, kill me if that's what you want" sabi ni Stephen. Nakakuyom na ang mga palad nya, para bang handa na syang manuntok.


"Wag! Ano bang kailangan mo ha?" pagtutol ko. Kung ako ang may kasalanan sa kanya ako na lang, tama na yung pagkakabugbog ng Bangtan.


Ngumisi sya at naglakad papalapit sa akin. "I really like your girlfriend. She's so brave" huminto sya sa harapan ko at muling umupo.


"Don't touch her!" sigaw ni Stephen tapos lalapit din sana sa amin pero hinawakan sya nung dalwang lalaki.


"What if I want to touch her? Besides I already kiss her, few seconds before you came" muli na naman nyang inilapit yung mukha nya sa akin. 


Biglang may humila papalayo sa kanya papalayo sa akin. Isang suntok ang nakuha nya mula kay Stephen kaya tumalsik sya.


"I said don't touch her" tumayo sya at dahan-dahang pinunasan yung dugo sa labi nya dahil pumutok ito. Tumayo sya nginisian si Stephen. 


"You really love her?" sarcastic na tanong nya. Nagkipagsuntukan lang ng tingin si Stephen.


Pumalakpak sya habang natawa. Isa-isa namang nagsilapitan kay Stephen yung mga kasama nya. May dala-dala silang pamalo. 


Lumapit sya kay Stephen at sinuntok ito. Natumba naman si Stephen sa harapan ko. Pinipilit ko pa rin na kuwala, ramdam kong may sugat na yung kamay kamay ko.


Tatayo na sana si Stephen ng pumatong sya dito at pinagsusuntok si Stephen.


"Mark! Mark tama na! Tama na please. Tama na!" sigaw ko sa kanya. Akala ko noon mabait sya, ipinagtanggol at nakipag-away pa ako kay Stephen para sa kanya tapos gaganituhin nya kami.

Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now