Thirty-Third Changed

3.6K 192 84
                                    

 Thirty-Third Changed

Isang linggo na rin ang nakakalipas mula nung bumalik si Mrs. Seo at Erika sa Korea kaya heto kami at magkadikit na naman.

"Wag na lang kaya akong tumuloy?" isang matalim na tingin ang natanggap ko mula kay Stephen pagkatapos kong sabihin yun. Nandito pa lang kasi kami sa labas ng BTS University eh parang gusto ko ng magback out.

Hinawakan nya yung kamay ko at mahinang pinisil iyon, napatingin naman ako sa kanya.

"It was just an entrance exam Dana, I know you can do it" pagpapalakas nya ng loob ko. Ewan ko ba sa kanya, sabi ko kasi sa EXO University na lang ako papasok since public University sya, magpapaschedule na nga ako ng entrance exam dun ng sabihin nyang sa BTS-U na lang kami.

"Ehh baka kasi--"

"Shhh. Stop talking non-sense things. C'mon well be late" maawtoridad na sabi nya at saka ako hinila papasok sa loob.

Ang laki ng campus nila at ang dami din na nakuha ng entrance exam, pero ang kinakatakot ko ay mahirap silang magpaentrance exam dahil isa ang BTS-U sa pinakamagandang University dito sa amin kaya baka hindi ako makapasa. Kokonti lang kasi ang napasa para makapasok dito.

Pumunta kami dun sa isang mahabang pila at nagtanong si Stephen.

"Ah miss, is this the line for the entrance exam?" nagulat si Ate nung makit nya si Stephen pero agad ding nakabawi.

"This is the registration, you need to register first" napansin kong parang may gusto si Ate kay Stephen kasi habang nagsasalita sya ay panay ang pag-ipit nya ng buhok nya sa tenga nya.

"Ok, thanks"

"No, problem"

Pinauna ako ni Stephen sa pila, medyo mahaba na rin kasi.

"Girl ang pogi nung lalaki sa likod natin" narinig ko yung bulungan nung babaeng pinagtanungan ni Stephen saka nung kasama nya.

"I know right. Naeexcite na tuloy akong pumasok" sagot naman nung kasama nya.

"Kasama nya ba yung girl sa unahan nya?" pasimple namang lumingon yung babae sa likuran nya.

"Mukhang hindi, gusgusin eh" napatingin ako sa damit ko dahil sa sinabi nya. Mukha ba akong gusgusin? Hindi naman, maayos naman yung mga damit ko.

Maya-maya ay naramdaman kong pumupulupot yung kamay ni Stephen sa akin, kaya inalis ko agad. Nakakahiya naman ang dami-daming tao tapos yayakap-yakap sya.

"Stephen!" tawag ko sa kanya pero hindi nya inalis, ipinatong nya pa sa balikat ko yung baba nya.

"Babe, I'm still sleepy. Pinagod mo ko kagabi" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. Maski yung dalawang babae sa unahan namin ay napalingon sa amin.

"Hoy ano bang sina---"

"Pasensya na ha? Itong girlfriend ko kasi masyadong masipag mag-aral kaya ayun, we stay up all night para magreview" at talagang diniinan nya yung word na girlfriend, hindi naman maipinta yung pagmumukha ng dalawang babae.

"Ay may girlfriend na"malungkot na sabi nung isa.

"Ano ka ba! Asawa nga naaagaw, boyfriend pa kaya!" sabi naman nung isa.

Inalis ni Stephen yung pagkakayakap nya sa akin at hinawakan yung kamay ko saka ako hinala papunta sa unahan. Nilampasan namin yung mga babae na busy pa rin sa pakikipag-usap sa isa't-isa.

Ang layo na pala nung pila sa unahan pero hindi kami umusad dahil dun sa dalawang babae.

"Fill this up then give it back to me" binigyan kami ng tig-isang papel na fifill-up-an. Naghanap kami ng mauupuan saka nagsimulang magsulat.

Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now