Forty-Fifth Changed

3.2K 182 47
                                    

Forty-Fifth Changed

Matapos kong yakapin si Taejoon ay iginaya kami ni Jimuel palabas pero bago pa ako tuluyang makalabas ay may humila sa akin papasok gamit ang buhok ko.

"Where do you think you're going?" tanong ni Mark at inihagis ako sa loob. Tumama yung ulo ko sa upuan na kanina ay kinalalagyan ni Taejoon. Napangiwi ako sa sakit dahil bukod sa pagtama ng ulo ko ay kumikirot rin ang braso kong may tama ng bala.

"Do you really think makakalabas pa kayo ng buhay dito? Then think again!" sigaw nya at inilock nya yung pinto kaya hindi makakapasok si Jimuel, pero ok na rin at ligtas na si Taejoon. Nilapitan nya si Stephen na nakahiga na rin ngayon. Sinipa nya ito sa tagiliran kaya napatihaya sya. Kita ko kung paano nahihirapan si Stephen ngayon, putok na ang labi at may sugat sya sa halos buong mukha nya.

"What do you feel right now Stephen?" tanong nya sabay ngisi. Napaangat ang tingin nya sa kinatatayuan ni Erika kaya tumayo sya.

"Run Erika! Run!" utos ni Stephen kay Erika pero nanatili pa rin itong nakatayo.

"Do you think is it fair that you're the only one who didn't get hurt here?" asik nya at naglakad papalapit kay Erika. Pinilit kong gumapang para makalapit kay Erika pero nakita ako ni Mark at itinutok sa akin ang baril na hawak nya.

"Try to move and I'll shoot you" banta nya kaya napatigil ako.

Nagpatuloy sya sa paglapit kay Erika hanggang sa sunod ko na lang na nakita ay hawak na nya ito at nakatutok na sa kanya yung baril.

"Mark tama na please, wag mo na syang idamay dito" pagmamakaawa ko.

"Shut up!" sigaw nya ulit. Umiiyak na si Erika ngayon at bakas sa kanya ang takot.

"Let her go" sabay kaming napatingin sa nagsalitang si Stephen. Nakatayo na sya at pinupunasan yung labi nya na may dugo. Inalis ni Mark yung baril na nakatutok kay Erika at itinutok iyon kay Stephen.

"Why don't we end this, Tuan? Why don't we end your craziness right now?" hamon nya saka nagsimulang maglakad papalapit kung nasan si Mark.

Binitawan ni Mark si Erika at sinugod si Stephen habang nakatutok pa rin sa kanya yung baril.

"You're getting into my nerves Min"

"So does you" pagsabi nin si Stephen ay inagaw nya kay Mark yung baril na hawak nito pero ayaw namang bitawan ni Mark yung baril kaya nag-aawan sila.

Lumapit sa akin si Erika at pinunit nya yung laylayan ng dress na suot nya at itinali sa braso kong nadugo pa rin hanggang ngayon.

Pareho kaming nagulat ng may pumutok na baril, napalingon kami kay Stephen at Mark na natigil din sa pag-aagawan ng baril.

Maya-maya ay napa-upo si Stephen at kusa syang bumitaw sa baril na hawak nila ni Mark.

"Stephen!" sigaw namin ni Erika. Pinuntahan agad ni Erika si Stephen habang ako, pinilit kong tumayo para puntahan din sya.

Ng makatayo na ako ay nagalaw ko yung braso ko na may tama kaya napapikit ako sa sakit.

"Oh my Gosh Stephen!" sigaw ni Erika kaya napamulat ako at pag-angat ko ng tingin ay nasa harapan ko na si Mark at sa akin naman nakatutok yung baril na hawak nya, ngumisi pa sya sa akin.

"Seems like your hero cannot save you anymore" sabi nya sa akin habang nailing pa.

Ako naman ang ngumisi sa kanya at tinignan sya sa mata" You're wrong, not all princess need a prince to save her, sometimes there are princess that can save herself from the beast" sabi ko sabay sipa kung saan pinaka masakit ang lahat. Napayuko naman sya dahil sa sakit at ginamit ko ang pagkakataon na iyon para makalapit kay Erika na naiyak na ngayon habang nakahiga si Stephen sa hita nya.

May tama si Stephen sa bandang tyan at patuloy iyon sa pagdugo.

"Tumawag ka ng ambulansya Erika" utos ko sa kanya. Tumango naman sya at dahan-dahang inilipat sa akin yung ulo ni Stephen saka sya tumayo at nagpunta sa may pinto ng kwartong ito. Nakapikit sya ngayon at halatang nahihirapan.

"Da-na" tawag nya sa pangalan ko, hinawakan ko yung kamay nya at mas hinigpitan nya ang pagkakahawak nya doon.

"Shhh wag ka ng magsalita ok? Nandito ako, di kita iiwan ok?" paninigurado ko sa kanya.

"Dana!" kasabay ng pagtawag ni Erika ng pangalan ko ay ang pagbagsak rin nya.

Erika's POV

Hindi ko alam kung anong gaawin.ngayon. Patuloy sa pagdugo yung tama ni Stephen maging si Dana. Hindi ko alam kung anong nangyayari, bigla na lang may tumawag kay Stephen kanina at sinabing nasa kanya daw si Dana at Taejoon tapos umalis sila ni Jimuel, dapat hindi nila ako isasama kaso nagpumilit ako. Kasama ang anak ko sa usapan kaya dapat kasama rin ako.

Habang nasa biyahe kami kanina ah tumawag sila ng pulis pero nauna kaming pumasok sa isang abandonadong bahay. Then the rest happened.

"Tumawag ka ng ambulansya Erika" utos sa akin ni Dana, tumango ako saka dahan-dahang inilipat sa kanya si Stephen na nakapikit pa rin hanggang ngayon.

Tumayo ako at nilibgin muna kung nasab yung lalaking may hawak ng baril, namimilitpit sya sa doon sa may gilid kaya agad akong tumakbo papalapit sa pinto at tinanggal ang pagkakalock nun.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng makita kong itinutok nung lalaki yung baril kay Dana kaya tumakbo ako papalapit sa kanila bago pa nya maiputok yung baril.

Naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa sahig at "Umma!"

Yun ang huling narinig ko bago magdilim ang lahat.

Dana's POV

Halos hindi ako mapakali ng maipasok si Stephen at Erika sa ER. Pareho silang may tama ng baril at mukhang malala ang mga iyon.

Samntalang hindi pa rin mapatahan si Taejoon dahil sa nakita nya kanina.

"Shh Taejoon-ah. Look at me, everything will be ok, ok. Your Umma and Appa will be safe ok, so stop crying" alo ko sa kanya. Kinarga ko sya at sinayaw-sayaw para tumigil sya sa pag-iyak.

"Gusto po sana namin kayong kunan ng statement sa nangyari kanina" dumating yung mga pulis na humuli kay Mark matapos nyang barilin si Erika.

"Salamat po Ms. Santos" paalam nila at umalis na. Kinuha naman ni Jimuel sa akin si Taejoon na nakatulog na dahil sa kakaiyak.

"Ipacheck mo yang sugat mo" utos nya sa akin at may lumapit na nurse kaya ipinagamot ko na rin. Nagpapasalamat ako at daplis lang ang inabot ko, hindi bumaon yung bala sa braso ko pero grabe talaga ang pagdurugo nito kanina. Matapos akong linisan ng sugat ay sakto dumating sila Nanay at Mam Saira.

"Why is this happening again?" napaiyak na lang si Mam Saira at inalo sya ni Kuya Steven.

Lumapit ako kay Nanay at agad naman nya akong niyakap. "Nay si Stephen" iyak ko.

Bakit ngayon pa, ngayon pa kung kelan nagpasya na akong maging masaya.

"Shh tiwala Dana, magtiwala ka kay Stephen" sagot sa akin ni Nanay.

Ilang oras pa ang nakalipas bago lumabas yung doctor mula sa ER.

"We did our best but I'm sorry"

No, this is not hapenning.

--------------------------------

May nagbabasa pa ba??

Sana meron pa! Huhu T^T

Guys kapag gumawa ba ako ng JiKook fanfic babasahin nyo?? Pakisagot please... 



Everything Has ChangedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant