Thirty-Seventh Changed

3.3K 177 53
                                    

Thirty-Seventh Changed

Sabi ko hindi ako pupunta pero ngayon ay nakatayo ako sa tapat ng isang malaking bahay na minsan ay naging tirahan ko. Wala pa ring pagbabago, ganun pa rin ang kulay at ang mga gamit na nasa garden, ipinagkaiba nga lang ngayon ay may palamuti ang mga ito at maraming iba't-ibang kulay ng ilaw.

May makikita rin na isang malaking palamuti na may nakalagay na 'Welcome Home Stephen" Habang tinitignan ko yung litrato nya sa may palamuti ay natanong ko yung sarili ko kong kilala pa rin nya ba ako hanggang ngayon kasi ako Oo, kilalang-kilala ko pa sya.

"Umma!" napalingon ako ng may tumawag sa akin. Tumatakbo papalapit sa akin si Seojin kaya sinalubong ko sya at hinalikan sa pisngi.

"Wow ang ganda naman ng baby ko" puri ko sa kanya kaya tumawa sya. Nakadress kasi sya ng baby pink at may malaking ribbon sa ulo nya.

"You're pretty din Umma" tumikhim si Jimuel kaya napatingin kami sa kanya.

"May we beautiful ladies?" tanong nya ay inalok sa amin yung mga braso nya. Inilagay ko yung kamay ko sa braso nya at sa kabila naman ay hinawakan nya yung kamay ni Seojin saka kami pumasok sa loob.

Isang malakas na tugtog ang sasalubong sayo pagdating mo sa loob. Maraming tao at halatang may sinasabi sa lipunan.

"Hyung!" isang lalaki ang lumapit sa amin at nakipagbrofist kay Jimuel. "Hi Dana" kumunot ang noo ko dahil kilala nya ako.

"Jimin?" tanong ko. Lumapit sya sa akin at "Nakalimutan mo ako?" may himig ng pagtatampo sa boses nya.

"Ha? Hindi naman, hindi lang kita nakilala agad" depensa ko. Medyo nag-iba na kasi sya.

"Kala ko nakalimutan mo na ako eh, tara don tayo" tinuro nya yung isang lamesa na may dalawang lalaking naka-upo.

Pagka-upo namin ay nandoon si Jin at Raven. Nagsimula naman kaming magkamustahan. Isa na palang doktor si Jin at Navy naman si Raven. Maya-maya ay dumating si Jungkook.

"Bro! Musta long time no see" biglang sigaw ni Jimin kaya napalingon kami. Nakita ko si Stephen na papalapit sa amin at may kasamang batang lalaki.

"Yeah, long time no see yet your still small" pakiramdam ko may nakakarerahan sa dibdib ko nung marinig ko yung boses nya. Nakita kong sinuntok sya ni Jimin sa braso.

"Annyeong Taejoon" bati nila dun sa batang kasama ni Stephen pero di man lang sila pinansin.

"Umma fix this" biglang hinila ni Seojin yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Natanggal yung ribbon sa damit nya kaya pinapatali nya ulit sa akin. Inayos ko yung ribbon nya ng may magtanong.

"Where's your daughter?" tanong ni Stphen kay Jimuel. Tumayo si Jimuel at binuhat si Seojin na nasa tabi ko.

"Guys I want you to meet my daughter, Seojin. Seojin say Hi to your harabeojies" utos nya.

"Annyeong Harabeojies" sumunod naman si Seojin kaya umangal silang lahat. Kesyo bata pa daw sila at hindi pa lolo.

"And here's Seojin's Umma--" inihahanda ko na yung sarili ko na kausapin si Stephen ng may sumigaw.

"Dana!!!" isang alien ang bumaba mula sa kanyang spaceship at tumakbo papalapit sa akin. Pagdating nya sa tapat ko ay hinawakan nya yung dalawang kamay ko at saka nagtata-talon.

"Yay you came" sabi nya habang nagtata-talon pa rin at nakangiti ng malaki.

"Yan tayo eh, si Dana na lang kakilala mo" singit bigla ng Raven kaya tumingin sa kanya si Vincent.

Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now