KABANATA 7

5.4K 185 3
                                    

UMAGANG-UMAGA bumungad kaagad kay Wyatt ang kaniyang kaibigan na si Travis. Hindi pa nga siya nakakapagmumog at nakakapaghilamos, nasa bahay niya na kaagad ang kutungero niyang kaibigan. Hindi niya yata na-lock ang pinto ng bahay niya, kasi pagbaba niya ng hagdan nakita niya kaagad ito na naka-dik’watro ang upo.

“Ano na naman ang kailangan mo, Trav?” medyo antok pang tanong ni Wyatt sa kaibigan. “Hindi ka man lang nag-door bell. Kasuhan kaya kita ng trespassing?” dagdag niya.

“Makikikain sana ako, kaso tulog ka pa nang dumating ako kaya umupo na lang ako para hintayin ka na gumising at magluto,” wala man lang pagdadalawang isip na sabi ni Travis.

Lumiit ang mata ni Wyatt dahil sa pinagsasabi ng kaibigan.

“Putangina mo, Trav! Ang kapal talaga ng mukha mong kutungero ka! Lumayas ka nga rito sa bahay! Ang aga-aga binib’wesit mo kaagad ako!” umiigting ang pangang sabi ni Wyatt.

Magsasalita na rin sana si Travis pero umalis na si Wyatt, naglakad ito papunta sa kusina para maghilamos at magmumug. Ubos na kasi ang pang-mouth wash nito kaya mag-ti-tiyaga na lang muna siya sa pagmumug ng tubig.

Pumunta sa lababo si Wyatt saka binuhay ang gripo. Naghilamos at nagmumug siya.

“Pupunta ako ngayon sa coffee shop ni Henry. Sigurado akong nandoon na si Aloha,” ani Wyatt. Naglakad siya pupunta sa refrigerator para kumuha nang malamig na tubig. Nararamdaman niya kasi na nanunuyo ang kaniyang lalamunan.

Wala siyang hangover kaya hindi naman sumasakit ang kaniyang ulo.

“Kagagaling mo lang doon Kahapon ahh. Pero sabagay gusto mo ngang maging sa ‘yo siya. Goodluck, buddy. Dahil binibigyan kita ng moral support, baka naman p’wedeng makahingi ng one hundred thousand?” Tumataas-taas pa ang kilay ni Travis habang sinasabi iyon.

“Putangina ka talaga! Mauubos sa ‘yo ang ipon ko eh.  Baka magamit ko ang pamana ng mga namayapa kong magulang. Mag-asawa ka na kasi para mabawi mo na ang mana mo sa tatay mo, nang hindi ako ang kinukutungan mo,” sabi ni Wyatt pagkatapos niyang uminom, saka ibinalik na ang pitsel na may lamang malamig na tubig sa refrigerator.

“Edi bigyan mo na ako ng 200 thousand para makapag-simula na ako sa paghahanap ng magiging asawa ko.” Ngumisi ito.

“Gago! Para namang may tinatae akong pera. Saka bakit ba ako ang palaging kinukutungan mo? Kay Alexander ka naman kaya mangutong.”

“Bakit narinig ko ang pangalan ko?”

A man wearing a plain black t-shirt and ripped jeans entered in the kitchen. That was Alexander Breiven.

“Bud, makikain ka rin ba?” tanong ni Travis sa bagong dating na si Alexander.

“Oo sana. Naka-day off mga maids ko kaya walang nagluto.” Pumunta siya sa island counter then sat on the stool. “Bakit pala nabanggit niyo ang pangalan ko kanina?” turan nito na ginagalaw-galaw ang kaniyang paa.

“Makikikain!? Mga putangina niyo! Magsilayas na nga kayo sa pamamahay ko! Kagigising ko lang kaya walang pagkain. Doon kayo sa bahay niyo magluto, hindi ‘yong nanggugulo kayo dito sa akin.” Bumaling ang tingin ni Wyatt kay Travis na nakatayo pa rin saka niya ito dinuro. “At ikaw Trav, diyan ka naman kay Alexander mangutong. Mamumulubi ako sa ‘yo eh.”

“Putangina ka, bud! Ang damot-damot niyang Breiven na ‘yan. Kahit pesong duling wala pa ‘yang naibibigay sa akin!” ani Travis.

“Tangina ka, Trav! Paano kita bibigyan kung ang hinihingi mo ay mababa na ang isang daang libo. Ginawa mo na kaming bangko. Buti na lang mabait ako kaya hindi kita binibigyan.” Ngumisi lamang si Alexander.

Lunatic Series 1: WYATT JAMES LACSONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon