KABANATA 23

3.8K 107 1
                                    

ALAS TRES nang madaling araw nang nagsipag-uwian ang mga bisita nila Aloha. Tanging si Aloha at Wyatt na lang ang naiwan. Magkasabay na umuwi ang mga kaibigan ni Wyatt na sina Travis at Alexander. Sakay ni Travis si Cassandra. Sa napapansin ni Aloha ay parang may something ang dalawa. Pero hindi niya na ito inisip pa, matatanda naman na ang mga ito para sa bagay na iyon.

Si Alexander ay umuwi nang walang kasama. Kailangan daw nitong makatulog kahit kaunting oras lang, dahil may meeting ang binata pagsapit ng alas otso nang umaga.

Sakay naman ni Henry si Marry Jarenz na nililigawan kuno nito. Buti na lang ay may bahay si Henry sa probinsiya nila kasi kung wala, malamang sa malamang ay umuwi pa ang mga ito sa Manila.

Ang kaibigan niya ring si Lany ay mga alas k’watro nang umaga na rin umuwi. Kailangan daw nitong matulog, baka raw masira ang beauty kuno nito kapag hindi ito nakatulog kahit man lang kaunting oras.

Sa katunayan ay kagigising lamang niya. Pinatulog kasi muna siya ni Wyatt para ito naman ang magbantay sa nakaburol niyang ina.

“Dapat baby umaga ka nang gumising. Kaya nga kita pinatulog para makapagpahinga ka tapos gumising ka naman ng ganitong oras,” sabi ni Wyatt na nasa likuran niya.

“Nagising ako sa ingay kanina eh,” tugon na lamang niya sa binata saka naglakad na papunta sa upuan, malapit sa kabaong ng ina niya. Nasa pinto pa rin siya kahit kanina pang nakaalis ang mga bisita na tinatanaw niya na lulan ng kani-kaniya nitong sasakyan. “Bakit hindi ka muna matulog? Kailangan mo rin magpahinga,” aniya pa nang tuluyan na siyang makaupo.

“Nah. I’m fine, baby. I drank four cups of strong coffee, kaya hindi ako makaramdam ng antok. I’m alright, okay. Don’t worry. I’m strong like a carabao.” He smiled at her then sat to a chair beside her. “Sabay nating bantayan si Inay. I miss her. Hindi man kami ganoon katagal nagkakilala, naging malapit na agad siya sa akin. It hurts me a lot. Kung saan nagkaroon na ako ulit ng ina, nawala na naman,” malungkot ang mukha na saad ng binata habang ang mga mata ay nakatingin sa naka-frame na litrato ng ina niya na nakapatong sa ibabaw ng kabaong nito.

“Everything happens for a reason. Siguradong may dahilan ang Diyos kung bakit Niya kinuha sa atin ang Inay,” aniya na ang mga mata’y nakatingin din sa litrato ng ina.

“Do you think it was my fault, baby? Kasi noong wala ako, tingin ko ayos naman siya,” nasasaktan na saad ng binata.

Hinarap niya ang binata saka hinawakan ang g’wapo nitong mukha saka pinagtama ang kanilang mga mata. “Wala kang kasalanan. She’s just that old to live. Marahil nga ay gusto niya na talagang mawala. Dahil sa ayaw niyang maiwan akong mag-isa, siguro pinagdasal niya na huwag muna siyang kunin dahil iniisip niya ako. Then you came. Mapapanatag na ang kalooban niya dahil nariyan ka na, kaya siguro hiniling niya na mawala na. Naniniwala siya sa ‘yo na aalagaan mo ako.” She paused to swallows the lump on her throat. She cleared her throat then spoke, “Kung sisihin mo ang sarili, huwag. Hindi mo kasalanan iyon. Nawala ang Inay dahil iyon ang plano ng Diyos.”

“I can’t help it, baby. Mayroon sa loob ko na sinisisi ang aking sarili dahil dumating ako sa buhay niyo. Siguro kung hindi na lang kita hinanap at ginulo, buhay sana ang inay.” Hinawakan ng binata ang kamay niya na nakahawak sa mukha nito. “S-Sorry, baby. I shouldn’t enter your life. What I did makes miserable. Because of Inay left you. I-Inay die because of me. Dahii pumasok ako sa mundo niyo. Kung hindi ko sana ginawa, sana buhay pa si Inay dahil wala pa siyang nakikita na lalaki na mag-mamahal at mag-aalaga sa ‘yo.” Regret was evident at Wyatt’s eyes.

“Hindi mo nga kasalanan, okay. Hindi matutuwa si Inay sa nakikita niya. Siguradong nalulungkot ito gayong nakikita niya kung paano mong sisihin ang sarili mo dahil sa pagkawala niya. Gusto mo ba iyon? Gusto mo ba na kahit sa kabilang buhay ay malungkot si Inay?” Pangongonsensiya niya sa binata.

Lunatic Series 1: WYATT JAMES LACSONWhere stories live. Discover now