KABANATA 13

4.4K 156 1
                                    

PAGKARATING ni Aloha sa coffee shop, kaagad siyang binati ng kaniyang kaibigan na si Lany at ang mga kasamahan nila sa coffee shop. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng coffee shop para tingnan kung naroon si Henry, ngunit wala siyang nakita. Nakita niya ang assistant ng binata kaya nilapitan niya ito.

“Pumasok na ba si Henry? Nasa office niya ba?” nakakunot ang noo na tanong niya dito.

“Wala si sir Henry ngayon. Sabi ng bagong manager natin ay pumunta na raw ito sa Manila para doon mamalagi at mabantayan din ang branch doon. Nasa office ni sir Henry ang bago nating manager, hindi ko lang alam kung ano ang ginagawa,” mahabang sabi nito, “Ang landi nga ng bago nating manager, halikan ba naman ako. Kung hindi lang ito g’wapo, baka nasikmuraan ko na ‘yon ehe,” humahagikhik pa na dagdag nito.

“Lalaki pala ang bagong manager natin,” nasambit niya na lamang.

“Sobrang g’wapo nga ehh. Makikita mo rin iyon kapag lumabas na sa office. Walang agawan ah. Ako ang nauna kay sir,” nakangiting sabi nito.

“Hindi naman kita aagawan,” nakangising saad niya.

“Buti na ang nagkakaintindihan tayo, mas maganda ka pa naman sa akin. Mahirap na.”

“Ewan ko sa ‘yo. May sira na iyang utak mo. Ipaayos mo na ‘yan habang hindi pa lumalala,” ani Aloha na umiiling-iling pa.

“Kapag kinain ako ng bagong manager natin, doon lang ako magiging maayos,” nakataas ang sulok ng labi na sabi nito saka siya nito tinalikuran.

“Baliw,” bulong niya na patuloy sa pag-iling.

She knows that the girl was just like that. Iyong tipong makakita lang ng lalaking g’wapo, para bang kinikiliti na ang gitna nito. Pero kahit ganoon iyong dalagang iyon, hindi lingid sa kaalaman niya na no boyfriend since birth ang dalaga. Sadyang may pagkamaharot na side lang ito.

She’s comfortable being with her. Mabait ito at madaling pakisamahan. Hindi tulad ng iba nilang kasamahan na kung tarayan siya ay para bang may nagawa siyang mali sa mga ito. O sadyang pinaglihi lang ang mga ito sa sama ng loob, kaya ganoon lang siya kung itrato ng mga ito. But she don’t care about them. As long as hindi niya ito naaapakan, maayos iyon sa kaniya. Huwag lang subukan ng mga ito ang pasens’ya niya. She can do such things that even the most closest person to her, didn’t know that she can do that.

All of us has a dark side, lumalabas ito kapag may nag-t-trigger sa atin.

















NANG SUMAPIT ang alas otso ng umaga, nagsidagsaan ang kanilang mga costumer. Ang iba ay naka-corporate attire at ang iba ay naka-simpleng attire lang para sa trabaho. May mga kilala siyang mukha at iba ay hindi pamilyar sa kaniya.

“Blooming ka ngayon, gurl. Nadiligan ka? Ang mukha mo kasi parang nadaligan,” sabi ni Lany na may nakapaskil na nakalolokong ngiti sa mukha nito.

Dahil sa tanong ng kaibigan, nangamatis kaagad ang mukha ni Aloha. Dahilan para mapayuko ang dalaga.

“Silent means yes. So totoo ngang nadiligan ka?” tanong pa nito.

She faced her friends. She bit her lower lip then nodded. Walang dahilan para maglihim siya sa kaibigan.

Nangulit pa ito sa kaniya dahilan para lalong mangamatis ang kaniyang mukha. Sana lang walang makarinig sa kaniyang kaibigan. Medyo malakas pa naman ang boses nito.

“Magtrabaho na lang tayo,” saad niya para tigilan na ng kaniyang kaibigan ang pangungulit sa kaniya.

Nang sunod-sunod na namang pumasok ang mga kostumer, lahat sila aligaga kakaasikaso sa mga ito.

“Good morning, guys. Nakatulog pala ako sa office. Nalimutan ko tuloy magpakilala. By the way, I’m your new manager. My name is Travis Alcazar. You can call me Trav. Wala akong maririnig na tatawag sa akin na sir. Maliwanag?” Lahat sila tumango sa sinabi ng binata.

G’wapo nga ang binata gaya nang sinabi ng assistant ni Henry. Sigurado siyang habulin ito ng mga babae at sigurado rin siyang marami na itong pinaiyak na babae. Sa itsura ba naman nito, imposibleng wala.

Parang pamilyar ang binata sa kaniya. Sa wari niya ay nakita niya na itong kasama ni Wyatt. Minsan talaga ay makalilimutin na siya.

“Ang g’wapo ‘di ba?” kinikilig na sabi ng assistant ni Henry na magiging assistant na rin nang bago nilang manager habang kinukurot siya.

Tumango na lang siya saka pinagsabihan na ang kaibigan na huwag siyang kurutin. Ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang si Lany naman ang nangurot sa bewang niya at panay sabi na sobrang g’wapo ng manager nila.

Nang matapos si Travis magpakilala ay sila naman ang sumunod na nagpakilala. Para daw maayos ang maging ambience kapag magkakilala sila. Walang awkwardness na mararamdaman sa isa’t isa at komportable silang makagagalaw.

Nang matapos sila ay bumalik sila sa pagtatrabaho hanggang pumasok ang hindi niya inaasahang kostumer. Walang iba kung hindi ang lalaking nakakuha sa virginity niya. Nakasuot ito ng plain black t-shirt na hapit sa katawan nito. Bumakat ang 8 packs abs nito. At para na ring puputok ang muscle nito sa sobrang hapit ng damit nito. He’s wearing a ripped jeans. Ganoon lang ang suot ng binata pero ang lakas ng dating nito. Simple pero ang angas tignan. Lalong pa itong naging g’wapo sa kaniyang paningin. Natulala na naman siya sa pagtitig dito.

“Oh, bud, napadalaw ka?” rinig niyang sabi ni Travis dahilan para bumalik siya sa kaniyang sarili.

“Nandito ang future wife ko e. Ikaw bakit nandito ka? Nasa’n ang may-ari nito? Nandito ‘yon palagi hindi ba?” ani Wyatt saka tumingin sa kaniya, kaya tuloy parang tinatambol ang kaniyang puso sa lakas nang kalabog nun.

“Ahh iyong may-ari ng panty.” Lumingon sa kaniya si Travis saka ngumiti nang nakaloloko. Nahiya siya kaya yumuko siya. “Wala si Henry nasa main branch sa Manila. Dahil sa mabuti akong kaibigan, nag-presinta akong maging manager dito. Para na rin may trabaho ako at hindi ako kutong nang kutong sa iyo. Ayos na sana ang pangungutong sa ‘yo, kaso nakokonsensiya na ako.” Nakangiting dagdag pa nito.

“Buti naman at naisipan mo ‘yan. Akala ko forever ka nang mangungutong sa ‘kin, bud,” nakataas ang sulok ng labi na saad ni Wyatt saka lumingon kay Aloha at dahan-dahang naglakad papunta sa dalaga. “Can you join me to have some coffee?” tanong nito sa kaniya saka inilagay ang kapirasong buhok niya sa likod ng kaniyang tainga.

“P-Pero may kostumer pa,” kinakabahang sabi niya.

Ewan niya ba kung bakit tuwing malapit sa kaniya ang binata ay parang kinakabahan siya dahil sa lakas nang tibok ng puso niya.

“Marami ka namang kasama eh.” He pouted.

“Sige na, Aloha, saluhan mo na iyang baliw na ‘yan. Baka umiyak,” ani Travis saka humarap sa kaibigan. “Tigilan mo ang pag-pout, Lacson, ‘di mo bagay.” Ngumisi ito.

“Fuck you, Alcazar!” asik ng binata.

“Ugh yeah, fuck me harder, baby!” ngising balik ni Travis sa kaibigan.

“Gago!” angil nito at humarap na sa kaniya. “Tara doon tayo sa malapit sa bintana,” sabi nito saka hinawakan ang kamay niya. Pinagsaklop ng binata ang kanilang mga daliri saka naglakad. Nagpatinuod lamang siya dito.

Pagkaupo nila ay nag-order ng dalawang Café Au Lait ang binata. Nag-usap sila tungkol sa kanilang dalawa habang sinisimsim ang kape nila.

Lunatic Series 1: WYATT JAMES LACSONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon