KABANATA 20

3.8K 105 0
                                    

NGAYON ang ikatlong araw nang pagkakaburol sa ina ni Aloha. Simula nang iburol ang Inay nito ay puro nalang iyak ang ginawa nito. Sa tatlong araw na pagkakaburol ng nanay nito ay ang mabilis din nang pagbaba ng timbang ito. Dahil sa ang hirap pakainin ang dalaga. Kung kakain man ito ay isang kutsara lamang ay umaayaw na ang dalaga. Dahilan para lumabis ang pag-aalala rito ng binata.

Hindi ganoon karami ang nakikipaglamay. Sa katunayan ay sa gabi lamang ang mga ito dahil sa may trabaho kinaumagahan. Bukas ang panghuling lamay. Wala naman silang hihintayin kaya wala ng dahilan pa para patagalin ang libing.

Galing si Wyatt sa kusina. Kumuha siya nang makakain ng dalaga. Nilapitan niya ang dalaga saka inilagay ang pagkain sa katabi nitong upuan. Tulala lamang ang dalaga na nagbabantay sa ina.

“Baby, kumain ka muna. Nangangayayat ka na. Ang bilis bumagsak ng katawan mo. Hindi ka kasi kumakain nang maayos,” sabi ni Wyatt habang hinihimas-himas ang balikat ng dalaga na tulalang nakatingin litrato ng ina na nakapatong sa ibabaw ng kabaong.

Hindi man lang ito tumugon sa kaniya.

“Baby, hey! Eat up. You need to eat so you could have  an enough energy,” nag-aalalang aniya.

“Ayaw kong kumain,” walang ganang tugon ng dalaga, kaya nalungkot si Wyatt.

“Pero kailangan mong kumain. Pinababayaan mo ang sarili mo. Sa tingin mo matutuwa si Inay sa nakikita niya?” mahinahong sambit niya.

“Huwag mo ngang ipasok si Inay sa usapan.” With that Aloha stood up then went to her room, living him with a sad face.

Wala siyang nagawa kung hindi ang sundan na lamang ito. Nang maabutan niya ito roon, kaagad niyang napansin ang pagtaas-baba ng balikat ng dalaga na ang mukha ay nakasiksik sa unan. She was crying again. With a worried face, Wyatt walks went to Aloha’s direction. When he already at her bed, he sat at the space then he touches Aloha’s back. Hinimas-himas niya ang likod ng dalaga.

“Ilabas mo lang ‘yan, baby. Just tell me if you want to eat. I am willing to serve your food. Just don’t give me a cold treatment. Nasasaktan kasi ako. I knew that you’re hurting. I understand where you’re coming from, but please, huwag kang maging cold sa akin. Parang sinasakal kasi ako kapag binibigyan mo ako ng cold treatment.” He stopped his hand from rubbing her back then stood up. “Magpahinga ka muna. Ako muna magbabantay kay Inay,” he said then started to walk going out Aloha’s room.

Nang nasa tapat na siya ng kabaong ay umupo siya sa kaninang inupuan ni Aloha, para bantayan ang ina ng dalaga na nasa loob ng kabaong, walang buhay.



KAHIT NA inaantok na ang binata dahil sa kulang-kulang din ang tulog niya dahil binabantayan niya ang dalaga. Nagugulat siya kapag nalalaglag ang ulo niya nakapatong sa likuran ng upuan, nakakaidlip kasi siya. Kaya naman tumayo siya at saka naglakad papunta sa kusina para tumimpla ng kape. Hinihilot niya ang kaniyang sintido nang sumakit ito, habang naglalakad siya patungo sa kusina.

Nang nasa kusina na siya ay kaagad siyang kumuha ng tasa saka lumapit sa lamesa kung saan naroon ang kape at asukal. May tambak din doon ng iba’t-ibang pagkain tulad ng mga biscuits at tinapay na ibinibigay sa mga nakikiramay. Gusto niya lamang ay ang mag-kape, iyon lang. Para mawala o mabawasan man lang ang antok na kaniyang nararamdaman. Nang sa gayun ay hindi siya makaidlip habang nagbabantay.

NANG MATAPOS siyang magtimpla ng kaniyang kape ay binibit niya ang tasa papunta ulit sa upuan sa tabi ng kabaong habang dahan-dahang sumimsim ng kape nang matapos niyang ihipan iyon. Naging tuloy-tuloy ang pagsimsim niya sa kaniyang kape na matapang. Kaunti lang ang nilagay niyang asukal kaya lasang-lasa ang pait ng kape, pero wala iyon sa kaniya kasi ganoong lasa ng kape ang talagang gustong-gusto niya.

Lunatic Series 1: WYATT JAMES LACSONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon