KABANATA 22

3.4K 92 0
                                    

KANIYA-KANIYA ang pinagkakaabalahan ng mga bisita ni Aloha. Sina Alexander, Travis, Henry at si Wyatt ay naglalaro ng posoy-dos. Samantalang sina Cassandra at Marry Jarenz ay nakisali sa mga naglalaro ng Bingo, pati si Lany ay nakisali rin. Gusto niya din sana ang makisali kaso naalala niyang magbabantay pa pala siya.

Rinig na rinig niya ang hiyawan ng mga kalalakihan na naglalaro ng posoy-dos. At saka ang ingay na nagmumula sa bagay na ginagamit sa pagkalog ng mga bilog at may number sa Bingo.

“Talo ka na naman, Lacson!” sigaw ni Travis saka nagpakawala nang naka-aasar na tawa.

“Huwag ka nang sumali, Bud. Ilan na ba ang naipapatalo mo? Ten thousand na ba? Marami ka pang kakaining bigas para matalo kami.” Gatong din ni Alexander saka humalakhak, dahilan para mapatingin ang mga taong naroon. “Sorry,” aniya pa nang mapansin ng binata ang mga matang nakatingin sa kaniya saka alanganing ngumiti.

“Kung ako sa ‘yo, Lacson, ibigay mo na lang sa amin ang pera mo. Kaysa nagpapagod ka pa riyan, palagi ka namang talo,” nakataas ang sulok ng labi na sabi naman ni Henry, saka lumingon kung nasaan si Marry Jarenz. Nang magtama ang mata nila, Henry winked at her dahilan para mamula ang pisngi ng dalaga saka ibinaling ang tingin sa kaniyang card sa bingo.

NAPAPAILING na lamang si Aloha sa kaniyang napagmamasdan saka ngingiti. Nang makaramdam siya ng uhaw, tumayo siya saka naglakad papunta sa kusina para uminom. Dahil sa pasado alas onse na rin ng gabi at malapit nang mag hating-gabi ay napag-isipan niya na ring magtimpla ng kape para sa kaniyang mga bisita. Pero bago iyon, uminom muna siya saka pagkatapos ay bumalik sa sala. Doon niya nakita na nakabantay na si Wyatt na nandidilim ang mukha at ang kilay ay malapit nang magtagpo.

“Bakit ganiyan ang itsura mo?” nakakunot ang noong tanong niya sa binata.

“Naubos ang hawak kong cash. Halimaw pala sa sugal ang tatlong iyon,” sagot ni Wyatt saka tumayo palapit sa kaniya.

“Ilan ba?”

“One hundred thousand pesos. Pinaghati-hatian nila. Tingin ko dinaya nila akong tatlo.”

Dahil sa naging sagot ni Wyatt, lumaki ang mga mata ni Aloha at laglag ang pangang tumingin siya sa binata para sipatin ang mukha kung nagsasabi ito nang totoo.

“Seryoso? One hundred thousand pesos?” hindi makapaniwalang tanong niya sa binata.

“Yeah. Do I look like I’m kidding you, baby?” naniningkit ang mata na  usal ng binata.

“Iba talaga ang mayayaman. Kung makapagwaldas ng pera, parang tinatae lang nila,” aniya saka umiling, “Next time, huwag ka nang makipaglaro. Ibigay mo na sa kanila para hindi ka na mapagod pa.” Dagdag pa niya.

“Baby naman. Edi wala na ‘yong enjoyment. It’s okay if I lose the game, the impotant is I enjoyed the game. Marami pa naman akong pera. Every week my dumarating na Ten Million sa back account ko. Tina-transfer ng tito ko na naghahandle ng company nang namayapa kong ama na nakatayo sa US. So don’t worry about my money, baby. Marami pa ako. I already save some for our wedding and for our future children,” he said then smiled at her.

“Masyado ka talagang advance mag-isip, mister. Hindi pa nga tayo, kasal at anak na kaagad ang nasa isip mo,” pagalit na sabi ng dalaga saka tinaasan ng kilay ang binata.

“Doon din naman ang punta natin, baby.”

“Eh kung hindi kita sagutin, huh?!” Kunwari ay galit ang dalaga.

“Edi mapipilitan akong kainin ka nang paulit-ulit,” may kurba sa labi na saad ng binata.

“A-Ang bunganga mo, lalaki.  ‘Pag may nakarinig sa ‘yo, sasamain ka sa ‘kin!” singhal ni Aloha.

“Ang bunganga ko ay bunganga pa rin na naghihintay   na lapatan ng bunganga mo, mahal ko.” Ngumisi na naman ang binata sa kaniya.

“Anong konek?” Umiwas siya ng tingin sa binata dahil sa nagsisimula na naman siyang pumulahan ng mukha.

“Kapag naipasok kong muli ang aking jumbo hotdog sa masikip mong lagusan, doon ang konek.” Wyatt playfully stared into Aloha who has a tomato like face.

“Ay ewan. Tulungan mo na lang ako na bilangin kung ilan ang bisita para hindi kumulang at sumobra ang kapeng titiplahin ko. Kung gusto mo tulungan mo na rin akong magtimpla. Para naman may magawa kang matino. Hindi iyong puro kahalayan ang lumalabas diyan sa bibig mo. Malala na ang kabaliwan mo.” Pagkatapos magsalita ng dalaga ay nagmartsa na ito papunta sa labas ng bahay para bilangin na ang kanilang bisita. Including Wyatt’s friend, Henry and the two girls.

NANG MATAPOS sila sa pagbibilang ay kaagad nilang tinawag si Lany para bantayan muna ang nakaburol niyang Ina na kaagad naman nitong sinang-ayunan. Kaya naman ay naglakad na silang dalawa sa kusina para magsimula nang tumimpla ng kape.

Habang nagtitimpla silang dalawa ay biglang tumikhim ang binata saka nagsalita, “Sorry sa inasal ko kanina. Inatake na naman ako ng kabaliwan at kahalayan. Ganito na talaga ako eh. And I have no plan of changing it. I want you to often see me like this. I don’t care kung pangit tingnan sa isang tigasing lalaking tulad ko ang personalidad na ganito. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng mga taong makikita at nakakakita sa akin. Ito ako eh.  This is who I am. I won’t change it,” he said while stirring the last coffee he made.

“Ayos lang naman iyon sa ‘kin.  Bawasan mo lang ang pagiging mahalay kapag may makakakita sa atin,” sambit ni Aloha saka isa-isa nang nilalagay ang kape na kaniyang tinimpla sa isang malaking tray. Ganoon din ang ginawa ni Wyatt.

“Sure, baby. Starting today, kapag tayong dalawa na lang kita lalandiin at paiiralan ng aking kahalayan.” He winked at her.

Patagong ngumiti ang dalaga dahil sa tinuran ng binata. Gusto niyang nilalandi siya nito, pero ayaw niya kapag nasa public dahil nahihiya siya at ayaw niyang ma-issue. Mayaman ang manliligaw niya. Ayaw niyang makatanggap ng mga salita na hindi niya gusto. Lalong-lalo na ang tawagin siyang gold-digger. Dahil sa una palang ay ang lalaki na ang naghanap sa kaniya. Hindi niya nga inaasahan na hahanapin siya nito dahil sa naiwan niyang panty sa kuwarto ng binata.

“Tara na dalhin na natin itong kape sa kanila,” ani Aloha saka binuhat na ang tray na naglalaman ng bagong timplang kape para sa kanilang mga bisita.

“Let’s go!” tugon naman ng binata saka binuhat niya na rin ang tray na may laman din ng kaniyang tinimplang kape.

Naunang lumabas si Aloha sa kusina na sinundan naman ng binata.

Lunatic Series 1: WYATT JAMES LACSONWhere stories live. Discover now