CHAPTER 2

6.9K 275 34
                                    

Ma'am Romualdes niyo nasa itaas ;)
_

Wala akong choice kung hindi dalhin si Ma'am Romualdes sa condo ko tutal ako lang naman mag isa ang nakatira roon.

Tinignan ko si Ma'am Romualdes na ngayon ay mahimbing na natutulog sa passenger's seat, napaka amo ng mukha kung matulog parang anghel pero kung mag sungit parang pinag sakluban ng langit at lupa.

Hindi naman kalayuan ang condo ko kaya agad kami nakarating, binuhat ko si Ma'am Romualdes dahil nakakahiya naman kung gigisingin ko pa siya at baka sungitan lang ako.

Hindi naman siya ganon ka bigat, kayang kaya ko pa rin buhatin kahit na mas mas matangkad siya sa'kin.

Inihiga ko siya sa kwarto ko at kumuha ng damit na pwede niya maisuot, amoy na amoy ang alak sa kanya.

"Love." halos lumabas ang puso ko sa sobrang gulat nang marinig ko siyang mag salita, nakahiga parin siya sa kama habang nakapikit at mukhang nananaginip.

"Ma'am mag palit muna po kayo ng damit." sabi ko at mahinang tinapik ang pisngi niya, siya naman ay dahan dahang nag mulat ng mata.

"You came back." mahinang sambit niya at inabot ang pisngi ko, nananaginip pa ata itong si Ma'am at kung ano anong sinasabi.

Hindi ko naman siya pinansin at kinuha ang basang towel at pinunasan ang mukha niya na namumula dala ng alak, hindi naman natanggal ang tingin ng mapupungay niyang mga mata sa'kin.

"Why are you ignoring me huh?" sabi niya at hinawakan ang mag kabila kong pisngi sabay hatak sakin palapit sa kanya, para tuloy may dumaloy na kuryente sa katawan ko. Mag kalapit na ang mukha namin at ramdam na ramdam ko ang bilis ng pag tibok ng puso ko.

Itutulak ko na sana pahiga si Ma'am Romualdes nang bigla naman niya akong hatakin at halikan, para akong na istatwa sa pwesto ko at hindi alam ang gagawin. Naramdaman ko nalang ang pag bagsak ng mga kamay niya sa balikat ko.

"M-Ma'am?"nauutal tawag ko sa kanya ngunit pag katingin ko ay mahimbing na siyang natutulog.

'What the fck was that?' Tanong ko sa sarili ko.

_

Hindi ko alam kung tulog ba ang nagawa ko dahil halos hindi ako dalawin ng antok dahil sa nangyari kagabi.

Nag luluto ako ng chicken soup dahil panigurado na may hangover si Ma'am Romualdes.

Sa living room ako nag stay kagabi dahil baka managinip nanaman siya at nakawan ako nang halik.

Tsk.

Bigla naman tumunog ang doorbell at pag ka bukas ko ng pinto ay pag mumukha agad ni Daphne ang bumungad sa'kin.

"Hoy babae, sa'n ka naman nag susuot kagabi at bigla kang nawala?!" sigaw niya sa mukha ko, nakalimutan ko nga pala silang sabihan kagabi.

"Ah eh kagabi kasi nakita ko-" Hindi ko naman naituloy sasabihin ko dahil sa biglang pag sigaw ni Athena.

"Ohmyghadddd." na patingin naman ako kay Athena na naka tingin sa pinto ng kwarto ko kung saan nakatayo ngayon si Ma'am Romualdes.

"Manahimik ka nga Tin-tin napaka o.a niyang bunganga mo, dito ko dinala si Miss kagabi dahil nakita ko siya sa Forth Avenue ginugulo ng lalaki." sabi ko sa kanya. tsk. napaka ingay talaga.

"Ma'am kumain na muna po kayo, nag luto po ako ng chicken soup para sa hangover mo." baling ko kay Ma'am Romualdes at tinanguan lang ako na ngayon ay suot ang pajama na ipinalit ko sa suot niya kagabi.

Paniguradong hindi niya naaalala kababalaghan niya kagabi.

"Pahingi rin ako babe ha, may hangover din ako eh hehe" sabi naman ng patay gutom na si Daphne.

"Phoebe samahan niyo na muna mag breakfast si Ma'am Romualdes at maliligo na muna ako." baling ko kay Phoebe na nakaupo sa sofa kasama si Anthea.

_

Pagkatapos ko maligo ay hindi ko na nadatnan si Ma'am Romualdes sa living room dahil maaga pa raw siyang pupunta sa office niya dahil may aasikasuhin.

"Selene mag kasama kayo ni Ma'am Romualdes sa room mo?" tanong ni Anthea.

"Hindi dito ako sa sofa natulog kagabi." sabi ko naman sa kanya, hayst kung alam niyo lang.

"Hindi ako naniniwalang tulog lang." maloko at nakangising sabi ni Daphne.

"Sira ulo ka ano nanaman ba iniisip mo?" asik ko sa kanya, napaka dumi talaga ng utak ng babae na 'to.

"Gaga ano ba iniisip mo? Ang ibig ko sabihin ay mukhang hindi ka naman nakatulog at putok na putok 'yang eyebags mo." pambawi naman nito.

"Bakit may iba paba kayong ginawa at parang napaka defensive mo?" tanong ni Athena habang binibigyan ako ng nakakalokong ngiti, napa iling nalang ako at hindi na pinansin yung tanong niya.

"Bet mo ba si Ma'am Romualdes ha babe?" tanong si Phoebe.

"ha?! Straight ako dUh! Tara na nga ang dami niyong knowledge." pag susungit ko sa kanila, sa dami nila pwede isipin ganon pa talaga.

"Hindi mo sure beh." singit naman ni Anthea, ata aba umiisa na rin siya ngayon ha.

"Wag mo na i deny babe, ready naman kita ipaubaya basta kay Ma'am Romualdes." Sabi naman ni Daphne habang nag taas baba ng kilay.

"Mga abnoy talaga kayo, baka may boyfriend na 'yon ano-ano pa sinasabi niyo." naalala ko tuloy yung kasama niyang lalaki sa parking lot, hindi naman sa pagiging chismosa pero parang ganon na nga. Ano kaya pinag uusapan nila at para silang nag aaway?

"Aysus walang boyfriend 'yan, kung meron man mag hihiwalay din 'yan!" sigaw ni Phoebe.

"Kung may Boyfriend man ayos lang 'yan! Kasi wala naman siyang Girlfriend so pwede pa." malokong sabi ni Daphne.

"Wow ha ano ka? desisyonavility ang ferson." sabat ko sa kanya na ikinatawa naman nila.

Mga abnoy talaga.

Chasing Nothing [COMPLETED] Where stories live. Discover now