CHAPTER 26

4.7K 192 28
                                    

Nandito ako ngayon sa bahay na naiwan sa'kin simula nang mamatay si Mommy at Ate at iwan ako ni Daddy.

Napag pasyahan ko na rito na muna manatili lalo na at bakasyon na rin naman na namin.

I'm with my cousin Faye, she's staying with me here lalo na at malapit lang din ang bahay nila rito. Sumama na rin pala si Phoebe at yung tatlo dahil baka daw barilin ko sarili ko, mga abnoy.

"Guys! Inom na tayo nandito na yung alak" sabi ni Daphne at ipinakita ang mga bote ng alak na dala nila.

"Ilang araw na tayong umiinom, baka naman masira atay natin niyan" baling ko sakaniya.

"Ayos lang 'yon babes, at least pati sa pag ka sira ng atay same vibes pa rin tayong lahat"

"Alright, dito na kayo, let's take a picture muna at ngayon ko lang ulit kayo nakita" sabi ni Faye.

"Nice shot, pretty as always. I po post ko 'to ha, i ta tag ko kayong lahat" sabi niya habang kinakalikot ang cellphone, tumunog naman cellphone ko at nakita ang notification na naka tag ako sa post niya.

'With my lovely one❤️' ang caption sa picture naming dalawa.

Nag simula na kaming uminom habang nag ku kwentuhan, naka rami ako agad dahil panay ang pasa nila sa'kin ng baso. Mga mandurugas!

"Hoy flip top tayo!" sigaw ni Phoebe.

"Bet, sige simulan mo Phoebe-lat" sagot naman ni Daphne.

"Nakita ko nanay mo kumakain ng rebisco! Sinapak ko sabi niya ang sarap ng feeling ko" pag sisimula ni Phoebe.

"POTANGINA MO DINAMAY MO PA NANAY KO PAG KATAPOS MONG UBUSIN YUNG LUTO NIYA" hagalpak ni Daphne.

"Ako meron ako!" Sabi ni Faye.

"Gorabels mo" sabi sakaniya ni Daphne.

"Short mo gold, ngipin mo gold. Sumbong kita sa teacher mo sa classroom nanonood ka ng bold! EYYYY!" sigaw ni Faye.

"HWJAHAHAHAHAHA woah shet pwede pwede" palakpak ni Phoebe at nakipag apir pa talaga kay Faye.

"Halaaa bakit naman manonood ng bold? Pwede naman kita pakitaan ng live HAHWUAHAHAH"

"Potangina mo Daphne HAHAJAJWUAJAH" hagalpak ko at sinapok siya.

"Me, me, me! May entry akooo" sigaw naman ni Athena.

"Push mo yan, beh" sabi ni Faye.

"Flip top ka ng flip top! Wala ka namang laptop, halika dito laplapin kita nonstop! Boom, break it down yow!" sira ulong 'to.

"HAHAHAHAHA ponyeta ka laplapan pala gusto mo" halos mamatay na sa kakatawang sabi ni Faye.

"Ikaw naman Thea, may entry ka?" baling ni Phoebe kay Anthea na busy sa kapupunas ng luha niya dahil sa kakatawa.

"Chat mo si mommy marami flip top 'yon" sagot naman niya.

"HAHAHAHA gaga ka damay mo pa talaga si tita, ako sige meron ako" baling ko sakanila.

"Go doggie bark bark" sira ulong Phoebe.

"Roses are red, Violet is not blue you dumb ass. I have 5 fingers in my hand and the 2 is for you!" sigaw ko.

Ay flip top ba 'yon? Parang ang manyak lang din pakinggan e. Bahala na.

"Potangina ka! HWUAHAHAHAH" potangina ka rin Phoebe.

"Beeeet, akin na 2 fingers mo add to cart ko na" sira ulong Daphne.

"Ang du duga niyo ha! Ba't ako nanaman? Nilalasing niyo ako agad eh, pano ko ma e enjoy?" pag re reklamo ko dahil sa'kin nanaman inabot ang baso.

"Duh! Syempre mas kailangan mo" mataray na baling sa'kin ni Athena.

"Broken ka doggie so iinom mo lang 'yan tapos sukahan mo ulit si Daphne" sabi ni Phoebe at nagpakawala nang napaka lakas na tawa.

"Hala hala anong broken ka dyan? Ano ganap, Selene? Hindi ba hindi ka pa naman pumasok sa relationship?" nag tatakang singit ni Faye.

"Oh, well your cousin—" tinakpan ko naman ang bibig ni Anthea.

"Hoy! Ayaw mo mag sabi ha, para kang others dyan" pag mamaktol ni Faye.

"Oo na eto na sige na"

Ikinuwento ko naman sakaniya lahat, syempre hindi kasama yung nangyari sa tagaytay. At ayan siya laglag ang panga ni girl.

"HALA KABIT"

Potangina.

"Tangina, gusto mo basagin ko sa ulo mo itong bote?" sabi ko habang itinatapat sa mukha niya yung bote ng alak.

"Chill mo lang ito naman, so siya rin yung ex girlfriend ni Ate Col?" tanong niya at tinanguan ko naman siya.

"Hala, shet grabi naman pala at tirador ng mag kapatid si Ma'am mo" hagikgik niya.

"Pero grabi siya ha, bakit ka naman niya pinatulan kung may asawa siya tapos aware naman siya na kapatid ka ni Ate Col? Tapos mahal niya pa? Ang complicated naman niya"

"Mas magulo pa siya sa bulbol ko" singit ni Phoebe.

"Yuck!" sabay sabay naman nila.

"Malay ko ba ano trip niya" sabi ko at ininom nalang ang laman ng baso ko.

"Ito namang mga abnoy na 'to alam naman pala nila na ex siya ni ate hindi man lang sinabi sa'kin" turo ko sa mga kaibigan ko.

Nalaman ko na aware sila na ex siya ni Ate Col, noong araw na nagkabungguan sila ni Daphne ay kinausap din sila agad ni Ma'am Romualdes.

"So nasaan na si Ma'am mo? Hindi ka man lang ba kinausap ulit?"

"Hindi na, simula ng nangyari sa cemetery hindi ko na siya nakita"

"Sabi sa'kin ni Nat umalis daw ata siya ng bansa eh" singit naman ni Athena.

Hindi ko naman na pala kailangang lumayo, dahil siya rin ang kusang lumalayo.

Chasing Nothing [COMPLETED] Where stories live. Discover now