SPECIAL CHAPTER - Positive

4.4K 171 65
                                    

Selene Vienn Velasquez-Hermenez

"Congratulations, Mrs. Hermenez. You're 7 weeks pregnant" sabi sa'kin ni Doctor Castillio at iniabot sa'kin ang ultrasound ko.

"Panigurado ako na matutuwa ang asawa mo lalo na at napaka lakas ng kapit ni baby" baling niya ulit sa'kin habang ako ay prinoproseso pa kung ano ang sinabi niya.

"I-I'm pregnant?" gulat na tanong ko sakaniya na halos maiyak na, kung ganon the IVF was successful!

"Yes, Mrs. Hermenez. That's why you should be more careful lalo na at may dinadala kang bata dyan sa sinapupunan mo" He explained.

Si Clio ay busy sa work kaya hindi ko alam kung anong oras nanaman siya makakauwi lalo na at siya na rin ang nag ma manage ng isa nilang business habang patuloy pa rin siya sa pag tuturo.

Habang naka higa sa sofa ay tinawagan ko ang mga kaibigan ko para sabihan sila sa balitang natanggap ko.

"Oh, ba't napa tawag ka doggie?" bungad ni Phoebe.

"Pustahan wala pa asawa niyan kaya nambubulabog" sabi ni Nat kaya inikutan ko siya ng mata.

"Ba't parang blooming ka today girl? Nadiligan ka?" tangina ni Daphne.

"Tanga! Busy si Ma'am Clio paano 'yan madidiligan" gatong naman na sabi ni Athena.

"Baka naman buntis" lakas talaga manghula ni Anthea.

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa kaya itinapat ko sa camera ang ultrasound kasama ng pregnancy test.

"Ohmyghaddddd preggy na si Viennyyyy" tili ni Athena.

"Hoyyy dapat ako kamukha niyan haaaa" sigaw ni Daphne.

"Gaga! Ikaw mag bubuntis? 9 months niyang dadalhin yung bata sa sinapupunan niya tapos kamukha mo lang? Tangina ha, maawa ka naman sa bata" pambabara ni Phoebe sakaniya.

"I'll be a rich and single ninang na! Congratulations, Selene" sabi ni Anthea.

"May problem ih" sambit ko naman sakanila at ngumuso.

"Ano? Don't tell me kabag lang yan?" tanga naman netong Phoebe-lat na'to.

"Tangina mo Phoebe sagad! HAHAHAHA" hagalpak ni Nat sakaniya.

"Ganito kasiii, hindi ko alam paano sasabihin kay Clio, kinakabahan pa naman ako"

"Isampal mo sakaniya yung pregnancy test" sira ulong Phoebe.

"Ikaw kaya sampalin ko?"

"Ganyan ba talaga pag buntis? Sumusungit kana haaaaa tusukin ko tyan mo eh"

"Gaga ka Phoebe baka pakainin ka ng granada ni Ma'am Clio" bulyaw sakaniya ni Anthea kaya nag peace sign si tanga.

Ibinaba ko na ang tawag at hinintay maka uwi si Clio habag naka higa sa sofa na nasa living room.

Nagising nalang ako dahil sa naririnig kong umiiyak sa tabi ko kasabay ng pag ka laglag ng kung anong gamit sa sahig.

"L-love" kinakabahang tawag ko sakaniya, she's holding the ultrasound kasama nung pregnancy test na ipinatong ko sa table kanina.

"Y-You're pregnant?" umiiyak na tanong niya at nag aalangan akong tumango.

Agad naman niya akong niyakap at hinalikan sa noo.

"Hindi ka galit?" kinakabahang tanong ko sakaniya.

"Why would I? Of course I'm not! I'm happy nga eh, we're having a baby na" sabi niya at hinaplos ang tyan ko na wala pa namang kalakihan.

"You should stop working muna ha" sabi niya at pinaupo ako.

"But—"

"No buts, missy, kung pwede nga lang ay hindi na kita pagagalawin para lang mas maging safe ka at si baby" seryosong sabi niya.

"Alright, so bossy as always" sabi ko habang umiiling.

"I love you, mahal" nag lalambing naman siya ngayon, che!

"I love you too!" masungit na sabi ko sakaniya.

Bigla naman ako napa isip.

'What should we name our baby?'

Chasing Nothing [COMPLETED] Where stories live. Discover now