CHAPTER 7

5.2K 253 37
                                    

Napag pasyahan namin na pumunta sa mall ngayon para makapag hanap ng maisusuot sa party. tutal half day lang kami ngayon isinama na din namin si Grace.

"Guys may tanong ako, may nakita kasi akong bata kaso spokening dollars." sabi ni Phoebe.

"Bakit? Napano yung bata?" tanong ni Daphne sa kanya.

"Eh kasi ang kulit kulit niya, gusto ko sana sabihin sa kaniya na ang batang makulit pinapalo dapat sa pwet. Kaso hindi naman ako marunong mag English kaya hinayaan ko nalang." mahabang sabi ni Phoebe.

"Ay tanga, English nalang hindi mo pa alam." pambabara naman ni Daphne sa kaniya. lagi nalang nag ba- bardagulan dalawa na 'to hindi na nag sawa.

"Aba bakit ikaw alam mo?" pag hahamon ni Phoebe.

"Oo! Ganito yan listen and learn, tanga. The kid who is moving will get slap in the butt!" tangang sabi ni Daphne na ikinatawa naman namin.

"WHAHAHAHA tangina mas bobo ka naman pala sa'kin, haypka" sabi ni Phoebe sa kaniya.

"Balik kita kinder Daphne." natatawang sabi ni Grace sa kaniya.

"Stupid, Daphne." iiling-iling na sabi ni Athena sa tabi ng kambal niya.

"Maka stupid ka dyan bakit alam mo?!" rebut ni Daphne sakaniya.

"Easy! Makinig ka nang maigi. A child that is naughty spank me, daddy!" sigaw ni Athena kaya nakatanggap siya nang sapok sa kambal niya.

"Watch your mouth, Athena!" pangangaral ni Anthea sa kambal.

"HAHAHAHA potangina pwede na 'yon kesa sa sinabi ni Daphne" pag sang ayon ko naman sa kaniya habang si Grace ay iiling-iling nalang sa tabi ko.

_

Nandito kami ngayon sa isang boutique para mag hanap ng pwede masuot na dress para sa party.

Ang sabi kasi required ang dress for the ladies, para tuloy kaming a attend ng prom.

"Hey, Selene look oh! Pwede sayo 'to" tawag sa' kin ni Athena.

Itinuro niya ang isang Halter Black dress split off shoulder, maganda naman pero hindi naman kasi ako mahilig mag suot ng ganon.

"Gaga hindi niya susuotin 'yan, napaka conversative kaya ni babe" natatawang sabi ni Daphne.

"Tanga anong conversative? Conservative 'yon bobo!" sabi sa kaniya ni Phoebe.

"Ay hindi ba quantitative?" singit naman ni Grace, sarkasisim ba yon? Or exorcism.

"Manahimik na nga kayo dyan, pumili na kayo ng susuotin niyo para matapos na tayo dito" pag babawal naman ni Anthea sa kanila ayan nanahimik tuloy.

_

It's Friday night at nandito na kami sa soccer field kung saan gaganapin ang event, may malaking stage sa gitna na may banda. naka design ang buong soccer field, talagang pinag handaan nila.

I'm wearing my black bubble sleeve dress na ipinasuot sa'kin ni Anthea kanina sa condo.

"Selene! Omg you're stunning lalo tuloy ako na fa-fall sa'yo." salubong sa'kin ni Grace, She's wearing a red cocktail dress with light make up.

"You're so gorgeous, Grace. halatang binobola mo lang ako" sabi ko naman sa kaniya pagkaupo ko sa tabi niya.

"Hoy mga gaga kadarating lang natin umiinom na agad kayo!" suway ni Phoebe kay Daphne at Athena na ngayon ay may bitbit na liquor.

"Oh come on Phoebe, we're here to party! H'wag ka kj dyan at baka halikan kita" sabi ni Athena sakaniya.

"Are you going to dance later?" tanong naman ni Anthea, sabi kasi ng emcee sa stage kanina ay pagkatapos kumain ay may magaganap na sayawan.

"Ay oo nga pala. Selene, partner tayo later ha? Ako mag sasayaw sa'yo" ayaw ko sumayaw pero dahil makulit siya eh papayag na ako.

Nagpaalam ako sandali na kukuha ng maiinom. babalik na sana ako sa table namin nang biglang mag salita yung emcee.

"Ready to dance everyone? Hilain niyo na mga partners niyo and explore the dance floor!" agad  naman nag kalat ang mga tao sa gitna kasama ang mga partners nila.

"Selene tara na!" tawag ni Grace na nasa kabilang part ng dance floor, lalapitan ko na sana siya nang biglang may humigit sa'kin.

Now playing Until I Found You by Stephen Sanchez

Georgia, wrap me up in all your
I want you in my arms
Oh, let me hold you
I'll never let you go again like I did
Oh, I used to say

She wrapped her arms around may waist and sway with the rhythm.

She's wearing a black bodycon off shoulder dress, with her make up matching her natural red lips.

I would never fall in love again until I found her
I said, "I would never fall unless it's you I fall into"
I was lost within the darkness, but then I found her
I found you

"You look so beautiful tonight, Selene" napaka lambing ng boses niya, nagwala tuloy mga paro-paro sa sikmura ko.

I'm speechless hindi ko inaasahan na ma ka ka encounter ko siya ngayong gabi sa sobrang dami ng tao.

Georgia pulled me in, I asked to
Love her once again
You fell, I caught you
I'll never let you go again like I did
Oh, I used to say

Nakatingin lang ako sa mga mata niya na malalim na nakatingin sa'kin, nangungusap ang kanyang mga mata punong-puno ng emosyon na hindi ko maintindihan.

I would never fall in love again until I found her
I said, "I would never fall unless it's you I fall into"
I was lost within the darkness, but then I found her
I found you

Nagulat ako nang biglang may pumatak na luha galing sa mga mata niya na agad naman niyang pinunasan.

I would never fall in love again until I found her
I said, "I would never fall unless it's you I fall into"
I was lost within the darkness, but then I found her
I found you

Natapos ang kanta at hindi man lang niya ako binitawan, hindi parin nawawala mga tingin niya sa'kin.

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong halikan. her soft lips are now touching mine.

Hindi ako maka galaw gulong-gulo ako sa nangyayari, para akong na estatwa sa posisyon ko.

"I-I'm sorry" sabi niya habang pinupunasan ang mga luha na ngayon ay walang tigil kung mahulog galing sa mga mata niya.

"Ma'am Romualdes-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil may tumawag sa'kin na agad ko naman nilingon.

Pagkatingin ko ulit sa pwesto ni Ma'am Romualdes wala na siya, susubukan ko pa sana siyang habulin pero hinahanap na ako nila Daphne.

What the fck?


Chasing Nothing [COMPLETED] Where stories live. Discover now