CHAPTER 12

4.8K 234 13
                                    

Busy ako sa pag buo nitong lambo ko, habang itong isa titig na titig sa'kin, nakakailang.

"Clio, alam ko naman po na maganda ako pero 'wag niyo naman po ako masyado titigan at baka matunaw ako" sabi ko habang naka nguso.

"I can't help it, you're too serious. You look cute" sabi niya.

"Ay, ok po titigan mo lang ako, hinay hinay ka lang baka ma-fall ka sa charm ko" sabay kindat sa kaniya.

"You're too full of yourself there, missy." sagot niya at nagpakalawa ng mahinhin na tawa.

Ang sarap talaga sa tenga ng mga tawa ni Ma'am Romualdes parang musika sa tenga.

"Let me help you with that, I'm bored" pag pre presinta niya.

Itinuro ko naman sa kanya ang mga gagawin na madali naman niyang nakuha, look who's serious now.

Magkasalubong ang kilay niya habang seryosong inaaral ang guide na nasa booklet.

"It looks so complicated, sigurado ba sila na para sa mga toddler 'to"

"I know right, it looks so complicated" sabi ko habang naka tingin sakaniya.

"Pero kahit gaano pa ka komplikado susubukan at susubukan ko pa rin naman na intindihin dahil 'yon ang gusto ko" pagtukoy ko sa nararamdaman ko.

Bago lang sa' kin ang ganito, ni hindi ko nga expect na mag kakagusto ako sa kapwa ko babae tapos sa Professor ko pa.

"I'm talking about the lego, missy. not me" sabi niya habang umiiling.

"Oh why? Are you complicated din ba? HAHAHA don't worry kung ganon willing ako intindihin pagiging selosa mo" pabirong sabi ko sa kaniya.

Now i realized, she didn't even rejected me. ngayon na alam na niya ang nararamdaman ko or lowkey rejected na ako hindi ko lang alam? Ay ewan ko bahala na siya.

Habang inaayos ko mga parts na kailangan ko ay naramdmana ko na may nakatingin sa 'kin, pagkabaling ko kay Ma'am Romualdes ay nakita ko na nakatingin siya sa labi ko habang napapalunok.

"C-can i kiss you?" tanong niya habang unti-unting lumalapit sa' kin.

Aktong maglalapit na ang mga labi namin ng biglang tumunog ang doorbell.

"A-ako na po" sabi ko at nag tungo sa pinto.

'Potangina, kung sino man 'to siguraduhin niya na importante ang ipinunta niya dito' nanggigigil na sabi ko sa sarili.

"Dito po ba nakatira si Ma'am Selene? May package po kayo galing kay Miss Grace Ventura" bungad sa' kin ni kuyang delivery guy.

"Thank you, you can go now" halos manindig ang balahibo ko sa lamig ng boses ni Ma'am Romualdes sa likod ko.

"What's that?" tanong niya pagkabalik namin sa living room.

"Mga sweets galing kay Grace, alam niya siguro na mahilig ako sa candy" sabi ko at inilapag sa center table ang paper bag.

Kinuha ko naman ang cellphone ko para pasalamatan si Grace sa pinadala niya.

"Tsk, i can buy you a candy factory if you want" mahinang pag mamaktol niya sa tabi ko.

"Ano po 'yon? May sinasabi ka Clio?" pag papatay malisya ko.

"Wala! Sabi ko mabungal ka sana" sabi niya at pumasok sa kwarto.

Susundan ko pa sana siya sa loob ng kwarto kaso padabog naman niyang isinara yung pinto.

'Ano nanaman problema non? Kanina lang may pa "can i kiss you?" pa na nalalaman' bipolar ata si Ma'am Romualdes eh.

Chasing Nothing [COMPLETED] Where stories live. Discover now