CHAPTER 16

4.9K 209 31
                                    

Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang maka-uwi kami ni Ma'am Romualdes galing sa tagaytay, tuwing klase niya sa'min ay laging may nakaw tingin na nangyayari.

Hindi ko pa rin naitatanong sakaniya kung ano ba kami, at kung ano sakaniya ang nangyari sa'min noon sa tagaytay.

Natatakot din ako sa magiging sagot niya, what if wala lang 'yon sakaniya?

Nandito ako ngayon sa gym nag papahinga sa bleachers, kakatapos lang kasi namin mag training.

Less than a month nalang din ang meron para sa intrams,'yung performance naman na sinasabi nila Ma'am Dion ay wala na akong nagawa dahil ako na ang naka sign up para sa department namin. Mag sisimula na rin ang practice namin para sa performance simula next week.

"Selene, dinner tayo sa labas? My treat" sabi ni Grace.

"Sige, mag bibihis lang ako sandali" pag payag ko naman, pambawi ko na rin sakaniya dahil lagi kaming hindi natutuloy.

Pag ka punta namin sa parking lot ay laglag ang panga ko, paano ba naman kasi may sinakyan na isang Kawasaki Ninja H2R si Grace.

"Angas 'di ba ? Sakay kana." natatawang baling niya sa'kin, isinuot naman niya sa'kin ang isang helmet bago ako pina sakay sa likod niya.

"Hawak ka nang mabuti ha, baka ma hulog ka dyan. Payag lang ako na malaglag ka basta sa'kin ang bagsak mo. " pabirong sabi niya at iniyakap ang kamay ko sa bewang niya.

"Sira ka talaga, baka ikaw pa mahulog sa'kin." pambawi ko naman sakaniya.

"I already did." bulong niya.

Mag tatanong pa sana ako ng 'ha?' kaso bigla na niyang pina andar ang motor niya.

Pumunta kami sa isang Restaurant malapit sa University, pagkapasok ay may nakita akong isang familiar na tao.

"Oh, Hi, we met again, Selene" sabi ni Tito Wise at niyakap ako.

"Hello po, Tito Wise." pag bati ko sakaniya.

"Oh, you're with a friend pala, alright I have to go I have an important meeting in a minute." paalam niya at umalis na.

Naupo kami sa table at nag order na ng makakain namin.

"Close pala kayo ni Sir Wisely? Hindi ba siya 'yung nakita natin sa corridor?" tanong ni Grace habang kumakain.

"Yeah, that same day na nakita natin siya sa corridor nalaman ko rin na Daddy siya ni Ma'am Romualdes."

"Really? I heard na si Sir Wisely ang owner ng University."

"Ohhh now I see, isinunod pala sa pangalan niya yung name ng University." pag tango ko nang mapagtanto ang bagay na 'yon.

Nagpatuloy ang pag kw kwentuhan namin ni Grace nang biglang meron siyang itinuro sa likod ko.

"Uy, hindi ba si Ma'am Romualdes 'yon? Sino 'yung kasama niya? Jowabels niya siguro." nilingon ko naman kung saan siya nakaturo.

Si Ma'am Romualdes na may kasamang lalaki na naka hawak pa sa bewang niya tapos humalik pa sa pisngi niya, aktong lilingon siya sa direksyon ko ay hinarap ko na si Grace.

"Ay wait! Gaga, kasama niya isa sa mga stockholders ng NWU. Si Sir Jason Romualdes, ang gwapo talaga niya, kaano ano kaya niya si Ma'am?" napaka dami naman niyang baon na chismis.

Wait Romualdes? baka nag ka taon lang naman 'yon. Hindi ko pa kasi natatanong kay Ma'am Romualdes kung bakit hindi Hermenez ang gamit niyang apelyido. Hindi ko rin naman kasi alam kung paano itanong dahil alam ko naman na masyadong personal iyon.

Busy ako sa pag iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Ma'am Sungit❤️
Are you enjoying your dinner date with Miss Ventura?

Yes of course! I'm having a dinner not a DATE with a good FRIEND.

Naiinis ako at hindi ko na tinignan kung ang reply ba siya, wala naman din ako karapatan na mag selos kaya lalo ako naiinis.

Mag sama sila! Charot h'wag.

Pagkatapos namin kumain ay nag punta na kami sa parking lot para maka uwi na dahil pareho kaming pagod ni Grace sa training.

"Velasquez." malamig na tawag ng isang familiar na boses, hindi ko nalang siya pinansin dahil naiinis ako sakaniya.

"Selene Vienn Velasquez." mariing pag tawag muli nito, isinuot ko nalang ang helmet na ibinigay ni Grace. Aktong sasakay na sana ako nang hilain niya ako sa braso.

"I'm talking to you, Missy. stop ignoring me,that's disrespectful." sabi niya sa'kin at pinanlisikan ako ng mata.

"Ma'am Romualdes nandito ka rin pala." sabi ko na nag papatay malisya at pilit na tumawa.

"Uuwi na po kami ni Grace, para makapag pahinga na rin. Una na po kami" binawi ko ang kamay ko sakaniya at aktong sasakay na sa motorbike nang hilain nanaman niya ako.

Sakit ha!

"You're not going with Miss Ventura, I'm taking you home."

"Ma'am Romualdes, safe naman po sa'kin si Selene, ako na po mag hahatid sakaniya baka nag hihintay na po ang kasama niyo sa loob." sabi ni Grace at hinila ang isa kong kamay.

"Let go of her ,Miss Ventura. She's my student her safety is my responsibility. I'll take her home, mas ligtas pa kesa umangkas siya dyan sa motor mo." mariing sabi niya at mas hinila ang kamay ko.

"Ano ba!? Nasasaktan na po ako ha." binawi ko ang parehong kamay ko sakanila at inalis ang helmet na suot ko.

"Uuwi ako mag isa! Bahala kayo dyan, pagod na ako tapos mag aaway pa kayo." sabi ko at nag lakad palayo sakanila.

Sasakay na sana ako sa taxi nang biglang tumigil sa harap ko ang motorbike ni Grace.

"Halika na Selene ihahatid na kita, hayaan mo na si Ma'am Romualdes umalis na siya." sabi niya at ipinasuot sa'kin ang helmet, naiirita naman akong umangkas sakaniya.

"Pasensya na sa inasta ko kanina, ano ba nangyari sainyo at gano'n nalang mag react si Ma'am?" tanong naman niya habang nag mamaneho.

"Ewan ko doon lagi naman mainit ang ulo sa'kin ni Ma'am Romualdes." sabi ko sakaniya.

Sa totoo lang hindi ko na rin maintindihan ang inaasta ni Ma'am Romualdes, ayaw ko naman mag assume na may gusto rin siya sa'kin lalo na pagkatapos ng nangyari samin sa tagaytay.

Chasing Nothing [COMPLETED] Where stories live. Discover now