CHAPTER 13

5K 235 25
                                    

It's Friday night at nag aayos na ako ng mga dadalhin ko na damit para bukas ng umaga, ang sabi kasi ni Ma'am Romualdes ay susunduin niya ako nang maaga.

You set Clio Milles Hermenez nickname to Ma'am Sungit❤️

Ma'am Sungit❤️
What do you think your doing, missy? I'm not masungit, you're just annoying.

Naisip ko naman na pag tripan muna siya sandali dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok.

Hala Clio na hack po ng Lola Amour ang account ko!

Ang tagal naman mag reply neto maganda siguro topic sa kabila.

Ma'am Sungit❤️
What? I don't care, it's your problem.

Hmm, what if i told you that I've fallen?

Stop playing around kid, sleep kana maaga pa tayo bukas.

Hmp! Ok Goodnight, dream about me po hekhek ;)

I don't wanna die in my sleep, missy. Goodnight and sweet dreams.

_

Nandito na kami sa rest house ni Ma'am Romualdes sa tagaytay, pagkapasok ay isang malaking glass pool agad ang makikita mo.

Sa tabi nito ay ang isang Modern type na bahay kubo na sakto ang laki, agad naman kaming sinalubong ng isang matandang babae.

"Clio, nako at mabuti napa dalaw ka rito, iha. oh, abat may kasama ka pala na napaka gandang dalaga" sabi ng isang babae na medyo may edad na.

"Magandang hapon po, Aling Lita. Ito po si Selene..." Tinignan pa muna niya ako bago tumuloy sa sasabihin. "Kaibigan ko po" sabi niya kay Aling Lita habang naka ngiti.

'Pig half shet kaibigan daw' sabi ko sa sarili.

"Magandang hapon po, ako nga po pala si Selene." pagbati ko sa kaniya at nagmano.

Pumasok na kami sa loob ng bahay upang makapag ayos ng mga gamit na dala namin, nandito ako sa kabilang kwarto na katabi ng kay Ma'am Romualdes.

"Hey Selene, are you done unpacking? Let's go na para maka kain na tayo." pag aaya ni Ma'am Romualdes na nasa pinto ng kwarto na tutulugan ko.

Nag handa ng makakain si Aling Lita upang maka kain kami, nagkamustahan lang sila ni Ma'am Romualdes at ako naman ay tahimik na nakikinig.

"Ikaw Selene iha, may nobyo kana ba?" baling sa'kin ni Aling Lita.

"Hala, wala po ni-minsan po ay wala akong naging nobyo."

yes tama! NBSB ako hayst.

"Maganda 'yan at h'wag magmadali darating din ang para sayo, maganda ka naman at panigurado na marami ang magkakagusto at manliligaw sa'yo."

'Hindi naman po ata ako gusto ng alaga niyo, hmp' Sabi ko sa sarili.

Nagpagtuloy kami sa pag ku kwentuhan hanggang sa matapos kumain, tinulungan ko na rin si Aling Lita na mag ligpit ng mga pinag kainan.

"Do you want to rest for awhile? Mahaba ang naging byahe natin kanina sigurado ako na pagod ka." sabi sa'kin ni Ma'am Romualdes pagkapunta ko sa living room.

Chasing Nothing [COMPLETED] Where stories live. Discover now