CHAPTER 21

4.6K 201 39
                                    

Ngayon ang unang araw ng intrams namin, pumasok pa rin kami para manood ng mga event. Wala na rin magaganap na practice para ma enjoy na raw namin ang buong intrams.

Buti naman at meron mga booth na inaprubahan ang Dean kaya hindi boring ang intrams para sa mga walang sinalihan na event or competition.

Nandito kami ngayon sa isang beverage booth nakatambay dahil uhaw na uhaw kami sa sobrang init ngayong araw, si Phoebe naman ay napaka tagal, nag paalam kasi siya kanina na mag babanyo lang tinatawag ni kalikasan.

"Hoy, labas! Potangina mag tago tayo!" sigaw na tawag ni Phoebe sa labas ng booth.

"Napano ba, Phoebe? Ba't hingal na hingal ka dyan?" natatawang tanong ko sakaniya, pano ba naman e para siyang hinahabol ng masamang espirito.

"Potangina niyo! Hina-hunting tayo sa kissing booth!" nanlaki naman ang mga mata namin at nag madaling tumakbo palabas.

Gusto lang naman namin ng tahimik na buhay, sa dami ng booth bakit isa pa ang kissing booth sa mga na approved. potanginaaaaa.

"Halaaaa, potangina itayo niyoo!" sigaw ko sakanila dahil nadapa si Daphne.

"Guys. ayun sila!" sigaw ng isang officer na nag ha handle sa kissing booth.

Bigla nalang may sumulpot na grupo sa harap namin at binuhat kami isa-isa.

"Potaenaaaa, pakawalan niyo kamiiiii!" sigaw ko, sinuotan ba naman nila kami ng posas.

"Ipapalapa niyo kami sa mga buhayaaaa, noooooo!" sigaw ni Daphne.

Tangina yung kambal wala?! Nakatakas ampotangina.

Wala na kami nagawa at hinila na nila kami papunta sa booth, at kung minamalas ka nga naman isa si Sheila sa mga naka pila at unang-una pa!

"Hi baby Selene." malanding bati niya sa'kin.

Potangina please somebody help!  Please, ngayon ko hihilingin na lamunin ako ng sahig.

"Pres! Pakawalan mo kami please maawa ka, yung kambal naka wala na oh, ano ba naman yan!" pagsusumamo ni Phoebe kay Chantal na nag ha handle ng kissing booth.

"I'm sorry guys, marami ang nag de demand sa inyo , yung kambal naman don't worry ipinahanap ko na."

Bago mag simula ang laplapan— este ang pagpapalapa nila sa'min ay nag iisip na ako ng plano paano makaka takas.

"Pwede mag cr sandali? Naiihi akoooo." pulusot ko, please potaena payagan niyo ako.

Thankfully pumayag naman pero may bantay ako na nasa labas ng Cr, kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Grace.

"Beh, nasaan ka? Busy kaba?" tanong ko.

"Nandito lang ako sa gym nanonood ng volleyball, why?"

"I need help, pinapalapa nila ako sa kissing booth!"

"Hahahaha sabi ko naman sayo last time at mag tago ka, sige nasaan kaba at sasabihin ko na may assembly tayo sabi ni Coach Sandi."

Nakahinga naman ako ng maayos dahil sa sinabi niya, naka balik na kami sa pwesto ng kissing booth at sakto nandoon na siya.

"Hey Chantal, pwede ko ba hiramin si Selene sandali? May sasabihin daw kasi sa'min si Coach Sandi. Promise sandali lang ihahatid ko siya agad." sabi ni Grace kay Chantal.

"Hmm sige, pero hindi namin aalisin ang handcuffs niya ha?" nag aalangan na sabi niya.

Tinignan ko naman nang nakaka loko yung dalawa na ngayon ay naka tayo na sa harapan at handa na isalang, nang makalayo kami ay nag pasalamat ako kay Grace at agad na tumakbo palayo.

"Helloooo Ma'am Dion." nakita ko si Ma'am Dion na nag lalakad sa corridor.

"Oh, bakit ka naka posas dyan?" takang tanong niya sa'kin.

"Ipapalapa nila ako sa kisisng booth Ma'am" parang batang naiiyak na sumbong ko sakaniya.

"Pwede po ba ako mag tago sa office niyo? Nag palusot lang po ako kanina kaya naka takas ako pero panigurado hahanapin pa rin nila ako."

Salamat naman at pinayagan ako ni Ma'am Dion na mag tago muna sa office niya, kaso itong sikmura ko kumakalam na dahil hindi pa ako naka ka kain.

"You’re hungry ha? What do you want? Mag o order nalang ako." natatawang baling sa'kin ni Ma'am Dion na ngayon ay may kinakalikot na sa cellphone niya.

"Uhmm, kahit ano po hindi naman po ako picky eater."

Hindi naman nag tagal at dumating na ang inorder na pagkain ni Ma'am Dion, napa kamot naman ako sa ulo dahil hindi nga pala ako makaka kain ng maayos dahil sa handcuffs na suot ko.

"Do you want me to feed you nalang?" baling sa'kin ni Ma'am Dion, kakapalan ko nalang siguro mukha ko kesa mamatay ako sa gutom.

"Say ahhh." natatawang sabi niya at sinunod ko naman.

"Ma'am pwede kana mag anak." natatawang sabi ko sakaniya habang ngumunguya.

"I don't even have a partner you silly."

"Hala Ma'am sa ganda mo na 'yan?"

"H'wag mo nga ako bolahin! Kumain kapa, oh." sabi niya habang natatawang umiiling at sinubuan pa ako.

"What the hell are you doing?!" halos bumara yung pagkain sa lalamunan ko dahil sa sigaw ng isang familiar na boses mula sa likod ko.

"Ma'am tubig." nabubulunan na sabi ko kay Ma'am Dion, agad nama niya akong inabutan ng isang basong tubig.

"Chill Clio, calm down girl. I'm just feeding her." natatawang baling ni Ma'am Dion kay Ma'am Romualdes na ngayon ay mag kasalubong ang kilay.

"May kamay siya, hindi mo siya kailangang pakainin. At bakit nandito siya sa office mo? " itinaas ko naman ang kamay ko na naka posas.

"Osige, palalabasin ko siya. Para naman maging masaya yung mga naka pila para sakaniya doon sa kissing booth." naka ngising sabi ni Ma'am Dion at hinila ako palabas.

"Ma'am, h'waaaaag maawa ka please! " pag mamakaawa ko.

"Hey guys, si Selene oh!" at nalintikan na.

"Ma'am, bdisjsjashet see you later alligator—" natatarantang sigaw ko at  mabilis na tumakbo, si Ma'am Dion naman ay rinig na rinig ang malakas niyang tawa.

Napaka malumanay niya kung titignan pero halimaw din pala kung tumawa. Charing!

At talagang napaka malas ko ngayong araw dahil nakabanggaan ko pa si Sheila.

"Nandito ka lang pala Baby Selene." sabi niya at niyakap ako nang mahigpit.

Akto naman niya akong hahalikan sa pisngi nang hilain siya sa buhok ni Ma'am Romualdes.

Ang bilis naman niya makarating dito?

"Ikaw nanaman?!" sigaw ni Sheila sakaniya.

"Yes, it's me, again. At talagang hindi kapa napala sa nangyari doon sa bar? Iisa kapa talaga."

"Ma'am, tara na po nagugutom pa po ako." parang bata na baling ko sakanya at isinandal ang mukha ko sa balikat niya.

Niyakap naman niya ako sa bewang at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Gosh I can't breath na— but, I'm not complaining tho hehe.

"Stop looking at her, kung ayaw mong bulagin kita." may halong pag babanta sa tono niya.

"Why can't I? She's single naman ha! Professor ka lang naman ni Baby Selene."

"Ma'am, hayaan na natin siya, please, nagugutom na po talaga ako, pagod na rin ako sa kakatakbo." bulong ko kay Ma'am Romualdes.

"Sa susunod na makita pa kita na ginugulo siya buhay mo na guguluhin ko." sabi niya kay Sheila at hinila na ako pa alis.

"Kailangan na natin tanggalin ang mukha mo." seryosong baling niya sa'kin habang nag lalakad.

'Kasalanan ko ba na head turner ang beauty ko?!'

Chasing Nothing [COMPLETED] Where stories live. Discover now