Chapter 3

4.5K 127 20
                                    

Chapter 3

"I am going to kill him." Napalingon kami sa pinto at nakita ko si Anton na mabagsik ang mukha. Kasalukuyan kaming nasa sala naguusap usap. Hindi ako nagsalita at patuloy lang na nakatitig sa kawalan.

"Kelan ka pa dumating?" Tanong ni Carlo habang nakaupo sa tabi ni Ales. Umupo naman sa katapat na silya si Anton. Halata mo ang pagod sa mukha niya ngunit halata rin ang pagaalala at galit sa kung sinong kumuha sa anak ko.

"The moment you called me what that a-hole did, I stole a private jet and a car to get here. Don't worry, I left the car three corners from here." Sagot ni Anton kay Carlo.

"Very resourceful, Anton." Ani Ales at napailing. Hindi lang naman siya sinagot ni Anton at nanatiling nakatitig sa akin. Resourceful...

I blinked. Fuck. Anong gagawin nila sa anak ko? I have to move! I have to make a plan pero hindi ako makagalaw ni hindi ako makapagsalita. Dahil alam ko the moment I'll open my mouth, I'll be dealing with those bastards with my eyes closed. I know that the moment I took a step forward towards the door, I'll make rush decisions just to take my daughter with me.

"Calm down, Andy. Your hands are bleeding." Rinig kong saad ni Ales. Tinitigan ko siya, "This is all my fault. I have this fucked up life and I dragged my daughter into this."

Akmang magsasalita siya pero inunahan ko, "But this is also his fault, that's why I won't stop until I'll kill him myself." Saka ako tumayo at naglakad papunta sa basement ng bahay na'to.

"Andy, wait!"

May pinindot ako saka lumabas ang retinal scanner. Saka binuksan ko ang pinto sa pinakahuli-hulihan at tumambad sa akin ang isang hagdanan. Madili doon ngunit may switch sa gilid na pinindot ko upang mabulgar kung ano ang nakatago sa nasabing basement. Narinig ko ang mga yabag ng paa kasunod ang pagsinghap ni Alessandra. "Holy sht." Aniya at tumabi sa akin.

Ang basement ay maituturing mo ring hideout dahil sirain man nila ang buong bahay, matitira ito dahil gawa ito sa matibay na gamit at bulletproof rin. Idagdag mo pa na may mga computers na konektado sa mga CCTV ng buong bahay, may mga gadget na ginagamit ko noon pangtrace ng tracker, mayroong signal jammer para hindi matrace ang buong lugar at mayroong isang kwarto na wari ko'y di pa nila napapansin. Pinagawa ko ito dahil alam kong darating ang oras na ito. Alan kong hahabulin nila ako.

"Bakit hindi namin alam na may ganito ka Andy?" Nagtatakang tanong ni Anton. Naglakad ako papunta sa tracker, "Because I didn't expect that this time would come. I thought we're not going to need it." At dun ako nagkamali. Alam kong darating pero half of me expected na mabubuhay nga kami ng matiwasay. Na mabubuhay kami ng normal at hindi na namin kailangan pang lingunin ang likod namin para sa nagaantay na panganib sa mahal namin sa buhay.

In-on ko ang tracker, "Bakit ka may ganyan, Andy?" Tanong ni Carlo at nakatingin sa akin ng seryoso. It's a bit weird to see him this serious, dahil nasanay na ako na happy-go-lucky siya at walang ginawa kundi ipagluto kami at landiin si Alessandra.

"I put a tracker on Cassiopeia." Maigsing saad ko. Napabuga ng hangin si Ales, "Fucking Genius."

"Mouth." Rinig kong saad ni Carlo.

Gustuhin ko mang mapangiti sa kanila ay hindi ko magawa. Ni mag-angat ata ng ngiwi hindi ko rin magawa. I'm not complete without my daughter. She became my life and I'll stop at nothing just to get my daughter. Even if it means my own death.

Nagloload ang tracker at nang makita ko na ay napansin ko agad na gumagalaw sila. Ibig sabihin, on the run ang sasakyan nila. "Damn it, where are they going to take my daughter?" Tanong ko sa kawalan.

Andromeda 2: Her Retribution ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon