Chapter 7

3.6K 98 11
                                    

Chapter 7



"Wala na tayong dugo dito sa van Andy pero alam kong sa bahay meron." Saad ni Ales. Nilingon nito ang babae na sobrang putla na at halos panawan na ng ulirat. "Unless gusto mong magpaospital?" curious na tanong ni Ales rito.


The woman snorted, "And risk to get caught? Fuck no." ipinikit nito ang mata saka maya-maya ay nawalan na ng malay.


"We need to get home fast. Hindi ko gustong mamatay ang babaeng iyan dito sa van natin. Dagdag lilipitin pa kung sakali." saad ko sa kanila. Tumalima naman agad si Anton. Nang makarating kami sa bahay ay si Anton na ang kumarga sa babae dahil si Carlo ay inalalayan si Ales. Napailing ako sa dami ng imbalido sa bahay ngayon. 50/50 chance of survival kung sakaling lusubin kami rito ni Franco.


"Dalhin mo siya sa guestroom at saksakan ng IV. I assume you still know how to do it Ales?" naalala kong nagtrain si Ales saglit sa B-inc infirmary. I'm sure alam niya. Tumango si Ales, "Just let me rest for a while and I'm good to go. For the mean time, just clean her up." tumango ako at kumuha ng damit sa kwarto ko pero hindi nakaligtas sa akin ang isang bagay na nakasabit sa bintana ng kwarto ko. Napamura ako ng malakas at agad na lumabas para kunin ang bagay na iyon.


Ang doll ng anak ko. At may bahid ito ng dugo. May note ring nakasulat na 'Tik tok tik tok. Faster, Andromeda. You're time is running.'


"Bullshit! Damn it!" malakas na sigaw ko at pinagsisipa ang mga halaman na nasa gilid. I'm sure kaya nasa labas lang ang doll na ito ay dahil sa hindi sila makapasok sa bahay ko. Damn it! Damn it!


"Andy! andy what's wrong?"


"We have to find her, Anton! We have to find her!" paulit-ulit kong saad at sinasabunutan ang buhok ko habang yakap yakap ang doll ng anak ko. Nakita kong pinulot ni Anton ang note at napamura. "We have to find Jake first." anito.


Hindi ako sumagot at patuloy lang ang luha sa pagtulo mula sa mga mata ko. The pain of just the thought of my daughter in grave danger and there's nothing that I could do because I'm far from her kills me. I need to find her now. But how? Kahit gaano pa ka-high tech ang mga gamit namin wala kaming makita mula sa tracker ni Cassy. Lagi kaming back to zero. Saan ko siya hahanapin? I can't involve the policemen because this matter is between me and Franco. I don't need nosy cops under my nose and breathing on my neck.


"I know someone who can help us." ani Anton. Napatingin naman agad ako sa kanya. Tatanggapin ko ang tulong ng kahit sino ngayon. Siguraduhin niya lang na hindi niya ako ginagago at tutulungan niya talaga ako.


"Sino?"


"The girl you brought home. I heard those guys looking for her. Base sa obserbasyon ko at narinig ko Andy, seems like that girl is good at hiding. And if a person is good at hiding he/she will also be good at tracking people down. You know that Andy." aniya.


Natahimik ako. Totoo ang sinabi niya. Lahat ng magaling magtago ay magaling rin maghanap.


"I want you to go back to where we found her Anton at alamin mo kung kanino siya nagtatago." tatango na sana si Anton nang may boses akong narinig sa likod ko.

Andromeda 2: Her Retribution ✅Where stories live. Discover now