Chapter 5

3.8K 107 6
                                    

I'd be frank. I'm having a hard time moving on from this chapter for months now. I'm...trapped. I have to watch action movies to bring back my ideas. I lost every ideas I have in Andromeda 2 the plot is in there but I don't know what to write next. I've typed this chapter for months and I can't move on. Charot, ang drama. Pero di nga. Ang hirap umusad. Nawawala yung idea ko kung papaano isusulat ang story na 'to. Kaya't baka matagalan na naman ang susunod na updates. May writer's block ako eh pero dito lang naman. KAYA PATIENCE IS A VIRTUE. PASENSYA PO ANG KAILANGAN KUNG MAGBABASA KAYO NITO. YUN LANG.

-----------------------------------------------

Chapter 5


"Is everything ready?" seryosong tanong ko. Kasalukuyan kaming nandito sa safe room. Hinahanda na ni Carlos ang lahat ng gadgets habang chinecheck naman ni Ales ang security. Nakatingin lang sa akin si Anton. Mula nang magusap kami nung isang araw tungkol sa involvement ni Franco sa UGS ay hindi na muli kaming nagusap. 

Una sa lahat, masyado akong busy sa paghahanap ng anak ko. Inisa isa ko ang mga factory ni Franco pero I did it silently. I can't risk having him sense me. Not yet. At isa pa hindi ba't mas maganda kung magugulat na lang siya at nasa harapan niya na ako? Yung hindi na siya makakaiwas pa. 

Siguro ay nagtataka kayo kung bakit inuuna ko pa ang paghahanap kay Franco kesa sa paghahanap sa anak ko? The thing is, I found her already. And today nalaman namin na nasa isang party si Franco at kasama niya si Cassiopeia at Jake sa party na iyon. That's why we are all preparing. We can't let them slip through our fingers.

"Andy, can we talk?" 

Napalingon ako kay Anton. I'm not mad at him, I don't really have the right to. Hindi ko lang talaga alam kung paano ako magrereact. Lalo na sa mga sinabi niya. I mean, all those years, I was fooled. I never said I trusted them because I didn't. That's the good thing about it. I didn't trust them but still I felt betrayed. 

"What ever about?" 

"You know what I'm talking about, Andy. You know it damn well." ani Anton.

Matagal ko siyang tinitigan. Indeed. I know what he's talking about. I know what he wants to talk about. Gusto niyang pag-usapan namin ang sinabi niya sa akin tungkol sa alyansa ng B-inc at ni Franco.

"Yes, I know what you want to talk about, Anton. Too bad I don't have the time in the world." saka ko siya iniwan. Masama ang loob ko at alam kong mali na ibunton iyon kay Anton na wala nang ibang ginawa kundi tulungan ako every step of the way but I can't help it. Matagal na pala siyang may hinala, matagal na siyang may alam, pero hindi man lang siya nag-abala sabihin sa akin.

Maybe he doesn't trust me that much.

"Let's go." yaya ko sa kanila. Maiiwan si Carlo at Anton sa bahay para may magmonitor ng mga tracking chip naming dalawa ni Alessandra. We have no one besides each other right now. Wala nang B-inc kaya't wala na kaming mga sakop. And it's better this way, at least may magbabantay sa amin kung ano man ang nangyari.

I'm sure, Franco is there to attend this type of gathering. Pinapahabol niya ako sa kanya. At alam niyang hahabulin ko siya. And attending this party of elites is his way of confirming that he wants me to catch him.

And I will get him.

**

"Nakikita mo ba sila?" Tanong ko kay Carlo na siyang nakatoka sa CCTV ng buong lugar. Si Anton kasi ang nakatala sa mga security systems.

"That's the thing...Andy. His name is on the invites but...he's not there." Nagaalangang saad ni Carlo

Napamura naman ako. "Damn it. How the fuck did that happen?" nagsimula na akong tumayo at ayusin ang gamit ko. Sinenyasan ko na rin si Ales na nakaupo sa medyo kalayuan sa akin.

"He did not come? What the fu--"

"No, he's present. But he's not there."

Natigilan ako saglit at alam kong halatang halata na ang pagkakunot ng noo ko. "Are you toying me, Carlo? Diretsahin mo nga ako. Ano bang kagaguhan ang nangyayari dyan?!" tanong ko.

"Ibang Lester Franco Castellan ang nagpakilala diyan Andy! That's a trap! Alam niyang hinahanap mo siya!" Ilang linyang mura pa ang narinig ko.

Nakipagsabayan naman ako sa pagmumura lalo na nang magsink in ang sinabi niya. How? Shit! Naisahan kami! Masyado kasi aking naging kampante!

"Damn it! Andromeda dapa!"

Narinig ko ang putok ng baril bago ko ito nakita kaya't agad akong napadapa. Binunot ko ang baril ko at agad na tinutok ito sa pinanggalin ng tunog ng putok. Masama ang tingin ko sa lalaking nagpaputok.

"Andy? Si Ales? Damn it! Andy si Ales?!" Agad naman akong naging alerto sa sinabing iyon ni Carlo. Damn it, Alessandra! Nasaan ka?!

Patuloy lang ang ginawa kong pagpapaputok sa mga nadadaanan ko. Hindi ko sila pinapatay. I hit them in their hands, feet and sometimes shoulder. Hindi ko pa sila papatayin. May plano ako sa kanila.

Ngayon ko lang napansin na wala na ang karamihan sa mga bisita sa party kanina. Bago pa man magsimula ang putukan. Malamang kinuntsaba nila ang may-ari para matapos ang party ng maaga.

O baka naman wala talagang party?

"The wheels on your heads are turning, Andy. I can almost see it."

Umalingawngaw sa buong lugar ang boses ni Franco pero wala naman siya. Nagpaikot ikot siya para hanapin si Franco, "Fuck you, Franco! Where is my daughter?!" Sigaw ko  sa buong lugar.

Narinig naman ang halakhak ni Franco na tila nakakaloko sa akin, "And what will you do if I won't speak up? I have your daughter and your friend named Alessandra is currently being beat by my boys." Saka ito natawa ulit ng nakakaloko.

Napamura ako, "Leave them alone! Damn you, Franco. Naiwan ba sa sunog ang kaluluwa mo? Anak mo si Ales!"

"Hindi!" Anito sa malamig na tinig, "I lost my daughter the moment she chose you."

Alam kong wala nang sense pa ang pakikipag-usap sa kanya ng maayos, "Where the fuck is my daughter?! Give her back, franco! She's a child. Just a fucking child! She doesn't know anything!"

"Find Jake then. Maybe he knows. And don't bother tracing this Carlo and Anton, the moment I cut this call, the trace would be deleted." Ani pa nito.

Napamura ang dalawa sa kabilang linya. "I'm losing him! Fuck I'm...shit!" Sigaw ni Anton.

Tila nanghina ako. Emotionally and physically drained at hindi ko alam bakit. Kulang sa practice? Thats not it. Alam kong dahil yun sa kabiguan kong makita ang anak ko.

She has to be scared right now. I know she needs me. Hindi nila pwede patulugin nalang lagi ang anak ko. She will need food and proper sleep not forced. Umaasa akong kahit papaano, si Jake ay inaalagaan ang anak ko.

Dahil ang natitirang pag-asa ko na ligtas ang anak ko ay ang lukso ng dugo na mararamdaman ni Jake kay Cassy.

Andromeda 2: Her Retribution ✅Where stories live. Discover now