Chapter 9

3.2K 93 10
                                    

Chapter 9


Pinaharurot ko ang sasakyan patungo sa ospital kung nasaan naka admit si Anton. Nanlalamig ang mga kamay ko at may ga-butil na pawis na namumuo sa noo ko. Kinakabahan ako na hindi maintindihan. Paano nabaril si Anton eh hindi naman sila kasama? It was just me who went to see Jake. Naiwan sila sa bahay.

Inakyat ko agad ang hagdanan at nagpunta sa kung saan ang tinext ni Alessandra sa akin. Nang makarating ako sa ICU ay agad kong kinausap si Ales. "What happened?"

"We were ambushed that's what happened." Sagot nito. "Hindi ko na alam ang nangyari, Andy. One minute nagtatawanan lang kami, the next nakadapa na kami at nakikipagpalitan ng putok sa kung sinong mga nambabaril sa amin."

Ngayon na tinititingnan ko sila ng mabuti kita ko ang sugat at galos nila pero sa kabila nun ay wala namang malalang tama. "Ayos lang kayo?"

"Ayos lang kami, Andy. It's Anton we're worried about. Sa dibdib aiya tinamaan. Natatakot kami na baka sa may puso siya natamaan. He would die, and I don't want that. He's already family." Nagtagis ang bagang ni Ales at bahagyang nanubig ang mga mata.

"Stop," pigil niya sa iniisip nito, "We're not going to lose him. But I don't doubt na tao ni Franco ang may gawa nito."

"That fúcking old man! Dinadagdagan niya lang ang utang niya sa atin." Napatingin ako kay Carlo nang magsalita ito. Nagtatagis ang bagang nito at nakakuyom ang kamao.

Lumapit ako rito at hinawakan ito sa baba, "The more we need to find him upang maningil ng utang."

"Anong pangalan ang inilagay niyo sa pagfill up?"

"Rogellio Andalo"

"Make sure the police doesn't interfere. This is not their business."

"Okay," sagot ni Carlo. "Saan ka pupunta?" Tanong nito nang mapansing paalis ako

"May titingnan lang ako. Balitaan mo ako." Saka ako umalis.

Hindi sa hindi ako nagaalala kay Anton. Dahil talagang nababahala ako, pero hindi ko rin pwedeng hayaan ang sarili kong mag-antay at tumunganga. Masyado na akong kinakanti ni Franco. Isa pang pananakit niya sa pamilya ko ang ginawa niya.

Pagkarating ko sa bahay ay halos matigilan ako. Punong puno ng mga butas dala ng pakikipagpalitan ng baril nina Ales, Anton at Carlo sa mga tao ni Franco. Wasak ang screen door. Basag ang glass windows at may mga butas ang dingding dala ng bala.

Hinawakan ko ang mga butas sa dingding at napansing malalim ang tama nuon. Bigatin ang ginamit na baril. Isa lang ang ibig sabihin nuon, talagang papatayin silang tatlo.

May mga dugo rin sa sahig pero walang sasakyan o patay na katawan ng tao. Malaman nilinisan na ito ni Franco. Pagkapasok sa loob ng bahay ay halos lahat ng pigurin ay basag. May iilang litrato na nahulog mula sa pagkakakabit. Kinuha ko ang litrato namin nina Anton, Carlo, Ales at Cassy. May basag ito kaya't napatitig ako ng matagal sa litrato.

Naaalala ko kung kelan ito kinunan...

"Mommy!" Tili ng isang matinis na boses ni Cassy habang hinahagis siya sa taas ni Anton habang tumatawa. Napangiti naman ako dahil pulang-pula na si Cassy kakatawa.

Napagpasiyahan ng grupo na sa isang beach magcelebrate ng birthday ni Anton. Nagbabarbeque sina Ales at Carlo samantalang nagaayos ako ng maga pagkakainan namin sa cottage.

"Ay ano ba! Sige itutusok ko ito sa iyo!" Sigaw ni Ales nang kagatan na naman ni Carlo ang barbeque na hawak niya. Humalakhak lang si Carlo bago lumapit kina Anton at Cassy saka tinakas si Cassy mula kay Anton.

Andromeda 2: Her Retribution ✅Where stories live. Discover now