Chapter 15

3.4K 73 23
                                    

Chapter 15 - Final Chapter

Lahat ng bagay sa mundo ay masasabi nating hiniram lang natin sa Diyos. Even I, believed that.

Pero minsan, kapag ang hiniram natin ay binawi, paulit-ulit nating hinihingi ito pabalik...

"No!" Napaluhod na ako habang humahagulhol. Halos gapangin ko na ang papunta sa nagliliyab na sasakyang ginamit nila Jake.

Tumayo ako at tatakbo sana papunta roon pero hinarang ako ng mga tauhan ni Franco. Pinagsisipa ko sila para lumayo sa akin bago ako tumakbo papunta sa nagliliyab na sasakyan.

Mula sa pwesto ko ay kitang kita ko ang duguang mukha ni Jake. Napahawak ako sa bibig ko. Hindi! Hindi!

Sandaling idinilat ni Jake ang mata. Nanlaki ang mga mata ko. He's still alive! Pwede pa siyang iligtas!

Lumapit ako sa kanya pero biglang nagliyab ng todo ang sasakyan at pati kamay ko ay natamaan ng apoy pero ininda ko ang hapdi at sakit.

"Jake! Lumabas kayo ni Cassy diyan!" Sigaw ko.

Umiling siya ng mahina. Napaiyak naman ako.

May apat na lalaking humila sa akin mula sa pwesto ko. Nagpumiglas ako pero sa hindi malamang dahilan, hindi ako makawala. I know I could take them down...pero hindi ngayon. Parang lahat ng lakas at tapang ko nasunog kasama nina Cassy at Jake.

"They're still alive! Bitiwan mo ako! Damn it!" Pinagsisipa ko sila pero hindi sila natinag.

"Stop it, Andy. They're good as dead!"

Nilingon ko si Franco. "Dahil pinatay niyo sila! What did I ever do to you? From the start wala na kayong ginawa kundi ang pahirapan ako! Ano ba talaga ang kailangan niyo?!" Sigaw ko.

Masakit ang lalamunan ko dala ng paghagulhol.

My baby don't deserve this. May buhay na nakalaan sa kanya. She could've been saved! She could've lived! Pag nakalapit ako doon ay pwede ko pa silang iligtas. Jake was still responding.

"Fire!" Sigaw ni Franco. May mga lalaki namang pinagbabaril ang sasakyan nila Jake. No! No! Stop!

"No! Motherfuckers stop!" Sigaw ko at nagpupumiglas para makapunta roon pero sinuntok at pinagtulungan nila ako. I couldn't do anything.

Pinagsisipa at pinagsusuntok nila ako sa mukha, tyan at kung saan saang parte ng katawan ko. I was aware that I'm already spitting out blood.

I'm pathetic and weak.

Nang tumigil na ay iniwan na rin nila ako. Lumapit si Franco sa pwesto ko na may hawak na bakal. Pinulot niya ata sa kung saan. Ngumisi siya bago hinampas ang braso ko. Masakit pero ininda ko. Hinampas niya ulit ako at tumama na ito sa likod ko.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Pitong hampas sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Nanlalambot na ako at halos di na makagalaw.

"Alam mo kung anong problema sa'yo, Andy? You're weak! You wear your emotions under your sleeves!" Sigaw ni Franco sa akin at dinuraan ako. Pero hindi ko na yun pinansin.

"Baka lalo kang masaktan kapag nakilala mo kung sinong puno't dulo ng pagpapahirap sa iyo?" Nang-aasar na tanong ni Franco.

Anong ibig niyang sabihin?

"That's too much, Lester. Don't you think?"

Nanigas ako nang marinig ang boses na iyon. I don't remember much of her face. I remember her voice and how she "died". I remember her yet I also don't.

Andromeda 2: Her Retribution ✅Where stories live. Discover now