Chapter 11

3.2K 84 18
                                    

Chapter 11


Nagising ako dahil sa malamig na bagay sa kamay ko na parang hinihila ako. Dinilat ko ang mga mata at nagulat nang makita ko ang magkabilang kamay at paa ko ay nakatali sa kadena.

Paano nangyari to? Anong nangyari? Ang naaalala ko lang...

Napasinghap ako nang maalala ko na lahat. Shit! They caught me. I groaned nang may mahapdi akong naramdaman sa buong katawan ko. I tried to move pero masakit ang katawan ko. Ah, right. Binaril nila ako at hinampas ng kung ano sa ulo.

"Your attempt is futile." Napalingon ako sa nagsalita at nakitang isang lalaking nakaupo. Hindi maikakaila kahit sa pwesto ko na may itsura ang lalaki. Lalo na ang mata niyang kulay asul. Sino ang lalaking ito?

"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" Malamig na tanong ko. I know better than to trust a man I just met. Yun ngang matatagal ko na kasama at kakilala nagawa akong talikuran ano nalang kaya ang bago pa?

"Someone you don't need to know." Aniya.

Ngayon ko lang napansin ang mga nakahigang katawan sa sahig. Tinapunan ko siya ng tingin lalo na nang lumapit siya sa akin. Sa pwesto ko ay kitang kita ko na ang mukha niya. Saying he looks fine would be an understatement. Pero hindi kagwapuhan niya ang pinaguusapan rito. Kailangan kong makatakas.

Napatigalgal ako nang bigla niya akong kalagan mula sa pagkakakadena ko at sinalo nang hindi ako makatayo. Tinulak ko siya palayo pero wala akong lakas. Damn it! Kailangan kong makalayo sa kanya.

"Who the hell are you?" Mahinang bulong ko. Pero gaya ng inasahan ay hindi siya sumagot.

With all the force I could muster, ay nagattempt akong itulak siya pero nagmukha lang akong tanga dahil nahulaan niya rin naman ang gagawin ko. "Bitiwan mo ako!" Mariin kong utos pero hindi niya ako pinansin.

Who the hell is this guy? Kasamahan ba ito nina Franco at Amelia?

"Hindi ako magpapahuli ng buhay." Ani ko.

Nakita kong ngumisi siya pero hindi ang ngising natutuwa siya sa akin pero isang ngising walang laman. "A li'l bit late don't ya think?" Tanong niya sa malamig na tinig.

Nagulat ako nang bigla niyang lagyab ng kung anong itim ang ulo ko. Hindi ako nagingay dahil alam kong paggagawin ko yun ay makakahakot kami ng atensyon. Isa pa hindi naman ako natatakot.

Biglang pumasok sa utak ko si Anton. He could've explained for himself. They didn't need to kill him. He didn't deserve to die. Kakagising niya pa lang mula sa coma.

Pero kahit itanggi ko, alam kong hindi dapat ako magtaka. Sa buhay na meron kami ay talagang bilang na ang mga araw namin. Lalo na ng akin. Dahil sa hindi malamang dahilan ay galit na galit sa akin si Franco. Hinahanapan ako ng perang hindi ko alam kung nasaan.

Gusto kong matawa. Lahat ng paghihirap na dinanas ko ay dahil sa perang hindi naman ni minsan naging akin. Hindi ko nga alam ang tungkol sa perang iyon. Kinakailangan kong mawalan ng maraming mahal sa buhay dahil lang roon?

Naramdaman ko ang init ng araw. Ibig sabihin aya nakalabas kami kung saan man 'yon. Narinig ko naman ang pagbubukas ng pinto ng sasakyan at tinulak niya ako papasok. Hindi naman tulak na masakit. Parang gesture lang na pumasok ako sa kotse. Pumasok naman ako.

Tahimik ang naging byahe namin at hindi ko alam kung kelan ako nakatulog pero nang isandal ko ang ulo ko ay bigla na lang akong nilamon ng dilim.

Nagising ako nang may marahas na tumatapik sa akin. Wala na rin ang takip sa ulo ko dahil nakikita ko na kung sino ang tumatapik sa akin. Siya pala. "Nandito na tayo."

Inilibot ko ang tingin ko at nakitang nasa isang kwarto ako. Bigla akong naging alerto sa paligid ko. Masyadong tense ang katawan ko. Masyado akong sensitibo sa maliliit na tunog na naririnig ko at sa galaw ng kasama ko sa kwarto.

Tumaas ang kilay niya, "You look tensed. Are you scared?"

"No,"

"Hmm. We'll see." Saka siya lumabas ng kwarto. Pagkalapat na pagkalapat ng pinto ay tumayo agad ako at di alintana ang paghuhumiyaw ng mga muscles ko sa katawan.

Maglalakad na sana ako papunta sa may bintana para icheck kung pwedeng makadaan nang makarinig ako ng mapang-asar na halakhak kung saan. Nagpaikot ikot ang tingin ko sa buong kwarto hanggang sa dumapo iyon sa isang speaker sa kanang bahagi ng kisame ng kwarto.


"Don't even think about it. May grills rin ang bintana sa labas." Napakuyom ako ng kamao at nagtagis ang bagang ko sa sobrang iritasyon. Of course they can see me. Why did I even bother?

"Let me go. My daughter needs me. And her life is in danger!" Mariin kong saad.

"Sadly, I'm not to decide whether you'll get out or not." Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Whether I'll get out or not? Makakalabas ako. Magantay lang sila. Hindi sila ang unang taong makakapigil sa akin sa paghahanap sa anak ko.


"You're being ridiculous." Ani ko at pagak na tumawa bago dahan-dahang umupo sa kama. Nanginginig na ang mga binti ko at naghuhumiyaw na sa sakit ang mga kalamnan ko. Masamang masama na rin ang pakiramdam ko. Tingin ko ay hindi pa nalilinisan ng mabuti ang sugat ko. Parang kinuha lang bigla ang balang bumaon.

Medyo nabibingi na rin ako. Hindi nakakapagtaka kung paubos na ang dugo ko. May basa akong nararamdaman sa likod ko at hindi ako tanga para hindi malaman na dugo ko iyon na tumutulo.

Biglang nagbukas ang pinto. "Mukha ka nang mamamatay. Aalis rin ako kapag nakarating na rito ang taong nagutos sa akin na dalhin ka rito." Nasira ang mukha ko sa sinabi niya. Para namang may pakialam ako.

"Wala akong pakialam. Kailangan mo akong palabasin rito." Ngumisi siya.

"Hindi ba't magaling ka? Lumabas ka mag-isa mo," yun lang ang sinabi niya at ginamot na ang sugat ko. Maya maya ay pinahiga niya na rin ako sa kama at may tatlong babaeng pumasok sa kwarto. Nanigas ako. Anong gagawin nila?

"Relax." Nakita kong may kinabit sila sa kamay ko na IV saka nilagay ng isang babae ang bag ng dugo sa sabitan sa may uluhan ko at kinabit ang blood bag sa IV ko.

Habang nangyayari yun ay nanatili akong nakatingin sa kanila. I'm at my weakest point. I can't let my guard down.

"Sleep you'll be needing it." Ani ng isang babae at ngumiti. Hindi ako sumagot kaya bumuntong hininga siya at tinapunan ng tingin si...ang lalaking asul ang mga mata.

"You leave me with no choice." Tumango ito sa babae at may kung anong ininject ang babae sa akin. Di nagtagal ay bumigat ang talukap ng mga mata ko.

"Damn you. You can't do this." Kahit medyo naduduling na ako ay nakita ko pa ang paglabas sa kwarto ng lalaki at pagngiti sa akin ng nurse.

"Sleep." Yun lang ang nilamon na ako ng dilim.

------------------

Nakupo. Medyo nawawalan na ako ng gana sa story na ito, nakakasabay pa ba kayo? Don't worry tatapusin ko ito. Maikli lang naman to eh.

Medyo nalalapit na ang pagtatapos ng season 2 at kung may magtatanong, yes. May season 3 eto at yun na ang final season. (Para talagang telesrye at may season. Lol)

The world is a battle field. Confusion is the greatest problem.
War is inevitable.

Andromeda 2: Her Retribution ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon