Chapter 1

6.3K 161 10
                                    

Chapter 1 

Two and a half years later...

 

“What about this one?” I smiled as a response. “Kahit ano Ales. Ikaw na ang bahala.” Napabuntong hininga naman siya. “How can I choose properly kung ganyan ang sagot mo?” nakasimangot na siya ngayon.

 

Natawa ako at kinuha ang light yellow na dress, “Eto bagay to sa’yo.” Ngumuso siya. “You think?”

 

“I know.” Saad ko saka kumindat. Niyakap niya naman ako. “You’ve changed a lot. D’you know that?” tumango ako sa kanya habang ngumingiti. Napalingon ako sa gilid ko, “Have you seen Cassiopeia?” nakakunot noong tanong ko.

 

If you’re thinking that the Cassiopeia I’m talking about is my sister. Well, no because she is my—“Mommy!”

 

“Ayan lang pala oh.” Nguso ni Alessandra kay Cass at sa nanny niya. Yes, I named my daughter after my late sister.

 

“Where have you been?” Tanong ko sa nanny niya. “Ma’am may kinausap po siya doon.” Tinuro niya ang isang lugar. Agad akong napatingin doon pero walang tao.

 

Umupo ako para makalevel siya, “Darling, didn’t I tell you not to talk to strangers?” nakakunot ang noo ko at hindi maikakaila ang lakas nang kaba sa dibdib ko.

 

Lumapit si Alessandra, “Nakita mo ba ang kausap niya, Anna?” tanong niya at sinuklay ang buhok nang anak ko gamit ang kanyang kamay.

 

Tumango siya, “Opo ma’am lalaking naka-itim. Sinabi din po nung lalaki na ‘Hi’ daw po sa inyo. Kilala ata kayo nun ma’am.” Tiningnan ako ni Ales. Kilala ako nung lalaking naka-black?

 

Tiningnan ko ulit ang tinuro ni Anna at nanlamig ako nang makita kong si Jake ang tinuro niya. Oh my God.

 

“Don’t talk to him again! Alright?” saad ko kay Cass. Nanlaki ang mata ni Cass saka umiyak. “Andy!” puna ni Ales. Nalakasan ko pala ang boses ko. “Darlin—” di ko natapos ang sasabihin ko dahil tumakbo si Cass. “I hate you mommy!”

 

“Shit!” tatakbo na sana ako nang may kumalabit sa akin. Si Anna…na may baril? Shit. “Sit down Ma’am.” Bulong niya. Agad namang may nagdatingan na mga lalaki. May ilang sales lady at sales man na may hawak na baril.

 

Napamura kami ni Ales. Kinapa ko ang bag ko saka bumulong kay Ales, “On three…” hinugot ko ang baril ko mula sa bag. “Three!” sabay kaming nagpaputok. Binabaril ko ang mga  may baril at binaril niya ang nanny ni Cass.

 

Panay ang sigaw nang mga tao sa mall na nakakita nang nangyari. “Hindi ka nagbilang!” sigaw ni Ales na halatang nairita habang tumatakbo kami.

 

“Shut up! I have to find Cassiopeia!” biglang lumiko ako papunta sa mga damitan nang bata.

Andromeda 2: Her Retribution ✅Where stories live. Discover now