Chapter 13

2.5K 69 4
                                    

Chapter 13

Sinindihan ko ang sigarilyo ko habang nakatingin sa malayo. When was the last time na nanigarilyo ako? Matagal tagal na rin. Cassy's asthmatic kaya iniwasan ko.

Sanay na akong kumitil ng buhay. That has been my work before. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Nakikita ko ang mukha ng batang lalaki kahit saan ako tumingin.

"Damn it!" Malakas kong sigaw.

Napaupo ako at hinawakan ang buhok ko. Nagiging mahina na ako. Parang nauulit na naman ang nakaraan.

"You should be asleep." Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko siyang ngumisi. "You're losing your touch." Tukoy niya sa pagkagulat ko.

"I don't need you to remind me that." Tumayo ako at lalagpasan na sana siya ng hawakan niya ang braso ko. Napatingin ako dito.

"You don't have a choice. It's either your daughter or them." Pagpapaliwanag niya sa akin. Kinuyom ko ang kamao ko.

"It doesn't change the fact that he's still a kid. I maybe a killer before but I have never killed a child!"

Lalagpasan ko na sana siya pero pinaharap niya ulit ako sa kanya. Napipikon na ako sa lalaking ito. Bakit niya ba ako hinahawakan? Why can't he just leave me alone?!

"Don't touch me." Pagpupumiglas ko but my attempts are futile. He's incredibly strong and that's saying something coming from me.

"Stop being weak, Andromeda." Mariin niyang saad.

"Who the hell are you? Why are you doing this?" Hindi ko nagugustuhan ang pangingialam ng lalaking ito. Nakikita ko si Jake sa kanya. They're the same at the same time different. They look nothing alike but sometimes, the way he taunts me and do something like this, reminds me of Jake.

Bigla akong napaisip. I saw it with my two eyes that Franco abducted Cassy. Paano napunta sa kanila ang anak ko ng hindi nagkakaroon ng problema kay Franco?

"Tauhan ba kayo ni Franco? Is that why you have my daughter?"

Bigla siyang tumawa. Hindi man malakas na halakhak pero ang paraan ng pagtawa niya ay parang may sinabi akong nakakatawa.

"What?"

"We're enemies, Andromeda. Enemies." Ngumisi siya.

"Bakit nasa inyo ang anak ko? Franco is using her to get through me." Napailing siya.

"Franco is weak without his men. Like in a game of chess. Franco is the king. Ang pabigat sa buong side. Isang galaw lang ang pwede nitong gawin o kaya ay makipag-swap ng lugar sa rook. It's an important piece at the same time the most useless. The real enemy is the queen. Do you know who's the queen?" Ngumisi siya na para bang may alam siyang hindi ko alam.

"Amelia." Tumawa naman siya bago umiling.

"I told you, king and rook sometimes swap places. Amelia is the rook my dear, and she can never be the queen." Lumapit siya sa akin at bumulong. Nangilabot ako sa sobrang lapit namin.

"You know the queen very well." Bulong niya at iniwan akong tulala habang napapisip sa mga sinabi niya. Dun ko lang rin namalayang nasa bibig niya na ang sigrailyong nasa kamay ko kanina.

Sino ka ba talaga? Sino ba talaga kayo?

**

Naglilinis ako ng baril ng biglang may tumunog na alarm kung saan. Napalingon lingon ako at ang unang pumasok sa isip ko ay si Cassiopeia. Agad kong kinargahan ng bala ang baril ko at isinukbit sa holster na nasa gilid ng bewang ko.

Pagkalabas ko ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita. I remember these people. Sila yung mga nakasabay ko sa pagpatay sa pamilya nung businessman. Wala nang mga buhay ang mga ito at nakahandusay na sa sahig. Tinahak ko agad ang hallway. Maliit lang naman ang lugar na ito. Napapailing ako sa isipan habang naglalakad. This scene reminds me of the time na nagtraydor sa B-inc. si Jake.

Nagtraydor nga ba talaga?

Isang lalaki ang lumabas at pinaulanan ako ng bala. It's a good thing nakapagtago ako kaagad. Nang hindi na siya nagpapaputok ay ako na naman ang bumaril sa kanya. Nang humandusay siya ay nagpatuloy ako.

"Andy!" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.

"Jake?" Di makapaniwalang tanong ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Isang bagay na hindi ako sanay kaya't nanigas ang buong katawan ko. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko ng humiwalay siya.

"Andromeda, nasa kampo ka ng mga tauhan ng Underground Society." Nanlaki ang mga mata ko.

I remember them. Kabilang si Anton sa kanila. And...Bullet.

"Paano ka ba napunta rito." Umiling ako dahil I honestly don't know. Mabilis ang pangyayari.

"Why are you here?" Biglang bumalik ang seryoso niyang mukha. "Kalaban ni Franco ang UGS. Pinasugod niya kami. I never thought you're here."

"Cassiopeia's here too." Ngumiwi siya sa sinabi kong pangalan. May kurot na naramdaman ako sa dibdib ko. He remembered my sister. "I'm talking about my daughter, Jake." Pagpapaalala ko.

Sumama ang tingin niya sa akin. "She's my daughter too. And I know. That's exactly the reason why we attacked. Franco wants our daughter back."

"At ibabalik mo siya?" Di makapaniwalang tanong ko at lumayo sa kanya upang makuha ang baril ko.

Umiling siya at lumapit sa akin. "I won't. Ayokong mapahamak siya that's why after this, aalis na tayo."

Tayo. Kasama siya. Sasamahan niya kami ng anak ko?

"You'll come with us?"

"Of course." Aniya at hinalikan ako sa noo bago hinawakan sa kamay. Napalunok ako bago hinila ang kamay ko. I have to remind him na hindi na kami gaya ng dati.

Marami siyang tinatago sa akin at marami akong gustong malaman sa paligid ko. Ayoko ng ganito. Yung pakiramdam na parang lagi kang mangmang. Walang kaalam alam sa nangyayari sa paligid.

Nauna na akong maglakad sa kanya at napunta sa hall. Dun ko nakita sina Rachel, ang lalaking kumuha sa akin-- na hindi ko parin pala alam ang pangalan, at ang iilang tauham nilang natira. Sa kabilang side naman ay sina Amelia, Franco at ang iilang tauhan nila.

Ikinagimbal ko nang makita ko si Cassiopeia sa kanan ni Rachel.

"Cassy..."

Mahina ang pagkakasabi ko pero dahil na rin siguro sa katahimikang nananig sa paligid ay parang sigaw ito. Nilingon ako ni Cassy. "Mommy!" Naawa ako dahil umiiyak siya.

No. Hindi niya dapat ito nakikita. Hindi dapat siya natatakot ng ganito. Hindi niya dapat makita kung gaano kagulo ang mundo ng mga magulang niya.

"Oh look who's here. It's Jake and Andromeda!" Nakangising saad ni Rachel. Napadapo sa kanya ang tingin ko.

"Leave me daughter out of this! Hindi kami kasali sa gulo ninyo!" Nanggigil kong saad. Hinawakan ni Jake ang kamay ko kaya saglit akong napatingin sa kanya.

Humalakhak si Franco, "This seems like a deja vu. Three years ago, remember?"

"Mommy!" Pagwawala ni Cassy. Sinampal siya ni Rachel. "Shut up!"

"Don't hurt my child!" Sigaw ni Jake at akmang babarilin na si Rachel. Napatingin ako dito. Naunahan niya pa ako sa pagsigaw. Galit na galit ang mga mata ni Jake.

"Oooh, nabubuo na ba ang munting pamilyang pinangarap mo, Andy?" Natatawang saad ni Amelia.

"Bitch." Tanging sagot ko.

"I've been called worse, darling."

"What is this all about? Bakit ba pilit niyong ginugulo ang buhay ko? I distanced myself from you! Nanahimik kami ng anak ko at ng mga kaibigan ko, but what did you do? You kidnapped my daughter and killed Anton!"

"Anton's dead?" Napatingin ako sa lalaking kausap ko kagabi. May galit sa mga mata niya at ni Rachel.

"You... You killed my husband?" Galit na galit na saad ni Rachel.

Andromeda 2: Her Retribution ✅Where stories live. Discover now