03

11.2K 490 74
                                    

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my Patreon account, @vampiremims.

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️

Nakatitig lang ako sa mga batang nasa parke na naglalaro habang binabantayan ito ng mga yaya nito. Maaga akong nagising ngayon kaya naisipan ko na lumabas na muna. I ended up in the playground when I heard the happy voices of the kids who were playing.

Pumili ako ng isang bakanteng upuan habang pinagmamasdan ang mga ito. I watched them as they played and talked to each other.

Kung minsan, nakakamiss maging bata.

Wala kang inaalala na kahit na ano, wala kang iniisip na kahit ano. Gaya ng sabi namin noon, kapag nasasaktan sila, lalagyan lang ng band aid, bibigyan lang sila ng chocolate, makakalimutan na agad nila kung ano ang masakit sa kanila.

Ngayon...

The pain we are feeling is not as simple as theirs. Hindi magagamot ng simpleng band aid o ng tsokolate.

We hope for that but it's not that easy.

Malungkot akong napangiti habang pinagmamasdan ang mga bata. May kung ano sa loob ko ang tila tinutusok habang pinagmamasdan ang mga ito.

I heaved a sigh as I wiped my cheek. Mabilis din akong umiling at pilit na pinigilan ang sarili na umiyak.

I was about to get up when a kid ran towards me. She smiled at me and handed me a flower. "You are new here!" She greeted me.

Tinignan ko siya at ngumiti ng tipid bago tumango. "I live nearby," I replied. "Thank you for this," inangat ko ang kamay na may hawak ng bulaklak na binigay nito sa akin.

"You're welcome!" she said as she sat beside me. Napakunot naman ang noo ko pero hindi ko naman siya pinagbawalan. "I am Lean, what's your name?" I asked her.

"I'm Allison!" masiglang sagot nito. Napangiti naman ako dahil napaka bibo nito. She started telling me stories about her and her brother. Nakikinig naman ako rito hanggang sa lumapit na ang yaya nito at nagsabi na uuwi na sila.

"Nice meeting you, Lean!" she said and waved her hand, she walked with her yaya after. Kumaway naman din ako rito bago tumayo na rin at naglakad pabalik sa bahay. Hawak ko pa rin ang bulaklak na binigay ni Allison.

Pagbalik ko sa bahay ay nakahanda na ang almusal namin at naabutan ko na naroon na sina Mommy, Daddy at Enzo.

"Good morning," I greeted them and kissed mom and dad on their cheeks. Tumabi na rin ako kay Enzo at inilapag ang bulaklak sa gilid ng plato ko.

"Where did you go?" Enzo asked me.

"I just had my morning walk," I replied before putting food on my plate. Hindi na rin ako naglagay ng kanin dahil nasanay na rin akong hindi kumain nito simula ng umalis ako.

"I heard you will all go to Cebu for a vacation," sabi ni Mommy sa akin na ikinakunot ng noo ko. Agad akong napalingon kay Enzo dahil hindi ko alam ang sinasabi nito.

"Alyanna organized it. She told you that before you go home," Enzo defended Alyanna.

I mentally rolled my eyes and looked at mom, I nodded my head. "Yeah, I think we're all going," sabi ko bago kumain.

"All, including Theon?" Dad asked me. Natigilan naman sa ere ang kamay ko at napalingon dito. Ibinaba ko na muna ang kamay ko bago ako sumagot.

"I think so, dad," I replied and proceeded to eat. Wala naman ng sinabi na iba pa si Daddy sa akin kaya tinapos ko na lang ang pagkain ko ng almusal at nagpaalam na rin sa kanila na babalik na ako sa kwarto ko.

Tempted to Touch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon