19

9.3K 455 20
                                    

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my Patreon account, @vampiremims.

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️


Hindi ko alam kung ilang beses na ba akong napailing dahil sa pagtili ni Alyanna habang naglalaro ng basketball ang mga kasama namin. We all know they're all good players, and we've seen them play before. Sadyang fan na fan lang ata ni Enzo ang babaeng ito.

"Ang galing talaga ni Enzo, no?" ani Alyanna sa akin na hinihila pa ang braso ko at halatang kinikilig. Hindi ko napigilang matawa rito at mapailing.

Nagkayayaan lang ang mga ito na magbasketball ngayon at dahil Linggo naman at walang pasok ang mga ito, pumayag ang lahat. 3 versus 3 ang laro ng mga ito. Magkakampi sina Kol, Enzo at Jahann at kalaban naman ng mga ito si Theon, Keij at si Kevyn.

Nakaupo lang kami nila Alyanna sa may bleachers sa court habang nanunuod sa mga ito. Kanina pa rin tumitingin sa akin si Theon sa tuwing nakaka-score ito pero panay irap lang ang ginagawa ko rito na sinusuklian naman nito ng nakakalokong ngiti.

Para bang hindi nangyari ang tatlong taon na hindi ko sila kasama, para lang kaming bumalik sa dati... sa nakikita ko ngayon.

"Go, Jahann!" tili ni Cherinna nang si Jahann na ang may hawak ng bola at si Keij ang bantay nito. Keij is much taller than Jahann and he's actually a former varsity player kaya naman alam namin na hindi makaka-score si Jahann pero nadaan ni Jahann sa liksi ang lalaki.

"Ang bano mo maglaro," kumento ni Theon kay Keij nang maka-score si Jahann. Hindi naman namin napigilan matawa at asarin si Keij dahil doon. Keij just made a face at him.

"Mahal naman ako ni Lean," sabi nito na ikinasimangot naman ni Theon.

I looked at Keij and chuckled. Kung minsan talaga, parang kahit na kanya-kanya na ang mga ito ng pinamamahalaan na mga negosyo ng kani-kaniyang mga pamilya, hindi pa rin nila napipigilan na mag-astang mga bata at mag-asaran. Lalo na si Keij at Theon.

"Game na!" malakas naman na sabi ni Kol na nakasimangot na sa mga ito. Hindi ko na narinig ang sinabi ni Theon kay Keij pero natawa si Keij dito at tinulak si Theon.

Nag-time out sina Jahann kaya lumapit ito kay Cherinna dahil na rin nasa amin ang mga tubig ng mga ito. Si Theon naman ay diretsong lumapit sa akin at naupo na rin. Ito rin ang umabot ng tubig nito na nasa tabi ko.

I looked at him and he smiled at me. "Why?" he asked and I shrugged. "You know that whoever loses will treat lunch today, right?" I asked him and he nodded his head. "I was the one who said that."

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka at tumingin sa scoreboard dahil lamang ang team nila Enzo ng sampung puntos at tila balewala iyon kay Theon.

"Is it okay for you to lose?" I asked him and he shrugged his shoulders. Inilapag nito sa tabi ko ang towel na ginamit nito pamunas sa balikat nito bago tumayo dahil magsisimula na ulit silang maglaro.

Naging dikit din naman ang laban ng mga ito pero sa huli, sina Enzo ang nanalo kaya naman tuwang-tuwa si Alyanna na nakaupo sa tabi ko.

"Grabe, natalo kayo ng mga hindi nagvarsity nung college? Nakakahiya kayo!" pang-aasar pa nito sa mga pinsan nito. Maging si Cherinna at Airi ay natatawa habang inaasar sina Keij.

"Parang gago kasi si Theon, hindi yata marunong tumira ng tres," pagmamaktol ni Keij na hindi naman sinagot ni Theon, sa halip ay uminom lang ito ng tubig at nagpunas ng pawis.

Tempted to Touch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon