16

10.1K 475 44
                                    

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my Patreon account, @vampiremims.

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️


Even though I insisted that we don't have to hire a glam team for me, my mom disagreed and opted to hire one for me. Sa hotel na ako nag-stay kagabi para hindi na rin ako bibiyahe ngayong araw papunta sa hotel. Wala rin naman akong makakasabay sa pagpunta kaya sa palagay ko naman ay tama lang din ang naging desisyon kong iyon.

Enzo will pick up Alyanna and I don't plan to be the third wheel today. Mas pinaboran naman din ako ni Mommy para kung sakali ay hindi hassle sa akin ang okasyon ngayon.

Hindi naman din ako halos nakatulog ng payapa kagabi dahil iniisip ko rin ang sinabi ni Theon noong huling pagkikita namin. He told me he never cheated on me. Pero hindi naman din ako tanga upang paniwalaan iyon.

Nakita ko siya. Nakita ko silang dalawa. Sa kama ni Theon mismo, pareho silang walang saplot ng babae nito, imposible naman na walang nangyari sa mga ito.

Tila kahapon lang nangyari ang lahat base sa alaala ko kung paano ko silang dalawa nakita. I could still remember their clothes on the floor, how the bed sheet covered their naked bodies, how that girl's arm wrapped around his waist...

Napailing na lang ako bago ipinagpatuloy ang paghihilamos para na rin makakain na ako. I will just order my food for breakfast and probably late lunch. Hapon pa naman ang dating ng mag-aayos sa akin kaya may oras pa rin ako para magpahinga pa at mapag-isa.

Nakaayos naman na rin ang dress na susuotin ko para sa party mamayang gabi. It was a body hugging navy blue mermaid dress and I actually like how it looks when I tried it on. Iniisip ko kung maglalagay ba ako ngayon ng hair extension para sa buhok ko pero mas lamang sa akin na hayaan na lang ang buhok ko.

I answered my call when I received Alyanna's call. Naupo na rin muna ako sa may pang-isahang silya upang kausapin ito.

"Hey..." I answered.

"Hi! Where are you?" tanong naman nito sa kabilang linya.

"Hotel. So I don't have to force myself to watch you and Enzo in the car later," sinundan ko iyon ng pagtawa.

"Excuse me, Lean! Hindi kami ganon, no!" maging si Alyanna ay natawa sa sinabi nito. I am actually happy for them. Lagi ko naman ding sinasabi iyon kay Enzo dahil nakikita ko kung gaano ito kasaya sa piling ni Alyanna.

Iyon naman din ang pinaka mahalaga para sa akin. His happiness. Siguro nga natural iyon sa mga kambal. Gusto mo na ang kakambal mo, makuha niya lahat ng best sa mundo dahil alam mong deserve niya iyon.

"Aayain ka pa naman sana namin since we hired makeup artists for later's event," pag-iiba ni Alyanna ng usapin.

"No need. Mom hired one for me already. I guess, I will just see you all later, then," sagot ko naman dito.

"Okay, okay. See you!" paalam ni Alyanna at pinatay na rin ang tawag. Ipinagpatuloy ko naman na ang pagkain habang nagbabasa ako ng mga emails ko tungkol sa trabaho. May mga nabasa akong ilang contracts na kailangan naming i-review ni Tita Becky. Kapag natapos na nitong i-review ang mga iyon, ako naman ang magbabasa dahil ayokong may makalusot sa akin sa kontrata ko at gamitin laban sa akin.

I was about to put my phone down when I saw Theon's name on the screen.

He's calling me... again.

Hindi ko alam kung ilang beses na ba itong tumawag sa akin mula kagabi pero hindi ko pinapansin iyon. Wala akong sinagot kahit na isa sa mga iyon.

Tempted to Touch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon