21

9.8K 438 12
                                    

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my Patreon account, @vampiremims.

Leave a comment if you like the story! I would really appreciate it. 

☀️☀️☀️


"So, how's New York for the past 3 years?" tumingin sa akin si Theon matapos itong sumimsim ng kape na kaninang hawak nito.

I looked at him and shrugged. "Same old?" sagot ko rito. Hindi naman ako nandoon para mamasyal at pansinin kung may nagbabago ba sa lugar na iyon o wala. I was there for work.

"You didn't go out? You're kind of popular already, right?" tanong ni Theon muli sa akin habang nakatingin ito sa akin. It was as if he didn't want to take his eyes away from me because I might disappear in an instant. "We always watch your shows..."

"Tita Rain mentioned that to me," sagot ko naman dito bago muling bumaling sa may malaking TV at pinilit na intindihin ang pinanunuod naming pelikula.

Habang nanunuod kami, nagsimula kaming mag-usap tungkol sa mga bagay-bagay at sa mga nangyari habang hindi kami magkasama.

Theon initiated the talk, of course.

Madalas naman na napag-uusapan namin ang bagay na iyon kapag magkakasama kami ng iba pa pero iba pala kapag kaming dalawa lang ang magkausap.

Magkasama kami ng madalas nang mga nagdaan na araw pero marami pa rin pala kaming hindi pa napapag-usapan.

"So, you never had a boyfriend while you were in New York?" he cocked his head and smiled at me. I looked at him and frowned. "It's actually none of your business, Theon," sagot ko naman dito na nakasimangot pa rin.

"Actually, it is. I brought you here... to somehow close the gap between us..."

"Theon..."

"I know, I know. Hindi naman kaya ng mabilis iyon, Lean. Alam ko naman. I am just hoping that you will give me a chance... to show you and prove to you that I am the same Theon you fell in love with. Gago pa rin, oo. Pero mahal na mahal ka pa rin. Hindi nagbago iyon..."

Umiwas na lang ako ng tingin dahil sa palagay ko ay hindi ko naman din kayang makipagtitigan kay Theon. Hindi ko alam kung tama ba ang mga lalabas sa bibig ko.

I might say the wrong words...

I might make things worse...

Hindi ko alam.

It must be hard for him, too. Kapag hindi ako kumikibo o ano. Kapag hindi ako nagsasalita o hindi ko sinasabi sa kanya ang mga nasa isip ko.

Isa iyon sa mga natutuhan ko noong nasa New York ako. I learned not to say everything that's on my mind. Natuto ako na manahimik na lang at sarilinin ko na lang ang iniisip ko para wala na lang din pag-usapan...

Theon respected my silence so we just really watched a movie. Naka-dalawang movie rin kaming dalawa bago ako nagpaalam na rito na pupunta na sa kwartong nakalaan sa akin para na rin magpahinga dahil namimigat na ang mga mata ko sa antok.

"Hatid na kita," sabi naman ni Theon sa akin na sinamahan din talaga ako papunta sa kwarto ni Alyanna na siyang inookupa ko.

I looked at him when we reached the door. "Thank you," mahinang sabi ko rito. "I'll go inside and sleep," paalam ko bago binuksan ang pinto.

"No good night kiss?" Theon asked me. He chuckled and looked at me. "Sige na, pumasok ka na. Parang gusto mo pa akong sampalin, e," sabi nito bago nagpaalam na pupunta na rin sa sariling kwarto nito.

Tempted to Touch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon