11

10K 426 30
                                    

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my Patreon account, @vampiremims.

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️

I was just sitting on the side of my bed while hugging myself. Hindi na ako nag-abala na magpalit pa ng damit dahil pakiramdam ko ay wala akong lakas na kumilos sa mga oras na iyon. Tila ako tinakasan ng lakas nang makapasok na ako sa kwarto ko.

I tried so hard to go to my room as quickly as possible. Mabuti na lang din at wala namang nakakita sa akin dahil ayokong may makaalam ng nangyayari ngayon.

Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kanila ang sitwasyon. Hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag sa kanila kung anong sakit ang nararamdaman ko ngayon.

Panay ang palis ko sa mga luha na hindi pa rin natatapos kumawala sa mga mata ko pero tila hindi nauubos ang mga ito. Para bang sa bawat pagpatak ng mga luha ko, hindi nababawasan ang sama ng loob at sakit na nararamdaman ko ngayon.

Para bang nagbalik tanaw ako sa lahat ng nangyari sa amin ni Theon.

Kung paanong nagsimula ang relasyon namin, paano akong nagsimulang magkagusto sa kanya… paanong ipinaglaban namin ang isa’t isa…

Lahat ng iyon, hindi ko maramdaman ang tuwa na noon ay nararanasan ko sa tuwing aalalahanin ko ang mga iyon.

Those memories… It was all a lie.

I never thought this day would happen… kahit naman kasi noon pa, sinasabi ko na kami ni Theon ang para sa isa’t isa dahil mahal na mahal ko siya… pero ngayon… hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin.

Ano ba ang dapat kong maramdaman?

I am so hurt right now.

Niyakap ko ang mga tuhod habang patuloy ang tahimik na pag-iyak. I don’t want to create any noise since I know Enzo was still in the house. Ang alam ko ay mamaya pang gabi ang alis nito para puntahan si Alyanna at ayoko na masira ang araw nito dahil sa akin.

I bit my lip hard as I tried to contain my sobs. Tahimik akong umiiyak habang yakap ang mga tuhod ko.

Mabigat ang loob ko… Hindi ko mapigilang tanungin ang sarili ko kung ano ba ang mali sa akin, ano ba ang mali kong nagawa?

Hindi ko alam kung paano niyang nagawa sa akin ang bagay na iyon.

Hindi ko alam kung saan ba ako nagkulang…

I have been so supportive of him. I have been so understanding of him. Kung misan kahit na nagtatampo ako kay Theon, iniintindi ko siya dahil alam ko na gusto nitong maging proud ang mga magulang nito sa kanya…

But this…

Ano bang ginawa ko para mangyari ito?

I was sobbing while hugging my knees when I heard a knock outside my room. Nanlalabo ang mga mata na nilingon ko iyon.

“Ma’am Lean? Ma’am, nasa ibaba po si Sir Theon, hinahanap po kayo,” narinig kong sabi ng kasambahay namin sa labas ng kwarto ko.

Tila nag-uunahan naman sa pagtulo muli ang mga luha ko dahil sa sinabi nito.

Ano pa ba ang ginagawa ni Theon dito? Bakit pa ito sumunod sa akin?

“Ma’am? Paakyatin ko na lang–”

Tempted to Touch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon