24

10.4K 470 22
                                    

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my Patreon account, @vampiremims.

Leave a comment if you like the story! I would really appreciate it.

☀️☀️☀️

“Lean.”

Hindi ko alam kung ilang beses na ba akong nag-spaced out habang nag-aalmusal kami nila Karl at Tita Becky sa isang coffee shop. We have decided to just dine out this morning since Enzo and my parents also went out early.

Hindi na rin namin sila hinayaan na mag-stay pa sa hotel, sa halip ay sa bahay na lang namin sila namalagi ngayon dahil dalawang linggo lang naman din ang itatagal nila.

“What was that again?” I asked him before I sip on my coffee. He chuckled and took a napkin to wipe the side of my lips. Sanay naman na ako roon dahil talagang maalaga si Karl kahit noong nasa Amerika kami pero ngayon, parang may ilang akong nararamdaman.

I moved a little and gave him a shy smile. Kinuha ko na lang din ang hawak nitong napkin at ako na ang nagpunas sa gilid ng mga labi ko.

“I was talking about going back to the States. Becky already booked our tickets,” he casually said while spreading butter on his bread.

“What?” kumunot ang noo ko bago sumulyap kay Tita Becky na sumisimsim din sa kape nito. “You mean, your tickets, right? Mauuna kayo ng balik kaysa sa akin, diba?” tanong ko rito at nakita ko ang alanganing ngiti nito.

“Tita Becky…”

“Well, Lean. You had your vacation already. Hindi ko na pwedeng i-delay pa ang ibang projects mo dahil hinahanap ka na rin sa akin. May mga shows pa na hindi ka pwedeng mawala kaya kailangang makabalik ka ng mas maaga kaysa sa plano mo…” paliwanag naman nito sa akin at hinawakan pa ang kamay ko.

“But we already fixed my schedule, right? Even before I went back here, we fixed my schedules. We negotiate everything to them,” sabi ko habang nakatingin sa babae. Si Karl naman ay nakatingin lang sa amin habang nag-uusap. Sanay na rin naman ito na nagsasalita kami ng Filipino at hindi naman ito uncomfortable para sa lalaki.

“I know, Lean. But it’s just one week. Wala namang difference dahil mas gusto mo namang makabalik agad, diba? You said it yourself before, you don’t want to stay here longer. Now, you have reasons to go back earlier,” sagot naman nito sa akin.

Yes, I mentioned that to her before.

Bago ako magpunta sa Pilipinas, sinabi ko kay Tita Becky na kung maaari lang akong makabalik agad ay mas mabuti dahil wala naman talagang dahilan para magtagal ako sa Pilipinas. Uuwi lang naman ako dahil sa mga magulang ko at kung sasabihin ko naman sa kanila na kailangan ko ng bumalik sa States, nakakasigurado naman ako na hindi ako hahadlangan ng mga ito.

They can always visit me, too. Hindi naman naging problema sa mga magulang ko iyon.

But now…

It feels like it’s a problem for me.

“Is there any problem if you’re coming back with us?” si Karl ang nagtanong sa akin. Nilingon ko ito bago umiling.

“None…” tipid na sagot ko na lang bago tumingin sa plato ko. Parang nawalan ako ng gana na kumain dahil na rin sa naging desisyon ng mga ito. Naisip ko na kausapin na lang mamaya si Tita Becky kapag kami na lang dalawa para sabihin sa kanya na i-rebook na lang ang schedule ng flight ko. I will just assure her that I will be going back to the States. Marami akong dapat na ayusin doon at trabaho na hindi ko naman din basta pwedeng iwan na lang kaya babalik naman talaga ako ng States.

Tempted to Touch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon