35

10K 436 38
                                    

This story has advanced chapters in Patreon and Ko-fi.

Be a patron and supporter for only 50 pesos per month.

Visit my Patreon and Ko-fi account, @vampiremims.

Leave a comment if you like the story! I would really appreciate it.

☀️☀️☀️


If what's happening to me right now is a dream, I would do anything to be able to sleep forever and not want to wake up anymore.

So far, it's all so good. Maayos ang relasyon namin ng mga magulang ko, maayos din ang relasyon namin ni Theon. Walang problema. Kung ano kami noon, kung gaano kami kaayos noon, mas ngayon. Maybe it was because somehow, we became more mature now.

Hindi na namin pinag-aawayan ang simpleng hindi pagsesend ng message o pagtawag. Mas naunawaan na rin siguro talaga namin na hindi naman sa aming dalawa lang umiikot ang mundo.

May trabaho si Theon at ako habang nagbabakasyon ay kailangan kong sulitin iyon dahil pagbalik namin ng New York, natitiyak kong wala na naman ako halos magiging pahinga. Napag-usapan na namin ni Theon iyon kahit papaano. Kung paano ba ang magiging set up namin lalo pa at malaki ang agwat ng oras namin.

Umaga sa Pilipinas, gabi sa New York. Possible na hindi magtagpo ang oras namin, possible na hindi kami makapag-usap ng madalas... pero alam ko naman na sa relasyon namin ni Theon, hindi na magiging malaking hadlang ang bagay na iyon pero hindi rin basta pwedeng balewalain dahil importante sa relasyon ang komunikasyon.

"You seemed in a good mood," Enzo commented while he was making his coffee. Simula nang niregaluhan ni Alyanna si Enzo ng espresso machine, ito na ang gumagawa ng kape nito at hindi ito inuutos sa kasambahay namin. I once saw him taking a photo of his coffee and sent it to Alyanna.

"I am in a good mood," sagot ko naman dito bago kumuha ng gatas sa ref. Maaga akong nagising kaya naman naabutan ko si Enzo sa may kusina. Plano ko rin kasi na magwork out ngayong araw.

Theon will attend a convention in Cebu. Umalis ito kagabi at mamayang gabi ang inaasahan kong balik nito. Plano ko na ring asikasuhin ngayon ang lahat ng gamit ko na dadalhin ko pabalik sa New York. I am planning to bring new clothes.

"Yeah, saw that," sabi ni Enzo bago uminom ng kape nito. Nakapantulog pa ito ngayon kaya magulo pa ang buhok. "Do you want anything?" he asked as he took the bread from the fridge.

"French toast?" I replied before sitting. Hindi ko na rin pinainit ang gatas at ininom ko na ang sinalin ko sa baso.

"Okay," he simply said before he started preparing the ingredients. Pinanuod ko lang si Enzo habang iniinom ko ang gatas na kinuha ko.

"When are you planning to marry Alyanna?" I asked him out of the blue. Enzo looked at me and raised a brow. I just shrugged and looked at him. "I'm just wondering. You've been engaged for how many years already. I am sure Alyanna is also thinking about that," I added. I saw him shrug a little.

"Alyanna knows exactly what our plans are, Lean. You have nothing to worry about," he replied while cooking.

"You should be asking Theon instead of me," he added and chuckled a little.

"Kakabalikan pa lang namin, diba. Alangan namang magpakasal kami agad," sagot ko naman dito matapos itong irapan.

"He's cool about you going back to New York?" tanong ni Enzo sa akin nang ilagay na nito sa mga plato ang mga naluto nitong french toast. Inabutan na rin ako nito ng utensils.

"We talked about it already, Enzo. He said it was okay and I have decided to go, too. Ayoko naman na ma-guilty rin si Theon," sagot ko rito.

He's supportive, yes. He agreed to what I wanted, yes. But I also know that he might feel bad and feel guilty if I stayed because of him. Though it occurred to me, I don't think it's a wise move.

Tempted to Touch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon